Chapter 6-Twenty Pesos
Lilian’s POV
Kahit anong pilit ko sa sarili kong huwag siyang paniwalaan, hindi ko magawa. Sa tuwing titignan ko siya, alam kong totoo ang mga sinabi niya. Hindi ko alam kung paano pero may nagsasabi saaking paniwalaan ko siya. At ganun na nga ang nangyayari.
Pero, bakit?
Bakit nagawa ni Karl iyon?
Hindi pa ba sapat ang isang babae para sa kanya?
“Umalis ka muna.” Nagulat ata siya sa winika ko pero wala ring nagawa kundi tumayo, wala na ako sa mood makipagtalo sa kanya. “Umuwi ka na. Bukas ka na lang bumalik. Please.” Pagmamakaawa ko dito ng hindi sia tinitignan.
Ng marating niya ang pintuan ay tumigil siya saglit. “Pag-isipan mo ang sinabi ko. Lily, wala akong intensyong lokohin ka. Hindi ko iyon sinabi para siraan siya.” Saka ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto ko.
Tama siya, ano bang mapapala niya kung magsisinungaling siya?
Pero kahit anong pilit ko, ayaw maniwala ng puso’t isip ko. Hindi pwede iyon, hindi niya ako pinagpalit.
-=-=-=-=-=-=-
Pagkatapos ng isa kong subject ay vacant na, bago kumain ay nagdesisyon akong dumaan sandali sa CR. Pagpasok ko ay isang babae ang nadatnan ko sa loob. Nananalamin ito. Hindi ko n asana papansinin pero nakilala kong si chinita girl ito na ex ni Alien, for short, si Kara.
Napansin naman siguro niyang tinitignan ko siya kaya napahinto siya at lumingon saakin, ilang segundo niya rin akong tinignan saka siya nagsalita. “Ikaw?” Gulat na sabi nito. “Ikaw yung, babae sa park hindi ba? Ilang beses kitang nakita doon.” Bakas pa ang inis sa boses nito. Marahil naalala niyang ako rin ang tinitignan ng lalaking kasama niya noon dahilan para magalit siya dito.
Ngumiti ako. “Nako, hindi ako yun, hindi ako nagpupuntang park eh.” Pagsisinungaling ko, “baka kamukha ko lang. Alam mo naman, ang magaganda, maraming kamukha.” Sabay ngiti ng kay-tamis. I laughed at my own words. Kung ano-ano na lang kasi ang nasabi ko.
Mukha naman siyang na-wierduhan saakin.
“Ah, kaya pala marami akong kamukha eh.” Sabay kaming napatingin ni Kara sa babaeng nagsalita at pumagitna pa saamin at nanalamin. Napairap ako ng tignan ang mukha niyang puno ng make-up.
Iyon ang tinatawag na self-confidence. Grabe, hindi kaya ito nagkasakit noong nagpaulan ang langit ng kayabangan?
Nginitian ko siya ng peke. “Ay teka, nakalimutan ko palang sabihin na marami ring kamukha ang palaka, sinabi ko lang, para hindi ka mabigla kapag nakakita ka ng kamukha mo sa labas.” Saka siya tinapik sa balikat. Alam kong umirap ito saakin pero hindi ko na pinansin.
Sisingit-singit kasi eh, yan tuloy.
Binalingan ko si Kara. “Sige, mauna na ako.” Tinignan ko lang sandali ang sarili ko sa salamin tsaka umalis.
-=-=-=-=-
Diretso ako sa cafeteria pagkatapos, nagugutom na rin kasi talaga ako. Oorder na sana ako ng mahagip ng tingin ko si Alien na may kasama sa isang table. Naalala ko na naman ang sinabi niya.
Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Pero nagdesisyon na rin naman ako kagabi na hindi ko na muna uungkatin sa kanya ang tungkol doon, ayoko na munang pag-usapan at sana wag niya ring gawing topic ulit.
Bumuntong-hininga ako.
Okay. Napangiti ako saka lumapit.
Nagulat pa siya nang umupo ako sa tabi niya. “A-anong ginagawa mo rito?” Sa halip na pansinin siya ay tumingin ako sa babae ng masamang masama, yung tingin na nakakamatay. Kumuha pa ako ng tinidor at inangat ito sabay ngiti ng nakakatakot sa kanya.
Gusto kong matawa lalo na ng magmadali siyang kunin ang mga gamit niya at nagpaalam na.
“Tss. Crazy.” Rinig kong komento ni Alien pero binalewala ko na lang.
“Hoy ikaw.” Dinuro ko pa siya, “akala ko ba, gusto mong bawiin ang ex mo, bakit kung sino-sinong babae ang kasama mo?”
Humalukipkip ito at pa-cool na umupo. “Ano ka ba, sadyang habulin ako ng babae.”
Napangisi na lang ako. “Talaga lang ha? Nagtataka nga ako kung bakit hindi ka napapagod eh.” Tatango-tango ko pang wika. Uber sa kayabangan e, “mga lalaki talaga.”
“Tigilan mo nga ako.” Bakas ang konting inis sa boses at itsura nito. “Bakit ka ba nandito?”
Napangiti ako at nilahad sa kanya ang kamay ko. “Remember? Yung sinabi ko sa park. Ililibre mo ako ng lunch kapag napaghiwalay ko yung lalaki at ang ex mo. I did it right?” Sabay ngisi pa.
Umakto naman siya ng parang nag-isip nga, at ilang segundo lang ay napa-poker face ito at dadabog-dabog na naglabas ng wallet at ng..bente?
“Yan na lang ang pera ko.”
What the!
Seryoso ba ito?
BINABASA MO ANG
Take The Exes Back (On-hold)
HumorAraw ng mga puso at dalawang pusong sawi ang pinagtagpo, paano nga kaya nila maibabalik ang dating kanila na hindi na nila maabot ngayon? Will it be easy for them to take back what is in the past?