Chapter 1

802 25 4
                                    

The Student Council President


Baekhyun's POV

"Ano? Kamusta? Nakapasok ka?" Bungad sakin ni Kyungsoo pagkapasok ko palang sa apartment namin.

Tinignan ko siya ng malungkot at napatungo. Bigla siyang sumimangot at lumapit sakin. Niyakap niya ako at inaalo.

"Okay lang yan, Baek. Atleast you tried your best. Pwede pa rin namang magkaiba tayo ng school right? Nasa iisang apartment parin naman tayo. Ano ka ba!" Pag chi-cheer up niya sakin.

Tumingin ako sa kanya at tinawanan siya ng malakas.

"Hahahaha! Joke lang iyon! Syempre nakapasok ako! Ako pa ba?" Sabi ko at proud na nagpose sa harap niya.

"Tanginamo!" Sigaw niya at sinuntok ako sa balikat.

Fck. Ang lakas sumuntok ng kwagong 'to!

Tinalikuran niya ako at nagmartsa papuntang itaas.

"Hoy! Wag ka ngang mag walk-out! Ano ka babae?!" Sigaw ko sa kanya.

Humarap siya sakin at sumimangot. "Tanginamo talaga!"

Humalakhak ako. "Oh! Ano na namang problema?!"

"Lalake ako, gago!"

I smirked at him. "Tapos?"

"Kung hindi lang dumating sa buhay ko iyong negrong iyon!"

"Hahahah! Siya ang sumira ng pagkalalaki mo, Soo."

"Pakyu ka, Baekhyun! Pakyu!"

"Sorry, Soo. Straight ako eh." Sabi ko at nagkibit balikat.

He raised his middle finger at tumawa uli ako ng malakas. "Tignan lang natin, Baekhyun! May dadating sa buhay mo na sisira sa iyong salitang 'straight'!"

Nagkibit balikat ako at mas lalo siyang nainis. Napaka mainitin naman ng ulo nito!

"Kahit ang ruler, nababali! Tanginamo talaga!" Sigaw niya at tuluyan na ngang umakyat sa taas.

Tumawa lang ako ng tumawa habang siya ay nagdadabog sa taas. Ang baklang iyon talaga! Tsktsk. Nakita lang iyong negro niya, nagkakaganyan na.

Napatingin ako sa hawak kong papel at napangiti. Nakapasok ako sa Lost Planet Academy. Bibihira lang ang mga nakakapasok dito. Iyong mga may utak at mayayaman lang. In my case ay fifty-fifty.

Sikat ang skwelahang ito dahil sa mga iba't ibang achievements at achievers.

Ang rason talaga kung bakit ako nagenroll dito ay aside from dun nag-aaral si Kyungsoo, gusto ko ring sumali sa tinayo nilang banda.

Napatingin ako sa orasan at nakitang malapit na palang mag alas-syete. Tumingala ako sa taas at naisipang ako nalang ang magluluto. Tanginang Kyungsoo iyon, may PMS ata. Sa pagkakaalam ko, straight naman talaga iyan si Kyungsoo. Ewan ko ba kung anong meron sa Jongin na iyan at biglang lumihis ng landas tong bestfriend ko. Pero kahit na ganun, tanggap ko siya. Mayaman ang pamilya niya, at kami ay sakto lang pero pinili parin niyang makasama ako dito sa pipitsugin na apartment na ito. Magkaibigan na kami simula bata palang kaya susuportahan ko siya. Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya.

"Hoy! Kyungsoo! Kakain na!" Sigaw ko habang kinakatok ang pintuan niya.

"Tanginamo!" Sigaw niya pabalik.

Napakamot nalang ako sa batok. Hindi pa ba siya tapos sa salitang iyan?!

Puta. Bakla talaga.

"Gaga! Pasensya na! Halika na kumain na tayo!"

Don't Go [Chanbaek FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon