Voice
Chanyeol's POV
"Bro!"
Napalingon ako at nakita sina Jongin na tumatakbo papunta sakin.
Inakbayan ako ni Sehun at tinulak ako ni Jongin. Anong trip na naman 'to?
"May narinig akong bulong-bulongan kanina." Sabi ni Jongin at ngumiti ng malawak.
"Chismoso!" Sigaw ni Sehun sa kanya.
"Wag mo nga akong hawakan." Sabi ko kay Sehun at nagpout naman ang loko. "Ano na naman iyang narinig mo?" I turned to Jongin.
"May transferee daw." Sabi niya at ngumiti pa ng mas malawak.
Kumunot ang noo ko. At ano naman ang pake ko sa transferee na iyan?
"So?" Sabay na tanong namin ni Sehun
Sumimangot siya at pumagitna samin ni Sehun.
"Malakas daw ang appeal. Pinagkakaguluhan ng mga lalaki at babae!" Sabi niya at tinaas-baba pa ang kilay.
"Ng babae? Tomboy ba iyan?" Tanong ni Sehun at nagkibit-balikat lang si Jongin.
"Nakita mo na ba?" Tanong ko.
Umiling siya.
"Hindi naman pala eh. Baka nagkakamali ka lang sa mga naririnig mo kaya wag ka munang magsaya diyan."
He frowned dahil sa sinabi ko and he placed his arms around my neck.
"Tangina, Jongin wag kang malikot!" Inis na sabi ko sa kanya.
Binitawan niya ako at ako naman ang sumasakal sa kanya. Tinatawanan lang kami Sehun at sumabay na rin sa pagsakal kay Jongin.
"M-mga gago! A-ano ba! Hindi ako-- makahinga! S-shit!" Pilit niya kaming nilalaban ngunit hindi parin siya makatakas dahil dalawa kami at nag-iisa lang siya.
"Uhm. Chanyeol?"
Napahinto kami at tumingin dun sa babaeng tumawag sakin. Jongin panted for air. Ako at si Sehun ay nakatingin ng seryoso sa babae.
"Yeah? How can I help you?" Cold kong tanong sa kanya.
Bigla siyang namula at nag-iwas ng tingin. May kinuha siya sa bag niya at binigay sakin.
Sinulyapan ko lang iyon ay tinignan uli siya.
"At ano naman ang gagawin ko diyan?" Cold ko paring tanong.
Sumimangot siya. "J-just please read it. C-chanyeol, I like you. I like you so much. Please consider my feelings for you." Sabi niya at mas lalo pang namula.
"Thank you but I'm not interested." Sabi ko at nilagpasan siya. Agad namang sumunod ang dalawa sakin.
"Paulit-ulit ka nang nangrereject, Yeol. Bakla ka ba?" Tanong ni Jongin.
"Hindi lang talaga ako interesado." Sabi ko at napatingin sa mga estudyanteng nakakasalubong ko habang bumabati sila sa amin.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko." Pang-aasar uli ni Jongin.
Tumawa si Sehun. "Alam mo naman ang sagot diyan, Kai."
Sinamaan ko ng tingin si Sehun at nag peace sign siya.
Nanlaki ang mga mata ni Jongin. "What the fuck, Chanyeol?! Seryoso?!"
Bumuntong hininga ako. "Hindi naman sa bakla ako pero may posibilidad na magkagusto ako sa lalaki." Tiningnan ko siya at tinaas-baba ang kilay.
BINABASA MO ANG
Don't Go [Chanbaek FF]
FanfictionAng gusto lang naman ni Byun Baekhyun ay makapasok sa Lost Planet Academy at makasali sa tinatayo nitong banda. Well, sa isang Park Chanyeol naman, gusto lang niyang mapasakanya si Baekhyun.