Chapter 16-Information

22 2 0
                                    

Chapter 16-Information

Lilian’s POV

Hindi ko alam kung bakit pero magdamag na akong napapaisip, hindi ko mapigilan ang sarili kong alamin ang dahilan ni Kara sa pakikipaghiwalay kay Yohann. Sa totoo lang, sa mga nakaraang mga araw na nakasama ko siya, nalaman kong mabuti naman siyang tao. Sobrang responsable niya, iyon ang kaibahan niya sa mga nakilala kong lalaki sa buong buhay ko.

Pweh. Ano ba to? Pinuri ko ba siya? Parang gusto ko atang bawiin yung nasabi ko ah.

Hindi lang ako makaisip ng magandang dahilan kung bakit nakipaghiwalay ito, ni si Yohann ay walang alam sa dahilan ni Kara. Kaya lalo akong naiintriga, habang dumadami ang nalalaman ko, mas gusto ko pang madagdagan ulit ang mga ito.

Ano nga kayang dahilan ni Kara?

-=-=-=-=-

“Huy!”

“Oh?”

“Tulaley ka na naman eh, ang lalim ng iniisip mo, yung ex mo na naman ba yan?” Mapaghinalang tanong sakin ni Marie, ang kaibigan ko, wala ng mahaba pang pagpapakilala, basta magkaibigan kami, tapos.

Tinignan ko siya saka tinaasan ng kilay na ginaya niya naman. “Hindi no. May iba akong iniisip.”

Napangiti siya at nilapit ang mukha sa akin. “Eh sino? Yung bago mong kasama lagi? Yung gwapong lalaki? Yun ba? Ha? Ha?” Pangungulit niya pero iniwasan ko na lang na sagutin pa ang tanong niya pero sadyang pinanganak ito na makulit ay pinilit pa rin ako.

“Hindi!” Inirapan ko na lang siya sa sobrang inis ko sa pag-iingay nito. “Bakit ko naman iisipin yun?”

“Kasi pogi siya?”

“Hindi ako katulad mo na mahilig sa pogi.”

“Asus, hindi ka mahilig sa pogi? Eh nung may nanligaw sayo noon na hindi gaanong kagwapuhan eh binasted mo, samantalang yung Karl na poging yun, sinagot mo. Oh? Sino ngayon mahilig sa pogi?”

“Psh.”

“Kita mo, hindi ka makasagot.”

“Okay, okay. Tama ka na.” Napairap na lang ako. Tama naman siya, may nanligaw saakin noong galing ibang section pero hindi ko sinagot, “pero loyal ako sa isa lang, hindi na ako naghanap pa ng iba no.”

“Syempre, maghahanap ka pa ba ng iba eh ayan na nga ang gwapo sa harap mo. Naku, kung hindi lang tayo magkaibigan, inagaw ko na yun sayo noon pa.”

Agad akong tumingin ng gulat kay Marie, “ano?!”

Parang doon niya lang din na-realize ang sinabi niya at matapos manlaki ang mga mata ay bigla siyang natawa. “Eto naman, biro lang, hindi ako papatulan nun no.”

“Psh. Pwes, hindi maganda yang biro mo.”

“Sorry na nga eh, masyado ka namang seryoso diyan. Di ka na mabiro.” Nangalumbaba na lang siya habang nakatingin saakin, umiwas naman na ako ng tingin sa kanya. “Pero ano nga, ano ba yang iniisip mo at lagi kang tahimik? Baka matulungan kita, ano ba iyon?”

Mabilis akong napalingon kay Marie. Tama, may radar ito ng chismis sa buong campus eh, hindi ako bibiguin nito kung magtatanong ako sa kanya. “Kilala mo si Kara?”

Mabilis pa sa kidlat na sumagot ito ng nakangiti pa. “Oo naman!” At tama nga ako ng pinagtanungan dahil alam nga niya. “Kara Park. Ka-year lang natin yun at kaklase ko sa isang subject ko. Bakit mo natanong?”

“May boyfriend siya?”

“Wala. Pero nililigawan siya ni Arthur Maurio, president ng buong College.” Mabilis kong inayos ang pagkakaupo at humarap kay Marie.

“Kelan pa?”

“Uhm… Sabi saakin ng source ko, noong isang linggo lang, balita kasi na binasted na niya yung isang lalaking nanliligaw sa kanya kaya ayan na naman ang sangkatutak na kalalakihan, naghahabol na naman sa kanya.” Patuloy lang sa pagkwento si Marie habang sa bawat sinasabi niya, naiisip ko si Yohann. Paano pag nalaman niya ito?

“At sabi pa saakin ng bestfriend ng pinsan ng classmate niya, balak na daw ata nitong sagutin yung Arthur na yun, kinwento lang sa kanila minsan ni Kara. Hay nako. Syempre, sino ba namang aayaw pa kapag si Arthur na yung manliligaw? Haaayy.” Sabi niya na parang nangangarap pa na siya ang nasa posisyon ni Kara, na nililigawan ng isang gwapong lala—

Doon ko lang narealize kung anong sinabi ni Marie. S-sasagutin? Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. “S-sigurado ka?”

“Oo naman, ako pa. “ Nang marinig ko ang kompirmasyon kay Marie ay hindi halos ako makapaniwala, mahihirapan kaming lalo na magkabalikan si Yohann ay Kara. Pero… isang hakbang ito palapit sa isang malaking impormasyon.

Mabilis akong tumayo at naglapit ng gamit na nasa desk ko, uwian na rin naman at nagpalipas lang kami saglit ni Marie ng oras dito sa room ng huling subject namin.

“Saan ka pupunta?” Tanong niya habang nagliligpit na rin ng gamit. Matapos kong maligpit lahat, tinakbo ko na halos ang palabas ng kwarto. “Huwag mo na akong sundan, may pupuntahan lang ako.”

Kailangan kong malaman kung totoo bang sasagutin niya na si Arthur. Kailangang maagapan namin to, hindi pwedeng matuloy kung ano mang binabalak ni Kara. Si Yohann  agad ang hinanap ko, sa library ko siya unang hinanap dahil kung minsan, siya ang pumapalit sa librarian, kapalit ng kaunting bayad, kumbaga hanggang dito sa school ay nagtratrabaho siya.

Pero ng makapasok ako ay ang librarian ang nakabantay dito, laking pagkadismaya ko pagkapasok ko sa loob. “May maitutulong ba ako sayo?” Nakangiting tanong nito. Hindi na ako nagdalawang-isip pang tanungin na ito.

“Si Yohann po, hindi po ba siya naka-schedule dito ngayon?”

“Ah. Dito dapat siya ngayong hapon pero nagpaalam na siya saaking hindi muna siya pupunta ngayon, ewan ko ba HIja, malungkot nga eh. Ng makausap ko siya kani-kanina lang, nagpaalam siyang hindi siya magpa-part-time ngayon dito at marami daw siyang iniisip ngayon. Nasa garden siya, sa pagkakaalam ko.” Nang marinig ko ang sinabi niya, agad ulit akong nabuhayan ng loob, mabilis kong hinanda ang sarili ko at nagpasalamat na.

Yohann.

Yohann. Kailangan kitang makausap.

Take The Exes Back (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon