Chapter 3-Rejected

52 3 0
                                    

Chapter 3-Rejected

Lilian’s POV

Saan nga ba ako mag-uumpisang maghanap sa taong hindi ko man lang kilala?

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ni hindi ko alam ang pangalan niya kaya paano ko siya mahahanap sa malaking eskwelahan na ito?

Ang tanging alam ko lang ay ang pangalan ng ex niya. Tama, nabanggit niya saakin noon ang pangalan nito. Kara. Iyon, Kara ang pangalan ng babaeng pinakamamahal niya na gustong gusto niyang mabawi.

Then it hit me, maybe, I could just look for her. Kahit papaano ay mad madali ko siyang mahahanap because I know her name, kapag nangyari iyon, mas mapapadali kong makikita ang lalaking iyon.

Dali-dali akong lumabas sa power room at ginugol na lang ang oras ko ng lunch sa paghahanap kay Kara. Napahawak ako sa baba ko habang iniisip kung paano ko nga ba siya hahanapin?

Lumiko ako pagdating sa tapat ng library at napahinto bigla ng makita ang dalawang pigura na kumakain sa di kalayuan. Kahit na malayo-layo sila ay narinig ko pa rin ang pinag-uusapan nila.

“Kumain ka na nga lang!” Natatawang sabi ng babae sabay hampas ng pabiro sa balikat ng kasama niyang lalaki. Natawa na lang rin ito. Napangiti ako bigla sa kanila.

At hindi na napigilan pa ang mga alaala sa pagpasok sa isipan ko. Ganyan kami dati ni Karl. Sweet. As in, yung tipong kulang na lang ay palibutan na kami ng mga langgam. Pero sabi nga nila, sa umpisa lang ng relasyon ganyan, walang problema, puro saya lang.

On our third month together, nakakaramdam na ako ng lamig. I mean, may mga oras na hindi na talaga kami nagkasundo. But we never gave up. Nagiging okay rin kami after the fight, hindi naming pinapalipas ang isang araw na hindi kami nag-uusap o nagbabati, kaya sobra na lang ang pagtataka ko ng hindi niya man lang ako kausapin matapos niya akong hindi siputin noon sa park.

Hindi siya nag-explain kaya alam kong may mali. Hindi ko pa alam sa ngayon pero dadating rin ang panahon na matutuklasan ko kung ano yun.

February 23 na ngayon, sa 28, 3 months na sana kami, pero hindi man lang umabot. Nakakalungkot na hindi pa man kami nakaka-tatlong buwan, nasira na ang relasyon namin.

“Kara! Ano ba, saying ang pagkain!” I was distracted by the voice who shouted. Nahinto ako sa pag-iisip at nabalik ang tingin sa dalawa na patuloy sa pag-aasaran. Hindi lang iyon ang nakapagpatigil saakin kundi ang pangalan na binanggit ng lalaki.

Dali-dali kong tinignan ang babae at pamilyar nga ito. Maputi, sakto ang tangkad, payat, maganda at singkit. Wow, chinita.

Napailing ako. Ano ba, kailangan kong magseryoso ngayon.

Tinitigan ko ulit ito at bigla na lang napanganga ng makilala ito. Siya nga. Ang babaeng nakita ko noon sa park. Pero nakakapagtaka, may kasama na agad siyang iba? Higit isang linggo pa lang mula noong nakita ko siya at nakipag-break siya kay whatever-his-name-is. Tapos may bago na?

Napaisip ako. Hindi kaya may iba na itong babaeng ito noon pa?

Napayuko ako. Kung ganoon, nakakaawa nga ang lalaking iniwan niya. Alam kong mahal na mahal siya nito kahit hindi nito sinabi saakin. In the first place, hindi ito magtitiyagang maghintay ng ilang oras sa ilalim ng sikat ng araw kung hindi ito mahalaga sa kanya.

W-what if, may iba na rin si Karl? What if ibang babae ang dahilan kung bakit siya nakipag-hiwalay saakin? Hindi iyon imposible, sa dami ng mas magagandang babae sa paligid, hindi imposibleng nakakita siya ng ipapalit saakin.

Kinagat ko ang labi ko, hindi pwede, hindi ako dapat umiyak dito. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago inangat muli ang tingin at pinagmasdan ang dalawa, pero bago ko iyon magawa ay may nahagip ang paningin ko, nakatago ito sa isang sulok habang nakaharap sa direksyon ng dalawa. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod siya saakin.

Agad ko siyang nilapitan, “Uhm excuse me,” maybe he knows those two kaya niya ito tinitignan, “Kilala mo ba—“ I stopped when he turned to look at me, “Ikaw?!” Nanlalaki ang matang sigaw ko pero bigla lang niya akong hinatak sa pinagtataguan niya.

“Pwede bang hinaan mo muna ang boses mo?” Mahina pero naiinis na wika niya, hindi pa rin ako makabawi sa gulat, nanlalaki lang ang mga mata ko habang tinitignan siya, takip-takip pa rin niya ang bibig gamit ang isa niyang kamay.

I automatically smiled. Hindi ko na pala kailangang maghanap ng matagal dahil nasa harap ko na ang hinahanap ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng alisin niya na ang kamay niya. Hay.

“Buti naman at nakita na kita.” Bagsak ang mga balikat na bulong ko. Bigla na lang niya akong kinunot-an ng noo.

“May kailangan ka?”

Tumango-tango ako, “Exactly.” I smiled, “I’m accepting your offer.”

Ngumiti siya bigla. Akala ko masaya siya dahil pumayag na ako pero tumawa lang ito ng nakakaloko pero mahina lamang. Pinameywangan pa ako nito, “You’re crazy, after you left me last week, andito ka ulit at babawiin ang sinabi mo? Diba’t tumanggi ka na?” Bakas ang inis sa boses nito habang nakatingin saakin.

“Kaya nga kita hinanap eh, binabawi ko na yung nasabi ko. Na-realize ko lang na gusto ko siyang mabalik saakin, na-realize ko lang din na matutulungan mo akong magawa iyon.” Hindi ko inalis sa labi ko ang malapad na ngiti.

Tinignan niya naman ako na para bang hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko. Na para bang ang sinabi ko ang pinaka-imposibleng bagay sa mundo.

“Well, just so you know, hindi ko na kailangan ang tulong mo. Huli ka na.” Bigla itong sumeryoso kaya napa-atras na lang ako. Ang init naman dito! “Ako naman ang tatanggi sayo ngayon.” He stopped. “You know what? Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo sa isang sabi lang.” Saka ito ngumisi, argh, I suddenly want to slap him, pinigilan ko lang ang kamay ko.

“At bakit naman naging huli ang lahat?” Pagtataray ko dito saka ko rin siya pinameywangan.

He laughed sarcastically, “Hindi lang ikaw ang babae sa mundo, maraming naghahabol saakin at kayang-kaya ko silang gamitin, unlike you, stucked in just one man. Buti nga’t nakapagtiyaga siya sayo.”

Those were enough to make my face red, nagsalubong na rin ang mga kilay ko, “You freaking alien!” Dinuro ko siya. “Oo nga’t walang naghahabol saakin, at least, loyal ako. Hindi katulad mo, manggagamit!” Inis na inis na sabi ko pero ang bwisit na lalaki, humalukipkip pa at ngumisi na parang enjoy na enjoy siya sa mga sinasabi ko. Lalo akong namula.

“And just so you know, hindi lang rin naman ikaw ang lalaki sa mundo. And just so you know again, kaya kong mabawi ang ex ko ng walang tulong ng kahit sino. Freak!” Dala ng sobrang inis ay tinapakan ko ang paa niya saka nagwalk-out.

That freak! Ang kapal ng mukha. Ang yabang! Ang laki ng ulo! Hambog! Arogante!

Papatunayan kong kaya kong mabawi si Karl without him, I’ll make sure na mauuna kaming magkabalikan kesa sa kanila ng chinitang babaeng iyon.

“Hey, kung magmumukmok ka sa CR, pinapaalala ko lang sayo na dito ang daan.” Sabay turo pa sa pinanggalingan ko kanina habang nakangiti ng wagas. Napahinga ako ng malalim, nagpipigil ng galit, baka mapasigaw ako ng wala sa oras, “You’re crazy!” At hindi ko na nga ito napigilan.

Ngumisi na naman siya. “No, I’m not crazy. I’m Yohann, just so you know.” Ginaya pa nito ang tono ng salita ko. Mas lumapad ang ngiting nakakaloko nito saka namulsa at tinalikuran ako. Hindi ako nakagalaw.

Yohann?

Argghh!

“I’m not asking for your freaking name!”

Take The Exes Back (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon