Chapter 2-She Wants Him Back

63 3 1
                                    

Update ulit, matagal ulit akong magtatago eh, haha.

Nakapili na pala ako ng characters, thanks kay luhannideer sa suggestion.=))

-:-:-:-

Chapter 2-She Wants Him Back

Lilian’s POV

“Are you kidding me?” Tinaas ko ang parehong kilay ko bago siya lingunin.

“Mukha ba akong nagbibiro?”

“Oo, sa mukha mong yan. Sa tuwing titignan ko ang pagmumukha mo, sumasalubong saakin ang isang malaking JOKE.” Pambabara ko sa kanya. Hindi ko na pinansin ang pagtingin niya saakin ng masama, tumingin na lang ulit ako sa harapan kung nasaan ang banda.

“Seryoso ako, Lilian.” Biglang balik ang tingin ko sa kanya ng magsalita siya ng seryoso habang hindi inaalis ang tingin saakin.

“How did you know my name?” Puno ng pagtatakang tanong ko. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya dati kaya imposibleng kilala ko siya.

“Schoolmate kita.”

“What?”

“Parehas tayo ng school na pinapasukan, kung hindi mo alam ang meaning ng ‘schoolmate’. Do you think I’ll talk to you in the first place if I don’t know you?” Nanlalaki ang mata na tinignan ko lang siya. He’s really not familiar. Kahit kailan ay hindi ko nakita ang pagmumukha niya sa school namin.

O sadyang kay Karl lang ako nakatingin lagi? Singit ng isang side ng utak ko. Napailing na lang ako.

“Oo na. Pero please lang, wag mo kong tatawaging Lilian, nakakarindi eh.” Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

“Masama bang tawagin kita sa pangalan mo?”

“Call me Lily. Ayoko ng Lilian, parang pang-matanda.”

“Bakit? Hindi ka ba matanda?” Nang-aasar na sabi nito, inangat ko ang kamao ko sa mukha niya.

“Suntok, gusto mo?” Saad ko ng may masamang tingin. Napailing na lamang ito sa ginawa ko.

“Tomboy ka ba o lalaking nagkatawang babae lang?”

Napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Ako? Tomboy? “Ang kapal ng mukha mo. Baka ikaw, bakla ka siguro kaya ka iniwan ng girlfriend mo.” Inis na sabi ko. Natigilan ako ng makita ko siyang nabigla at napayuko. Doon ko lamang napagtanto na mali ang nasabi ko, masyado akong naging careless sa pagsasalita.

I slapped, still annoyed of myself. Bad mouth!

Tinignan ko siya ulit pero nakatungo pa rin ito, “S-sorry. Hindi ko sinasadyang mabanggit pa siya.” Hindi makatingin ng diretso na paghingi ko ng paumanhin. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pagkatapos pero..

“I want her back.” Napa-angat agad ang tingi ko sa kanya. Seryosong seryoso na ngayon ang mukha niya, “Corny man pero hindi ko kayang mawala siya. I’ve waited there for so many hours for her because I love her. Pero hindi ko akalaing siya pa ang magagalit at makikipag-break.” Bigla siyang nag-angat rin ng ulo para matignan ako. “Please, alam kong naiintindihan mo ako. Help me to get her back. Tutulungan din kita, sa ex mo. Magtulungan tayong ibalik sila sa atin.”

Puno ng kalungkutan at sinseridad ang boses at mga mata niya, sapat na para makaramdama ako ng matinding awa sa kanya. Naiintindihan ko naman siya, alam ko ang nararamadaman niya, kasi pareho lang kami. Parehong sawi, sa araw pa ng mga puso. Great.

Pero ang hinihingi niya? Kaya ko ba yun?

Tumahimik ako ng ilang minuto. Nag-iisip ng mabuti. Hindi ako pwedeng magdesisyon basta, dala lang ito ng awa, baka pagsisihan ko sa huli kapag hindi ako nag-isip ng mabuti.

Inangat ko ang ulo ko ng sa wakas ay makapag-desisyon ako, “Sorry. Hindi ko magagawa iyon. In the first place, ako naman ang pumutol sa relasyon namin, though, hindi man lang niya ito alam. May pride naman ako kahit papaano. Kahit nagpaka-t*nga ako kanina sa park nay un ng ilang oras, hindi na yun mangyayari pa, may hiya naman ako. Hindi ko siya pipiliting bumalik saakin matapos ko siyang hiwalayan.” Lumunok ako, “Tama ka, naiintindihan kita, pareho tayo, mahal mo pa ang ex mo at mahal ko pa rin ang ex ko. Pero we have different decision. Gusto mo siyang bawiin pero ako? Gusto ko ng break, ayoko na munang masaktan. Sana maintindihan mo iyon.”

After I glanced at him for the last time, I left him.

Sorry. I really wanted to help. Pero ano bang makukuha ko? Kung sakali mang gusto ko siyang ibalik saakin, kaya ko iyon gawin mag-isa.

-=-=-=-=-=-

Tumulala ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Isang haggard na babae. Halatang lalaki ang pinoproblema. Nakakapanget ba talaga ang ma-brokenhearted? Pakiramdam ko kasi pumapangit na talaga ako ngayon.

Ang nakakainis pa, mata ko ang pinupuntirya. Malaki na nga ang eyebags ko, maga at mapula pa ang mata ko. Kamusta naman iyon? Hindi naman masyadong halatang umiyak ako ng ilang buong gabi noh?

Sino ba namang hindi?

Akala ko… Akala ko may pag-asa pang maayos ang lahat.

Ganun naman diba? Once na nakipag-break ka, may part pa rin sayo na umaasang maayos ang lahat. Lalo na kung seryoso ka at mahal mo yung tao. Marahil, dala lang ng galit ang pakikipag-break mo, hindi naman kasi agad mawawala ang pagmamahal ng isang tao after a break-up.

So, normal lang na iyakan ko pa rin siya.

Ang official ex-boyfriend ko.

Oo, OFFICIAL.  Two days after Hearts Day, ako na mismo ang humagilap sa kanya dahil hindi siya nagpapakita. I want closure. Kung hindi na talaga magwo-work ang relasyon naming, gusto kong personal na sabihin na sa kanya na ayaw ko na. Gusto kong malaman niy na break na kami, noong araw pa ng mga puso kung saan pinaghintay niya ako sa wala.

At buti naman, nakita ko siya. Sa pagmamay-ari nilang resort. Nakakainis. May gana pa siyang mag-relax habang ako ay nagpapakapuyat kakaiyak sa kanya. Doon sumagi sa isip ko na baka hindi niya naman ako mahal o minahal man lang. Parang hindi siya affected sa ilang araw na hindi kami nagkita. Parang wala siyang nagawang kasalanan saakin. Ni hindi niya ata naisip na mag-explain man lang.

Iyon ang nag-udyok saaking hiwalayan na talaga siya. Maybe, we’re not for each other. Yun ang nasa isip ko ng mga oras na iyon. Pero nasaktan lang ako lalo dahil hindi man lang siya tumanggi. I’m expecting that he would say the word “No.” Pero hindi. Bumkarakaraka, pumayag siya.

So, I conclude, hindi niya talaga ako mahal. Masakit, pero mukhang iyon ang totoo. If he really loves me, he would fight for our relationship. Hindi sana siya ganoon kabilis papayag sa pakikipag-break ko.

Hindi ko na siya maintindihan. Biglaan ang pagbabago niya.

Nakakainis. Akala ko tanggap ko na, pero iiyakan ko pla ulit siya. Isang linggo na kong ganito, isang linggo ko nap ala siyang iniiyakan, at mukhang ganito pa rin sa mga susunod pa.

It’s like I can never move on. Lalo pa dahil sa inakto niya, hindi siya mawala sa isip ko.

Mas kinalulungkot ko pa ay name-miss ko na siya. Sa loob ng isang linggo na nagmumukmok ako ay ni hindi ko siya nakita. Hindi naman kasi kami pareho ng pinapasukang paaralan.

Napabuga na lang ako sa hangin.

I suddenly realized something.

I want him back.

Gusto ko pa siyang makita at makasama.

Pero paano? Tinanggihan ko na ang offer nung nakakalokang lalaking iyon kaya sino pa ang tutulong saakin?

Speaking of that freak, hindi ko na siya nakita simula noong unang pagkikita namin. Baka niloloko niya lang ako nang sabihing schoolmate ko siya.

Hay.

Kailangan ko siyang hanapin. He’s the only way. Siya lang ang pag-asa ko.

He’s the only person who can help me…

To get my ex back.

Take The Exes Back (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon