Chapter 8-What’s The Big Deal?
Lilian’s POV
Sa porma niya, mukha naman siyang mapera, ano bang pinagsasabi niya?
“Tapos na ako dito.” Ang huling sinabi niya bago tahimik na umalis sa kwarto ko. Naguguluhan pa rin ako pero hindi ko na lang inintindi ang mga sinabi niya at natulog na lang pagkatapos kong kumain.
-=-=-=-=-=-
Nagising ako sa katok na naririnig ko sa kwarto, mabilis ito at malakas. Nagising ang diwa ko dahil dito. Ilang segundo pa ang nakalipas at hindi na ata nakatiis ang kumakatok at binuksan na ang pinto.
Bumungad saakin ang naiiritang mukha ng alien. “You told me to try knocking on the door, but what the heck?! Ilang minuto na akong kumakatok, hindi ka naman nagbubukas ng pinto.” Naiinis na sabi niya, ng madako ang tingin niya saakin ay parang natigilan pa siya, nagkukusot pa kasi ako ng mata.
Gusto kong matawa sa mukha niya. Hahaha. Alam ko na pag ganyan, natulaley sa beauty ko.
“Sorry ah.” Sarkastikong sabi ko. “Ano ba kasi yun?” Napatingin ako sa bintanan at gabi na pala, andito pa rin siya.
“Panis na lahat ng nasa ref niyo!” Sigaw niya saakin habang may hawak pa siyang isang lalagyan. Doon ko lang rin napansin ang suot niya. Napakusot pa ako ng mata saka ulit siya tinignan.
Ano bang nangyayari sa mata ko at naiisip kong bagay sa kanya ang nakasuot ng apron? Napailing ako sa isip ko, hindi, Lilian, ang totoo, mukha siyang baklang nagluluto sa karinderya. Tama. Kumbinsi ko sa sarili ko. Nilipat ko na lang ang tingin sa kanya.
“Edi itapon mo.” Walang gana kong sabi saka tumayo na at naglakad na rin papunta sa pintuan kung nasan siya. “Asan nga pala si Lisa?” Tanong ko pa na binalewala na talaga ang sinabi niya sakin.
Nalampasan ko na siya ng maramdaman kong hinawakan niya ako sa braso. “Bakit parang wala lang sayo?”
Natawa ako ng mahina saka siya tinignan. “Panis na eh. Aanhin pa natin yan? Itapon mo, edi tapos!” Inalis ko ang pagkakahawak niya saakin pero nagpumilit pa rin siyang pigilan ako.
“Alam mo, ang dali sayong magtapon ano? Una yung ticket, ngayon naman, pati ‘tong pagkain. Ano susunod? Pati mga tao sa paligid mo itatapon mo na lang rin? Nagtataka nga ako kung bakit hindi mo na lang rin itapon yung ex mo eh!” Natahimik akong bigla dahil sa mga sinasabi niya, “palibhasa, mayaman, ang daling magsayang ng bagay.” Ang mga sunod na salita ay binulong na lang niya sa sarili kaya naman hindi ko naintindihan, “sana alam niyo ang pakiramdam ng hirap maghanap ng makakain.”
At tuluyan na niya akong iniwan doon.
What the?! Bakit ang big deal sa kanya nung sa panis na pagkain? At bakit pati ang ex ko nadamay?
-=-=-=-=-=-
Noong hapunan, tinawag niya kami ni Lisa na kumain na pero hindi siya sumabay saamin, hindi niya rin ako pinapansin, si Lisa lang ang kinakausap niya.
Minsan napapatingin ako sa kanya, bakit ba masyado siyang nagalit kanina? Ang tanong, may dapat nga ba siyang ikagalit? May sinabi ba akong mali?
Pagkatapos naming kumain, naghugas na siya ng pinggan at nagpaalam na sa akin, dahil tulog na sa kwarto namin si Lisa, ako na ang magsasara ng gate namin, hinatid ko na siya sa labas.
“Ako na tatawag ng tricycle.” Prisinta ko para baka sakaling mawala init ng ulo niya saakin.
“Wag na.” Napatingin ako sa kanya.
“Bakit?”
“Maglalakad lang ako.” Hindi pa rin tumitingin saakin na sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko.
“Ano? Alas-nwebe na ng gabi. Maglalakad ka pa? Mamaya, mapagdiskitahan ka ng mga adik diyan, mapahamak ka pa. Naku na—“
Hindi pa man ako tapos magsalita, nakarinig na ako ng yabag na papalayo, wala na pala siya sa tabi ko, naglalakad na siya paalis.
“Hoy, ano ka ba?” Hinabol ko siya at pinigilan. “Gabi na, mag-tricycle ka na lang.”
“Wala akong pera.” Sing-lamig ng hangin ngayong gabi pa na sabi niya.
“Ako na, magbabayad.” Sabi ko at dumukot ng barya sa bulsa ko. Bigla siyang humarap habang nagbibilang ako ng pera at pinigilan ako.
“Nasan ang mga magulang mo?” Seryoso niyang tanong. Nagsalubong ang mga kilay ko, naguguluhan ako, bakit niya kailangang itanong?
Ilang segundo rin kaming nagtitigan lang. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin iyon o hindi pero.. “Nasa America, nagta-trabaho sila.” Sagot ko kahit pa hindi ko alam kung para saan ang tanong na iyon.
He sighed. “Kaya naman pala.” Nag-iwas siya ng tingin, “mayaman ka nga. Kaya wala lang sayo ang magwaldas ng pera.” Napatulala na lang ako habang nagsasalita siya, “wala lang sayo ang magtapon ng kahit ano.” Pagtatapos niya sa sinabi.
Tinignan ko siya ng diretso habang nakakunot pa rin ang noo ko. “Alam mo, hindi kita maintindihan, bakit ba ang big deal sayo ng mga bagay-bagay. Maliliit na bagay, pinapalaki mo? Ano bang gusto mong mangyari ha?” Nag-uumpisa na rin akong maubusan ng pasensya. Nakakainis naman kasi talaga siya.
“Yun na nga eh. Para sa inyo, ang maliliit na bagay, yung mga wala ng pakinabang, dapat tinatapon na lang, dapat binabalewala na lang. Palibhasa, mayaman kayo.” Hindi pa rin nawawala ang seryoso niyang tono. Pinasok niya ang mga kamay sa bulsa niya at tumalikod saakin at naglakad na.
Kahit naiinis ay hindi ko pa rin namang maiwasang mag-alala na baka mapahamak pa siya sa daan dahil gabi na. Bumuntong-hininga ako at inalis na lang sa isip ang mga pinagtatalunan namin kani-kanina lang.
Namulsa rin ako at lumunok pa. “Okay, hindi na ako magbabayad, wag ka ng magalit.” Iniwas ko ang tingin ko, naramdaman ko kasing napahinto siya at napalingon saakin, “dito ka na lang magpalipas ng gabi. Delikado na sa daan, bukas ka na ng umaga umuwi kung ayaw mo lang rin namang mamasahe.” Nag-umpisa na akong humakbang, “isara mo ang gate, dun ka na lang sa guest room matulog. Bye.” Nakaiwas pa rin ang tingin na sabi ko at iniwan na siya sa labas.
Ewan ko ba, bakit parang na-guilty ako? Bakit parang tama siya?
BINABASA MO ANG
Take The Exes Back (On-hold)
HumorAraw ng mga puso at dalawang pusong sawi ang pinagtagpo, paano nga kaya nila maibabalik ang dating kanila na hindi na nila maabot ngayon? Will it be easy for them to take back what is in the past?