Chapter 15-Need

25 2 0
                                    

Chapter 15-Need

Lilian’s POV

Mag-isa akong naglalakad sa hallway ng makasalubong ko si Yohann. Nagkatinginan lang kami pero maya-maya’y siya na ang nagsalita. “Huwag mong sabihing gusto mo ng ihinto ang deal natin?” Saad niya sa isang seryosong pananalita.

Tinignan ko siya ng mabuti at napangiti. “Siyempre, hindi.” Bakas ang pagkagulat sa mukha niya ng sabihin ko iyon. “Ang totoo, may plano ako sa isang linggo, kailangan mo akong samahan.”

“Hindi ka yata nawawalan ng pag-asa. Harap-harapan ka niyang sinabihan na gusto ka na niyang alisin sa buhay niya… bakit hindi mo magawang sumuko?”

“Simple lang..” Napabuntong-hininga ako. “Wala sa bokabularyo ko yan.”

Hindi pa rin siya makapaniwala sa inakto ko. Alam ko, masyado na akong determinado—o dapat siguro, desperado, sobra-sobra na ang kagustuhan kong maibalik si Karl kahit alam kong wala ng pag-asa. Pero ano bang magagawa ko? Sinasabi ng isip ko na gusto ko pang subukan ng subukan.

Napailing siya ng ilang ulit at namulsa. “Bahala ka na.” Matapos ay nilampasan niya ako at naglakas palayo sa akin, nanlaki ang mata ko. Ano daw?

“Bahala na ako?!” Nilingon ko ang direksyon na nilakaran niya. “Wag mong sabihing ikaw ang aayaw? Hindi mo pwedeng gawin to, may usapan tayo. A deal is a deal, wala man tayong kontrata o kung ano na patunay na may kasunduan tayo, kailangan nating tuparin ang pinag-usapan natin.” Nadala na ako ng tuluyan, siguro natatakot lang ako na mawalan ng kaisa-isang tao na nakakaintindi ng sitwasyon ko.

Humarap siya sa akin ng dahan-dahan, at laking gulat ko ng makita siyang malungkot saka niya seryosong binulong, “alam ko. Hindi mo na kailangang ipaalala sakin.”

Okay.

Anong nangyari? Bakit biglaan siyang nagkaganun?

At parang sinadyang masagot ang tanong ko dahil pagkaalis ng tuluyan ng bugnutin na alien, nabunggo ako ng isang tumatakbong babae, pagpihit ko paharap dito ay nakilala ko agad siya. Kara.

“May nakita ka bang lalaking dumaan dito?” Hinihingal pa na tanong nito saakin, marahil ay hindi niya ako namukhaan dahil wala akong nakikitang ni bakas ng pagkakakilanlan.

Hindi ko alam ang isasagot ko, hindi pa ako makapagsalita pero napapansin kong gusto na niyang malaman ang sagot mula saakin, dahan-dahan ko lang inangat ang kamay ko at tinuro ang lugar sa likod ko, “doon. May nakita ako, doon sia papunta.”

“Salamat.”

Napabuntong-hininga ako. So, si Kara na naman ang dahilan?

Napailing na lang ako sa naisip ko. Katulad ko, alam kong hindi pa rin gustong sumuko ni Yohann.

Pareho lang kami.

Take The Exes Back (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon