Chapter 12

347 16 4
                                    

Baek's past

Baekhyun's POV

"Baek! Baekhyun! Byun Baekhyun! Open the goddamn door!"

I groaned and kicked my pillow in annoyance. Napa 'tsk' ako at kinuha ang earphones. Nilakasan ko talaga ang volume pero mas malakas talaga ang sigaw ni Kyungsoo.

"What the heck, Baekhyun! Buksan mo nga ang pinto! Kausapin mo ako ano ba!" at kinalabog na naman niya ang pintuan for God knows how many times.

"Baekhyun! Byun Baekhyun! Talk to me, ano ba!"

Napabuntong hininga ako at tumayo para pagbuksan siya ng pinto. Wala naman akong takas sa baklitang kwago na ito.

Pagod ko siyang tiningnan. "Soo naman."

"Hindi kita titigilan unless sabihin mo sakin kung anong nangyari sayo."

Sabi niya at nilagpasan ako. Umupo siya sa kama ko at nagcrossed-arms.

I sighed at umupo sa upuan malapit sa study table ko. "I fcking messed up everything, okay?"

Inirapan niya ako. "I know that. Pero bakit? May nangyari ba?"

Tumingin lang ako sa kanya. Nagtitigan kami ng mga ilang segundo hanggang sa ako ang nag-iwas ng tingin. Nanlaki naman ang mga mata niya at napasinghap.

"Don't tell me it's because of that bitch?!"

"Kyungsoo. . ."

"My god, Baekhyun?! Nagparamdam lang iyong tao, ginanun mo na si Chanyeol?!" di makapaniwalang tanong niya.

"I know, okay?! It's my fault! I messed up! Nagkakagulo na ang utak ko! Dumagdag pa iyong kadramahan ni Chanyeol! I'm sorry, okay?"

"Wow. Nagkagulo ang utak mo? Why? Are you still affected? Do you still love her?" taas kilay niyang tanong.

Napakamot naman ako sa ulo dahil sa frustration. "Kyungsoo, she's my first! My first love, my first girlfriend, my first in everything!"

"First in everything? Aga mo kasing lumandi." bulong niya pero rinig na rinig ko parin. "You didn't answer my question, Baek. Are you still affected? Do you still love her?"

Napatungo ako. "Affected pa ako. Pero di ko alam kung mahal ko pa ba."

He 'tsk'ed. "Ikaw na ang nagsabi, affected ka parin. Ibig sabihin mahal mo pa rin."

"Affected ako kasi nasasaktan parin ako! Hindi sa mahal ko siya kundi hindi ko malimutan ang sakit na binigay niya sakin. And damn those 'time heals all wounds' na sinasabi niyo!" napasuntok ako sa pader dahil sa frustration.

Tangina. Bakit pa kasi siya nagparamdam

"Baek. . ."

"I hate her for hurting me but I still do care! Nasasayangan rin ako sa pinagsamahan namin. At ngayong nagparamdam siya, gulong-gulo ako because why the fuck I'm feeling this way?!"

Dahan-dahan siyang lumapit sakin. "Baekhyun. . . "

"I'm happy with Chanyeol. Alam kong sa sarili ko na may chance talaga siya. Pero bakit. . . Bakit?" napatakip uli ako sa mukha ko at napabuga ng hangin. Fck this.

Ganun lang ang posisyon ko hanggang sa makaramdam ako ng yakap.

"Baekhyun. Baka naman you just miss the memories? Or baka naman curious ka lang talaga sa inyong dalawa ni Chanyeol. Which is which?"

Napailing ako. "Hindi. Masaya ako eh, alam ko iyon. Lumalakas rin ang kabog ng puso ko. Kaya alam kong di ako curious."

"Nabigla ka lang siguro, Baek. Namiss mo lang iyong pinagsamahan, kaya ka affected." he said while patting my head.

Don't Go [Chanbaek FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon