It's You
Baekhyun's POV
"If you think you're falling, then don't stop. Alam mo namang may sasalo sayo diba? Matagal na siyang nakaabang, Baek."
Iyang ang sabi sakin ni Kyungsoo, Saturday night. Matapos kaming pumunta ni Chanyeol kina Hyung.
Minsan pala, may silbi rin itong si Kyungsoo ah.
"Kyung. Thank you." tinapik ko siya sa balikat sabay upo sa tabi niya.
"Oy, salamat rin."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Para 'san?"
"Textmates na kami ni Jongin."
Humalakhak ako sabay hawak sa tiyan. "Well, that's a good thing right? Atleast, di na kayo strangers."
"Yeah. And actually we're in a. . . Hmm. . . Mutual stage?"
Humagalpak uli ako sa tawa. "Ang bilis ah!"
"Parang kayo ni Chanyeol."
Napaubo ako ng marinig ko ang pangalan niya.
"Ano na?"
"Anong 'ano na'?"
"Kayo na?"
"No. We're. . . In a. . . Trying stage?"
Kumunot ang noo niya at tumawa. "What the fck is trying stage?"
I sighed. "Hindi ko alam kung ano kami, Soo. All I know is naglevel-up kami."
He grinned. "Hmm. Okay."
Lunch time came at agad kaming nagtungo sa cafeteria. Medyo nagtaka ako nang makitang si Jongdae lang mag-isa ang nakaupo sa usual spot namin.
"Yo!" bati ko sa kanya at nakatulala lang siya.
Ano bang problema ng ugok nato?
"Hoy! Earth to Kim Jongdae!" sigaw ni Kyungsoo sa kanya.
He startled then glared at us.
"Wag niyo nga akong sigawan!"
"Tulala ka ata?" tanong ko at umupo sa harap niya, ganun rin si Kyungsoo.
"Nasan nga pala si Xiumin?" tanong ni Soo.
"I fcking messed up!" sabi niya at ginulo ang buhok.
"Chen? May problema ba?" tanong ko uli.
Napatakip siya sa mata niya at napabuntong hininga.
"Nag-away kami ni Xiumin."
"What?!"
"Bakit?"
"Hindi ko siya pinapansin."
I smirked. "Eh gago ka pala eh, bakit naman?!"
"You don't understand, Baek!"
"Edi ipaintindi mo sakin! Sa amin!"
"I love him, okay?!"
Napatigil naman ako sa sinabi niya.
"Not just as bestfriends. But, more than that." sabi niya at napatungo.
Nagkatinginan naman kami ni Kyungsoo. Napailing naman siya.
"Matagal na 'to. Pilit ko lang iniiwasan kasi. . . Damn it, we're bestfriends! Hindi lang basta iyon, pareho pa kaming lalaki! Do you think he'll accept that?!"
Hindi kami nagsalita at nanatiling nakikinig sa kanya. He's so frustrated. That explains kung bakit may eyebags siya.
"And do you think ignoring him is the best solution, Jongdae?" Napatingin kaming dalawa kay Kyungsoo. Seryosong seryoso ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Don't Go [Chanbaek FF]
FanfictionAng gusto lang naman ni Byun Baekhyun ay makapasok sa Lost Planet Academy at makasali sa tinatayo nitong banda. Well, sa isang Park Chanyeol naman, gusto lang niyang mapasakanya si Baekhyun.