Chapter 3

408 20 3
                                    

Detention

Baekhyun's POV

"Ano bang oras mag-iistart iyong second period?" Tanong ko kay Chanyeol habang naglalakad kami.

"Mga 8:50." Sagot niya.

Napatingin ako sa relo ko, 8:38 na.

"Malapit na pala mag-time." Bumaling ako sa kanya, tumango naman siya.

"Hindi ka ba pala-salita?" Nakasimangot kong tanong.

Madaldal kasi akong tao eh, kaya hindi ko makakayanan na kumausap o makasama ang taong hindi sumasabay sa pagdada ko.

Tumingin siya sa sakin. "Yeah. Tahimik akong tao."

"Ah." Tumango ako, feeling disappointed

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko. Hindi ko na kaya, damn.

"Yes."

Isang tanong, isang sagot na naman. Tsk.

Si Kyungsoo kasi tahimik rin iyong tao. Nung mga bata pa kami palagi ko siyang kinukulit kaya bumigay rin ang gago at pinapansin na ako. At ngayon, tahimik siya kapag ibang tao, at kapag ako ang kasama niya ay ipinapakita niya ang kabaklaan side niya. Iyong kwagong iyon talaga, bakit ko ba iyon kinaibigan?!

Iba kasi si Soo, dahil mag bestfriend kami kaya kapag may times na sobrang tahimik niya, nakakaya ko. Pero ito?! Si Chanyeol? He's a total stranger to me.

Umakyat kami sa hagdan at napansing may mga classrooms na. Oh, kailangan lang palang umakyat eh.

Napatingin ako sa isang room at napansing pinagtitinginan kami ng mga estudyante! Ang mga room kasi ay glass iyong bintana kaya kitang-kita kami dito sa labas!

Napatingin ako sa ibang mga room at ganun pa din! Pinagbubulungan na nila kami.

At bakit naman kaya? Dahil kasama ko ang student council president? Kailangan ko bang dumistansya?

Napasulyap ako sa kanya at ang mga mata niya ay nakatuon lang sa harap. Wala siyang pake sa nangyayari sa paligid.

Dumistansya ako sa kanya at napansin naman niya iyon kaya napatingin siya sakin.

"Bakit ka lumayo?" Tanong niya.

"Uh. Kasi, wala lang?"

Hindi na siya sumagot kaya napabuntong hininga ako.

Eksaktong nag-bell nung huminto na kami.

Napatingin ako sa itaas ng pintuan at may nakasulat na Elyxion-B .

Nahagip ng mata ko si Kyungsoo at gulat na napatingin siya saming dalawa ni Chanyeol.

"Baekhyun!" Lumabas siya sa room niya at hinawakan ako sa balikat.

"Bakit late ka? Bakit magkasama kayo?" Sunod-sunod na tanong niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tiningnan sa mga mata na nagsasabing 'mamaya ka na magtanong'

At dahil nga sa mag-bestfriend kami ay salamat naman dahil nakuha niya iyon.

Bumaling ako kay Chanyeol at nginitian siya. "Salamat. Uh. Chanyeol."

"You're welcome, Baekhyun."

Mas lalong lumawak ang ngiti ko na tumugon siya at binanggit ang pangalan ko.

Well, that's a start. Hindi naman sa may plano akong kaibiganin siya pero malay natin diba?

"Sige pasok na kami." Hinawakan ko ang braso ni Kyungsoo. "Ikaw rin."

Don't Go [Chanbaek FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon