Chapter 9-Burning Red

34 3 0
                                    

Chapter 9-Burning Red

Lilian’s POV

“Hmmmm.” Kay aga naman ng tumatawag na yun. Nagmulat ako ng mata at ang orasan agad ang hinanap ko. Seyoso ba ito? Alas-tres lang ng madaling araw ah!

Bugnutin kong hinanap ang cellphone ko at sumulyap sa kapatid ko na natutulog na sa kabilang kama saka sinagot ang tawag. “Hello.” Iritado kong sabi.

(“Grace!”) Napangiwi ako sa lakas ng boses ng Mommy ko.

“Ma?”

(“May lalaki daw kayong kasama diyan sa bahay?”) Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Pano niya nalaman? Pero agad rin akong napatingin kay Lisa. Aish! Talaga namang bata to, ang daldal.

“O-oo, Ma. Pero—“

(“Geesh, Grace, baka mapano kayo diyan ah? Kung sino-sino pinapapunta mo diyan? Pano kung saktan kayo niyan?”) Halos hysterical na na sabi ni Mommy.

“Ma, he’s a good friend of mine.” Brr. Kinilabutan ata ako ng sabihin ko ang ‘good friend’

(“Hmm.”) May himig ng pagdududa na sabi niya, (“are you sure? Baka boyfriend mo yan, Grace ah.”)

“Ma naman! Kaibigan ko nga lang—“

(“Sabi ni Lisa,---“) And it’s my turn para hindi siya patapusin.

“So si Lisa nga ang nagsabi, Ma?”

(“Wag mong ibahin ang topic, Grace. As I was saying, sabi ng kapatid mo, hindi naman si Karl iyan.”) With just hearing his name, nalulungkot ako. They really like Karl. Both of them. At gusto nilang balang-araw, kapag nasa tamang edad na kami, kami pa rin. Pero nakakalungkot na hindi na ata yun mangyayari.

(“Are you cheating on him, Grace?”) Hindi ako nakasagot sa tanong ni Mommy. Hindi niya pa alam ang nangyaring break-up namin ni Karl, ni isa sa kanila. At ayoko na rin namang ipaalam dahil alam baka mapauwi pa sila dito ng di oras kapag nalaman nila ang dahilan. (“Grace? Andiyan ka pa ba?”)

“Y-yes Ma. Kaibigan ko lang talaga yung lalaki dito, malamang exaggerated lang ang pagkakakwento ni Lisa sayo.”

(“Sure?”)

“Oo naman Ma.”

(“Hmm.. Okay, ikamusta mo na lang ako kay Karl ha? Mag-iingat kayo diyan. I love you, anak.”)

“Yes, Ma. I-hi mo na lang din ako kay Dad. I love you too.” At ako na ang nag-end call. Hay. Mommy, If you only knew.

-=-=-=-=-

Hindi na ako makatulog mula ng tumawag si Mommy kaya naman bumabas ako sa kusina namin para uminom ng gatas. Hindi na ako nag-abalang magbukas ng ilaw dahil naliliwanagan naman ng buwan ang ilang parte ng bahay.

Nasa tapat na ako ng kitchen counter ng makarinig ako ng kaluskos. Para may tambol ako sa loob ng dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito sa kaba. Nerbyosa pa naman ako. Agad akong lumingon at dahan-dahang naglakad, nanggaling sa dining area ang kaluskos kaya dun ako nagpunta.

Dumoble pa ang kaba ko ng makakita ako ng pigura na nakaupo sa mesa. Jusko, ang takaw na magnanakaw naman nito.

Aalis na lang sana ako para pumunta sa kwarto at tawagan ang Mommy ko, hindi ko kasi alam ang gagawin.

Nakakailang hakbang na ako ng may kumalabit sa akin. “Jusko, ayaw ko pang mamatay!” Nakapikit at hindi makagalaw na bulong ko sa sarili ko.

“Ano bang sinasabi mo diyan?” Mabilis akong napadilat at humarap sa kumalabit saakin.

“Ikaw lang pala!” Napahawak pa ako sa dibdib ko.

“Ano bang pinagsasabi mo diyan? Bakit gising ka pa?” Naramdaman ko siyang lumayo at binuksan ang ilaw. Tama nga ako, si Alien lang pala.

