Is this the second?
Chanyeol's POV
"Baek. May gagawin ka ba pagkatapos ng klase?" tanong ko sa kanya sabay kamot sa batok
"Hmm. May pupuntahan kami nina Chen eh. Bakit?"
Bigla naman akong nanlumo. "Saan?"
"Hindi pa ako sure kung saan" then he chuckled. "basta icecelebrate namin iyong pagkapasok namin sa grupo. At iyong relasyon nila."
"Kayong apat lang?"
"Yup. Buti nga kasama si Kyungsoo kung wala edi thirdweel ang labas ko."
Napangiti ako. "Mag-ingat kayo."
"Teka bakit mo pala naitanong?"
Napakamot naman ako sa batok. "Aaya-in sana kitang manood ng try-outs"
Bigla naman siyang sumimangot kaya nabahala ako. Oh right. Basketball is not his thing.
"Mga anong oras ba iyan?" tanong niya
"4:30"
"Hanggang?"
I shrugged. "Depende siguro."
Ngumiti siya. Iyong ngiti niyang nakapa tindig damdamin
"Susubukan kong makaabot ha?"
Napangiti naman ako. Ang cute niya talaga. "Sige. Aasahan ko iyan."
-
"Sige, pasa mo lang!"
"Ayusin mo ang depensa!"
"Hoy ito!"
"Gago ka pala eh! Ipasa mo ng maayos."
Bored na bored akong nakatingin sa mga naglalaro. May nagbabangayan na nga eh. Tsk.
Napabuntong hininga ako at napatingin aa cellphone ko. No text from him .
Okay lang naman sakin na di siya makakapunta eh tutal boring naman. Pero gusto ko lang malaman kung okay lang ba ang kalagayan niya.
Nakatitig lang ako sa kawalan ng biglang dumilim ang paligid ko.
Napabuntong hininga ako sa inis. "Wag mo kong pinagloloko Jongin. Wala ako sa mood makipagkulitan sayo."
Narinig ko naman ang maliit na hagikgik ng taong nagtakip sa mata ko. Damn, it's not Jongin.
"Oh eto!" pasigaw niyang sabi sabay bato sakin nung isang can ng soda na buti naman ay nasalo ko. Tumabi naman siya sakin at binuksan iyong can.
"B-baekhyun. . ."
"Mukha na ba akong Jongin ngayon?" tanong niya at sumimangot. Napangiti ako dahil shit, ang cute niya kahit anong gawin niya.
"Hindi kita nakita eh. So malay ko ba." at ngumisi ako sa kanya ng nakakaloko.
"Ewan ko sayo. Iniwan ko pa naman silang tatlo dun para humabol dito." at inirapan niya ako.
I just noticed this lately pero parang nagiging babae na ang kinikilos niya ah.
Wait, porket umiirap. Babae na agad? Tsk.
"Dapat na ba akong magpasalamat."
Bigla siyang natigilan at tinignan ako ng masama. Humagalpak naman ako sa tawa.
"Ewan ko sayo, gago!"
At napatingin siya sa mga lalaking naglalaro.
"Uy, ang galing nung isang iyon oh!" sabay turo sa isang player.
BINABASA MO ANG
Don't Go [Chanbaek FF]
FanfictionAng gusto lang naman ni Byun Baekhyun ay makapasok sa Lost Planet Academy at makasali sa tinatayo nitong banda. Well, sa isang Park Chanyeol naman, gusto lang niyang mapasakanya si Baekhyun.