Chapter 5-Deal!
Lilian’s POV
“Ate!” Naalimpungatan ako dahil sa boses ng kapatid ko kasabay ng pagyugyog nito saakin.
“Hmm.. Bakit ba?” Pikit-matang tanong ko.
“May manliligaw ka, nasa labas!” Aga dang pagdilat ng mata ko dahil sa narinig kong sinabi niya. Napabangon ako ng wala sa orasna ikinatawa naman ng nakababata kong kapatid na si Lisa, “uyy. Si Ate, excited sa manliligaw niya. Hahaha.” Pang-aasara nito.
Tinignan ko siya ng masama. “Ako ba’y niloloko mo, Lisa Anne Pineda?”
At bilan isang bata, wala na itong nagawa kundi ang ngumuso. “Hindi ah! Totoo naman eh! May lalaking naghihintay sayo sa labas!” Tumalikod ito saakin, “Sige, Ate, bumaba ka na ah. Hinihintay ka na ng manliligaw mo.” Kumindat pa ito saakin saka naglakad papunta sa pinto ng kwarto naming dalawa. Hawak na nito ang doorknob ng lumingon ulit at nagsalita, “oo nga pala, maghilamos ka muna bago ka bumaba ah! May tulo-laway ka pa eh!” Saka ito nagmamadaling lumabas at sinara ang pinto.
Nanlaki ang mata ko at mabilis na pumunta sa harap ng salamin at chineck ang mukha ko. “Lisaaa!!” Sigaw ko ng mapagtantong niloloko ako ng pilya kong kapatid, “loko ka talaga! Humanda ka sa akin!” Hindi ko alam kung imahinasyon ko na lang iyon o totoo talagang narinig ko siyang tumawa ng malakas sa labas.
-=-=-=-=-=-
Pagbukas na pagbukas ko ng gate namin, isang nakangising mukha ang sumalubong sa akin. “Ikaw?! Anong ginagawa mo dito?” Eto ba ang manliligaw na sinasabi ng kapatid kong yun? Pff.t Gusto kong tumawa.
“Grabe yung kapatid mong yun, hindi man lang ako pinapasok. Halos isang oras na akong naghihintay dito sa labas niyo. Hindi ba kayo tinuruan ng magulang niyo kung paano tumanggap ng bisita ng maayos?” Litanya nito. Napangiti ako ng lihim. Paano naman kasi, naligo pa muna ako bago bumaba, malay ko bang, “hindi kasi bisita ang tingin sayo ng kapatid ko. Na-sense siguro niyang bwisita ka lang.” Sabay tawa ng mahina.
Tinignan ako nito ng masama. “Grabe, mana siguro sayo ang kapatid mong yun, pareho kayong maldita at sutil!”
“Kesa naman sayo, alien!” Binelatan ko pa siya.
“Ilang beses ko bang uulitin, don’t call me alien. Alam kong one of a kind ang kagwapuhan ko at ngayon ka lang nakakita ng ganito pero wag mo kong tatawaging alien.” Nginisian pa ako nito. Inirapan ko naman siya.
“Ang yabang mo! Diyan ka na nga!” Tinignan ko siya ng masama bago tuluyang talikuran.
“Hoy!” Napahinto ako dahil sa pagtawag nito, “ganyan ka ba magtrato ng bisita?” Sa isip ko’y nakikita ko pa itong umiiling, “tsk. Ang tagal ko kayang naghihintay dito. Gaano ka ba katagal maligo?” Palapit ng palapit ang boses nito, malamang ay pumasok na ito, “ang dami mo sigurong libag no? Pfft.” Bigla itong tumawa ng kay lakas.
Samantalang nanlalaki naman ang mga mata ko na humarap sa kanya. “ Ang kapal mo! Hindi no!” Namumulang sigaw ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako, “ano ba talagang gusto mo ha? Bakit ka nagpunta dito?” Tinignan ko siya ng mapanuri tsaka lang siya tumigil sa kakatawa.
Bigla naman ang pagseryoso niya. “I’m accepting your offer.”
And it’s my turn to laugh. “Akala mo ganon na lang yun? Basta ka na lang susugod sa bahay ko at sasabihing pumayag ka na?”
“Bakit? May kailangan pa ba akong gawin para pumayag ka? Tell me.” Desididong wika nito. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya saka napangisi.
BINABASA MO ANG
Take The Exes Back (On-hold)
HumorAraw ng mga puso at dalawang pusong sawi ang pinagtagpo, paano nga kaya nila maibabalik ang dating kanila na hindi na nila maabot ngayon? Will it be easy for them to take back what is in the past?