Magnetized
Chanyeol's POV
Medyo malayo na sila sa kinatatayuan ko pero rinig na rinig ko parin ang tawanan nila! Shit. Sino ba siya? Magka ano-ano ba sila? Bakit sobrang close nila ni Baek?!
Baek.
Wow Chanyeol. Nakiki-'Baek' ka na rin? Tss.
I clenched my jaw at tumalikod.
"Oh, Chanyeol! Nalate ka yata ng uwi."
"Obviously. "
Bumuntong hininga si noona. "Nagbantay ka na naman ba?"
Tumango ako. "Hindi maiwasan ang mga pasaway, noona."
"By the way, pupunta ako sa school niyo bukas."
Napakunot ang noo ko. "At bakit?"
"Magjajudge kaya ako. Duh!" Inirapan niya ako.
"Saan?"
Binatukan naman niya ako. Sadista. Bwesit. "Presidente ka ng council tapos di mo alam kung anong mangyayari bukas?"
I shrugged. "Malay ko ba sa mangyayari bukas. "
"Mas updated pa ako kesa sa iyo. Kakausapin ko talaga si Tita."
I scoffed. "Hindi siya makikinig sayo, mas mahal ako ni Tita."
Inirapan niya ako. "Anyway, may audition bukas. You know, iyong sa bagong boy group?"
Napa-oh nalang ako. At nagpaalam na papasok na sa kwarto.
Sumalampak ako sa kama at napatingin sa dalawang picture frame na nasa side table. Ang isa ay kaming dalawa ni noona nung nanalo ako sa isang competition at iyong isa ay kasama na namin ang parents namin. This was a long time ago. When I was a kindergarten. How I wish na sana bumalik nalang kami sa dati. Iyong kumpleto, palaging magkasama, masaya, simple. It was so selfish of me na hilingin na sana hindi nalang nag boom ang negosyo nila Mom and Dad. E 'di sana magkakasama parin kami ngayon.
Iniwas ko ang tingin sa frame at nagtungo sa aking study table para gawin ang isang reflection tungkol sa nabasa namin kanina sa isang subject.
I was about to write when he suddenly popped out in my mind.
Baek...
Kinuha ko ang laptop ko at logged in to my account.
Ang daming nag memessage, ang daming friend requests at ang dami ring notifications pero wala akong pake. Isa lang ang pakay ko dito.
I typed Baekhyun and smiled nang makita ko kaagad ang profile niya. I clicked it and my smile turned into a frown nang makitang di ko siya ma-add. Wala kaming mutual friends. At tanging mga profile picture lang niya ang nakikita ko. Damn!
Kailangan ko pa bang mag-add ng kaibigan niya para ma-add ko na rin siya?! Ugh. Fine. But wait. Fck. Ano ngang pangalan nung pandak na paepal na iyon?! Damn! Paano ko siya maa-add if wala akong ka ide-ideya kung sino ang mga kaibigan niya!
God, this is so frustrating.
Tinignan ko ang oras pagkatapos ay iyong papel na susulatan ko sana ng reflection. It's 7:21 pa, mamaya ko nalang iyan gagawin.
Napapikit ako sa frustration. At ginawa ang isang bagay na hindi ko inaasahang gagawin ko in my entire life. I chatted random person na nag-aaral sa LPA. At isang sentence lang ang tinype ko.
'Do you know Byun Baekhyun?'
May ibang di pa nagrereply at ang iba naman ay sineen lang ako. Fvck! Ang lakas ng loob na iseen ako!
BINABASA MO ANG
Don't Go [Chanbaek FF]
FanfictionAng gusto lang naman ni Byun Baekhyun ay makapasok sa Lost Planet Academy at makasali sa tinatayo nitong banda. Well, sa isang Park Chanyeol naman, gusto lang niyang mapasakanya si Baekhyun.