Chapter 7-Money

38 3 1
                                    

Eto na ud, baka mag-ud ulit ako mamaya. Salamat sa pagbabasa.

Chapter 7-Money

Lilian’s POV

“Hoy!”

“Hoy ka rin, may pangalan ako.” Sigaw rin niya saakin habang naglalampaso ng sahig ng kwarto ko. Talaga naman, iniinis ako ng Alien na to.

“Hoy, tara nga.” Sinamaan niya ako ng tingin ng sabihin ko iyon pero nagpatay-malisya lang ako, wala naman siyang nagawa kundi lumapit.

“Ano?”

“Ibili mo ko—“

“Ha! You’re unbelievable! Pumayag akong araw-araw maglinis sa bahay niyo kapag wala akong ginagawa, pero hindi ako katulong o utusan. Wala sa usapan natin yan.” Hindi pa man ako nakakatapos sa sinabi ko ay nagsalita na siya. Tinignan niya ako ng matalim bago nagpatuloy sa paglalampaso.

“Tinatamad ako, sige na, please!”

“Marunong ka palang mag-please.” Nakangising wika nito ng hindi nakatingin sakin.

Nameywang naman ako, ano ba tingin nito sakin? “Ano akala mo sakin, masamang tao? Bruha? Maldita? Ma-pride? Ganun?” Sabay taas pa ng kaliwang kilay.

“I din’t know that you’re very clever. Kuhang kuha mo eh, tama lahat ng sinabi mo.”

Aba’t! Talaga namang nang-aasar ang lalaking to ah! “Bwisit ka! Madulas ka sana diyan!” Inirapan ko siya saka ako tumalikod, “Akala mo ikaw lang pwede kong utusan? Tse!”  at nagmartsa ako palabas ng kwarto namin ni Lisa at hinanap siya. Nasan nab a ang kapatid kong yun? Kanina pa kasi siya wala sa paningin ko, baka kinuha na pala ni Peter Pan at dinala sa Switzerland ba yun? Ay basta!, hindi ko pa alam. Naku, talaga naman.

“Lisa!” Sigaw ko na umalingawngaw naman sa buong bahay pero walang sumagot hanggang sa makita ko na lang ang kapatid kong mahimbing na natutulog sa sala, sa tabi ng bintana, dali-dali kong sinara ang mga ito, hindi naman ako praning, naniniguro lang.

Tinignan ko lang ulit sandali ang kapatid ko at bumalik na sa kwarto ko, baka kung ano na kinakalikot ni Alien dun.

Pagpasok ko, buti na lang ay wala naman siyang kinakalikot, bumalik ako sa kama ko at nahiga.

“Ano? Nakapagpabili ka na?” Ngingisi-ngisi pang tanong niya, halatang nang-aasar.

“Ayoko na pala. Naalala kong busog pa nga pala ako.” Palusot ko saka kinuha ang cellphone ko at naglaro na lang.

Pagkatapos noon ay hindi naman na siya sumagot, hindi ko na lang rin siya pinansin pero makalipas ang ilang minutong katahimikan, naramdaman ko na lang na nasa harapan ko na siya at nakalahad ang kamay niya.

“Akin na ang pera, ano ba bibilin ko?”

Hindi ko na napigilang mangiti sa galak. Tsk tsk. Wala talagang nakakaligtas sa charm ko, kahit mga Alien.

-=-=-=-=-=-

“Ang tagal naman ng lalaking yun, natipuhan na ba niya si Aling Puring at nakalimutan ng may nag-utos sa kanya dahil sa pagkabighani sa tindera?” Iiling-iling ko pang bulong sa sarili habang naglalaro pa rin sa cellphone ko.

Kanina pa kasi simula ng utusan ko siya pero hindi pa rin bumabalik.

Sakto namang narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad siya. “Wow. Try mo kumatok minsan. Try mo lang.” Sarkastikong sabi ko sa kanya pero binalewala niya ang sinabi ko, may balik din siya saakin.

“Try mo rin minsan magbilang. Magbibigay ka na nga alng ng pera, kulang pa.” Sabi niya habang lumalapit saakin, tulad niyan, hindi ko na lang rin pinansin ang sinabi niya.

“Bakit ang tagal mo? Namanhikan ka na ba sa kayla Aling Puring?” Pang-aasar ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin dahil sa kalokohan ko.

“Masyado lang akong gwapo kaya hindi maiiwasang dagsain ako ng tao sa labas, lalo na ng mga babae.” Ang hilig nitong ngumisi! Nakakaasar!

“Ang kapaaaal!” Naiinis kong sabi sa sarili ko. Bakit kaya hindi ito naitala bilang taong ma pinaka-makapal na balat? “Nung pinanganak ka siguro, bahay niyo lang ang inulanan ng kayabangan, sakto namang ikaw lang ang tao kaya ikaw lang nakakuha lahat, magpalagay kasi kayo ng bubong.” This time, alam ko ng nakaabot ito sa pandinig niya.

Ramdam ko naman ang matalim niyang tingin saakin pero tinawanan ko na lang siya. Lumapit na siya sakin at inabot ang pinabili ko. “Ang sabi ko, isang coke, tatlong Nova at isang Fita. Bakit nabawasan ng dalawa yung Nova?” Nakataas ang kilay na tanong ko. Bibili na lang kasi, kulang-kulang pa.

“Hindi ko alam kung bingi ka o bingi eh. Sinabi ko na diba, kulang-kulang ang pera mo. Magagalit-galit ka, ikaw naman may kasalanan.”

“Edi dapat pinaluwalan mo muna.” Wika ko habang binubuksan ang Nova at nakatingin lang sa kanya.

“Wala akong pera.” Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya, “nagpunta ka dito pero wala kang dalang pera?” Nanlalaki pa ang mga matang tanong ko. Tumango lang siya, and I was like, ‘OMG, hindi ako makakatagal ng isang araw na walang kahit piso sa bulsa ko, pero ang lalaking ito? Shocks. Tao ba to? Ay oo nga pala, Alien siya.’

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. “Ano?” Tila nacu-curious na tanong niya saakin.

Mukha naman siyang mayaman, bakit laging walang pera? Parang nung nagpalibre lang ako, bente lang daw pera niya. Shocks again!

“Wala ka talagang pera?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

“Wala nga.”

“As in?”

“Oo nga, ang kulit mo.”

“Weh?”

Hindi na ito nakatiis sa kakulitan ko, bumalik na siya sa paglalampaso niya at hindi na ako tinignan. “Hindi lahat ng tao mayaman, hindi lahat ng nakatira sa mundo, katulad mo na sagana sa pera at kayang bumili ng kahit anong gusto nila.” Seryoso at walang palyang sabi niya. Napatulala ako.

What is he talking about?

Take The Exes Back (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon