Chapter 1-The Start

138 4 3
                                    

Chapter 1-The Start

It all started in Hearts Day.

Araw ng mga puso kung saan inaasahang masaya ang karamihan sa buhay pag-ibig nila, pero hindi lahat. Tulad na lang ng dalawang pusong sawi na nakatakdang magkita. Two persons who are supposed to mend their broken hearts.

-:-:-:-:-:-

Lilian’s POV

Holding hands while walking pa-sway-sway pa, roaming around and lost in their own worlds at nagpi-picnic sa damuhang inapak-apakan na ng kung sino.

Iyan ang karaniwang set-up ng couples, magkaibigang may lihim na pagtitinginan, mga mag-m.u at mag-asawa tuwing araw ng mga puso. They are expected to be happy with their love ones.

But how do you expect me to be happy? Mag-isa akong naghihintay dito sa isang bench sa park. Ilang oras na ba akong nandito? Ah, 5 hours, 32 minutes and 12 seconds. Sa sobrang inip ko, wala na akong ginawa kundi bilangin kung ilang oras na siyang late at panuorin ang mga nakakairitang magka-ibigan na sobra  kung makapag-PDA sa daan.

Ang usapan namin ng boyfriend kong magaling, alas otso ng umaga. Ready na lahat, may sasakyan na kami para hindi na hassle, nagpa-reserve na kami sa isang restaurant para sa lunch namin, noong isang linggo pa kami bumili ng ticket para sa isang concert at balak naming ubusin ang buong araw ng magkasama. Akala ko, okay na lahat. Naniniwala kasi akong kapag pinag-isipan ng mabuti, maganda ang kalalabasan. I thought everything is perfect at magiging masaya ang araw na ito.

Pero may kulang pala, siya.

Aanhin ko ang lahat ng plano namin kung wala naman siya?

Nakakainis ka, Karl Antonio! (AN: The Karl in my other story, kung may nakabasa man sa inyo noon.)

30 minutes, tama, hihintayin ko muna siya, mage-explain naman siya diba?

Umayos ako ng upo at matiyagang naghintay ng kalahating oras.

Stop fooling yourself, Lilian. Wag ka ng magpaka-anga sa lalaking yun, I’ve always listened to him.  Lahat ng sabihin niya ay pinaniniwalaan ko, no doubts. Pero sino bang niloko ko diba? Nakalipas na ulit ang kalahating oras pero wala akong nakita ni anino niya, nagmumukha na akong kawawa dito. At ayaw kong kaawaan.

Tumingala ako, trying to control my tears that are about to flow. Doon ko lang din narealize na madilim ang langit at mukhang uulan pa. Ibinaba ko na ang tingin ko, kailangan maka-alis na ako dito bago pa ako maulanan at magmukhang mas kawawa.

Pero saktong pagbaba ng tingin ko ay nakita ko ang isang lalaking tulad ko ay nakaupo sa isang bench sa di kalayuan. Sa totoo lang, kanina ko pa siya napapansin. Pagdating ko pa dito kanina ay mukhang nandiyan na siya at matagal ng naghihintay. Alam kong naiinip na siya pero hindi ko siya nakikitaan ng kawalan ng pag-asa.

May katabi siyang bulaklak at todo-ayos ito kaya alam kong may date rin ito ngayon. Napailing ako. Hindi lang naman pala ako ang sawi ngayong araw ng mga puso.

But whoever that girl is, she’s very lucky, at the same time, she’s a fool. Ang swerte-swerte niya sa lalaking yun pero tanging pagpapa-VIP ang inatupag niya.

Tatayo n asana muli ako at aalis pero nakuha ng atensyon ko ang isang babaeng parating, at tama ang hinala ko, sa lalaking iyon siya papunta. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na magawang alisin ang tingin sa kanila.

Pagkadating na pagkadating ng babae ay mukhang pareho na silang mainit ang ulo, they are arguing, kahit hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila ay alam ko iyon. Nagulat pa ako ng itapon ng lalaki ang bulaklak na kanina niya pa karamay sa paghihintay.

Take The Exes Back (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon