Go Out? Get out.
Chanyeol's POV
"Okay, sabihin nga natin na nagkamali kami. Pero 'what if' totoo nga, may chance ba si President Park Chanyeol?"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong may nagtanong nun kay Baekhyun.
"Dude, no. I'm fvcking straight."
Agad akong nanlumo sa sagot niya at tumalikod.
Umiling iling ako para makalimutan ang pangyayaring iyon na ilang araw ring bumabagabag sakin.
"Oh? Problema mo?"
Napatingin ako kay Jongin at tinaasan siya ng kilay.
"Balot na balot, ah? Mukha kang sira."
"Inggit ka lang sa outfit ko." at nagpose pa ang loko.
"Lul."
Umupo siya sa tabi ko. "Ikaw ang mukhang sira. Bakit ka ba nakatunganga?"
"Tss."
Kumunot ang noo ko nang biglang humagalpak siya ng tawa.
"Bro, move on! Get over it."
"Tumahimik ka nga. Tss."
Humahampas pa siya sa table niya habang walang tigil sa kakatawa.
"My friends!"
Napatingin ako kay Sehun na nakaambang yayakapin kami.
Pinalo ko ang kamay niya at nakakunot noong tiningnan siya. "Anong itsura iyan?" Sumulyap ako kay Jongin na nakatingin na rin kay Sehun. "Nagfifriendship goals ba kayo or relationship goals na ito--Aray! Wag ka ngang mambatok!"
"Sira! Anong goals iyang pinagsasabi mo? Nakikigaya lang iyang si Sehun. Kahit kailan talaga inggit iyan sakin." he smirked at Sehun
"Yabang mo!" sigaw ni Sehun at umupo sa tabi ko, sa kaliwa.
"At Chanyeol," napatingin kami ni Jongin sa kanya. "Aattend ba kayo ng libing nung crush mo?" may halong pang-aasar na tanong ni Sehun.
"Ah, oo! Iyan din sana ang sasabihin ko sayo" Sabi ni Jongin at ngumisi.
Kumunot ang noo ko. "Ha? Anong libing? Sinong crush?"
Sinuntok ako ng mahina ni Jongin sa balikat. "Maang-maangan ka pa. Di mo crush si Baekhyun, ha?"
"Crush? Mahal ko na iyon." at ako naman ang ngumisi.
Nanlaki ang mga mata nila at di maipinta ang mukha.
"Tangina, Park Chanyeol. Napapamura ako ng wala sa oras dahil sayo." sabi ni Jongin at nag-face palm na para namang ang laki ng problema niya.
"Lul, wag ako. Palamura ka na talaga since birth"
"Kadiri kayo." sabi naman ni Sehun at itinuon ang pansin sa phone niya.
Tumawa ako. "Problema mo?"
"Balik nga kay Baekhyun, aatend ba kayo ng libing? O nag fifriendship goals kayo? Baka naman relationship goals?" hindi parin mawala ang ngisi ni Jongin.
Kadiri, nagmukha siyang manyak.
"Sira ka ba Kai? Wala ngang friendship, relationship pa kaya!" sabi ni Sehun at nagtawanan ang dalawa. Nag-apir pa ang mga loko.
Mga bwesit.
"Basag!" sigaw ni Jongin at tumawa uli silang dalawa.
"Gago. Tumahimik nga kayo."
BINABASA MO ANG
Don't Go [Chanbaek FF]
FanfictionAng gusto lang naman ni Byun Baekhyun ay makapasok sa Lost Planet Academy at makasali sa tinatayo nitong banda. Well, sa isang Park Chanyeol naman, gusto lang niyang mapasakanya si Baekhyun.