“Ikaw ang dapat tanungin ko, bakit gising ka pa? Alam mo bang sobra mo akong pinakaba? Akala ko kung ano na.”

Napangisi siya. “Malay ko bang matatakutin ka pala.”

“Eh bakit kasi wala ka sa guest room?! Ano bang ginagawa mo dito?” At noon ko lang napansing may mga pagkain sa mesa, naupo siya sa upuan at kumain.

“Kumakain?” Pa-pilosopo niyang sabi. Inalis niya ang tingin sa akin at nagpatuloy sa pagkain. “Hindi kasi ako nakapag-hapunan. Nagutom ako bigla.”

Napabuntong-hininga na lang ako at nagpunta ulit sa kitchen para magtimpla ng gatas, pagkatapos ay naki-upo na rin ako sa tapat niya.

“Hindi ka pa kasi sumabay kanina. Pano naman kasi, galit na galit ka.”

“Hindi ako galit.” Depensa niya.

Psh. Hindi daw. “Ewan ko sayo.” Umiwas na ako ng tingin at nanahimik habang iniinom ang gatas ko.

Ang awkward.

Napasulyap ako sa kanya pero kain lang siya ng kain at parang walang pakielam sa paligid. “Kelan mo balak tanggapin ang offer ko?” Natigilan ako dahil sa pagsasalita niya, “kung patatagalin pa natin ‘to, baka mahuli na tayo. Hindi natin alam kung hanggang kelan lang ang pagkakataon na ibibigay sa atin para mabawi sila.” Napalunok ako. May punto siya. Baka makahanap na nga ng iba ang kanya-kanya naming ex, baka pag nagtagal, hindi na namin sila makuha pa.

Katahimikan.

Hindi ko magawang sumagot. Tahimik lang din naman siya, pero maya-maya lang, bigla siyang tumayo habang punong puno pa ang bibig ng kanin. “Bakit?” Nagtataka kong tanong.

Bigla siyang humawak sa tiyan niya at tinalikuran ako at dumiretso sa CR.

Anong nangyari dun?

Napatingin ako sa iba’t ibang pagkaing nasa mesa at agad nanlaki ang mata ko. “Bakit mo kasi kinain?! Panis na!” Sigaw ko. Napailing na lang ako. Bakit ba kasi parang wala siyang karate-arte sa katawan? Parang kahit ano lang, kaya niyang pagtiyagaan?

-=-=-=-=-=-

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa dining area habang hinihintay siyang lumabas ng CR. Pero paggising ko ng alas-sais, wala na ako sa mesa. Napabangon ako. Nandito ako sa sofa sa sala.

Nasan na siya?

Agad akong bumangon para hanapin siya at sa kusina ko siya nakita. “Hoy.”

“May pangalan ako.” Hindi tumitingin niyang sabi.

“Whatever.” Humalukipkip ako at nagsimulang lumapit sa kanya.

“Kumain na kayo, maaga akong aalis, may pasok ako mamaya.” Naglakas siya papuntang mesa at dinala ang mga ulam na kakaluto niya lang.

“As far as I know, walang pasok ngayong araw.” Well, that’s based on my schedule, wala kaming pasok ngayon at dahil magka-year lang kami, malamang wala rin siya.

“And as far as I know, hindi pareho ang schedule natin.” Seryoso niyang sabi habang busy pa rin sa paghahain. Pagkatapos ay tinanggal na niya ang apron niya.

“Ikaw ba nagbuhat sa akin papuntang sofa?” Biglang tanong ko sa kanya at nagulat din ako sa biglaang pamumula niya.

“H-hindi.” At saka siya nag-iwas ng mukha. Naglakad siya papuntang sala.

“Eh sino kaya?” Kami lang kayang dalawa ang nasa dining area kaninang madaling-araw.

“Baka multo.” Naupo siya sa sofa at sinundan ko naman siya.

“Eh baka kaya Alien?”

“Baka nga.” Psh.

“Eh bakit di ka makatingin sakin?” Tanong ko sa kanya at nameywang pa.

“Kailangan bang tignan pa kita?”

Tumango ako ng sunod-sunod. “Oo. Kapag nakikipag-usap ka, dapat tinitignan mo ang nagsasalita.”

“Psh.” At alam kong kahit labag sa loob niya, lumingon pa rin siya saakin.

Ghaad! Nagb-blush pa rin siya!

Take The Exes Back (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon