Chapter 11-The Beginning

23 2 1
                                    

Chapter 11-The Beginning

Lilian’s POV

“Wala na ang Papa nila, yumao na siya dahil sa Leukemia na namana naman ng kapatid niya.” Napabuntong-hininga siya, “Kung pwede lang, gusto kong sakin na lang ibigay ang sakit niya, total, halos parang mamamatay na rin ako kapag nakikita kong naghihirap ang anak ko. Sa totoo lang, kahit si Yohann, alam kong nahihirapan rin, wala naman akong maayos na trabaho kaya pasan niya lahat ng gastusin.”

Inalok ko na lang ang panyo ko sa kanya na sya namang tinanggihan niya. Tahimik lang siyang umiyak at ako, hindi ko rin alam kung paano ko papagaanin ang loob ng Mama ni Alien.

“Pasensya ka na, HIja. Hindi ko lang mapigilang umiyak sa tuwing naaalala ko na hindi ko sila mabigyan ng magandang buhay. Naaawa lang talaga ako sa mga anak ko.”

“Naku, wala po sa akin yun. Naiintindihan ko naman po kayo.” At ang totoo, ngayon ko lang naintindihan ang mga tulad nila. Dati-rati, naiisip ko na kasalanan naman ng mga mahihirap kung bakit wala silang pera, pero ngayon, naiinis akong isipin na ganun ang tingin ko sa kanila. Mali ako, kung ako lang rin ang nasa sitwasyon nila, baka wala na rin akong magawa para makaahon pa sa hirap lalo na’t may pinapagamot pa sila.

Nagpunas siya ng luha at tumingala sa akin. Pilit siyang ngumiti saakin na ginantihan ko naman ng totoong ngiti. “Salamat, Hija.” Huminga siya ng malalim bago umayos ng upo paharap saakin, “siya nga pala, ikaw ba ang bagong girlfriend ng anak ko?”

Agad nanlaki ang mata ko at nagmamadali akong umiling. “Nako! Hindi po! Kk…k-kaiibigan lang po niya ako! Wala ng hihigit pa doon!” Sabi ko pa ng nakataas ang parehong kamay. Natawa na lang siya sa naging ekspresyon ko at sabay kaming napatingin sa kwarto nila noong bumukas ang kurtina, halatang nagulat rin ang Alien na to sa pagsigaw ko ng biglaan.

“May problema ba?” Nag-aalala niyang tanong pero sabay na lang kaming napatawa ng Nanay niya na lalo lamang nagdulot ng pagtataka sa kanya. “Bakit kayo tumatawa?” At imbes na sagutin pa siya at nagtinginan na lang kami ng Nanay niya habang tumatawa, “h-hoy! Ikaw! May sinasabi ka bang hindi maganda sa Nanay ko?! Ha?!” Kinakabahan niya pang sabi kaya lalo pang napalakas ang pagtawa ko.

Ng sa wakas ay kumalma kaming pareho ng Nanay niya ay tinignan ko ng makahulugan si Alien. “Bakit? May tinatago ka ba sa Nanay mo na alam ko?” Nakangisi kong sabi, mula naman sa gilid ng mata ko’y nakita kong napatingin saamin ang Nanay niya.

.

.

“Oo nga, anak, may tinatago ka ba saakin?” Basag nito sa katahimikan saka tinignan ang anak niya.

Napatingin na lang ng masama saakin si Alien at, “wala! Diyan na nga kayo.” Sabay hatak ng kurtina pasara. Nagkatinginan na lang kami at sabay na ngumiti.

“Masanay ka na diyan, Hija. May pagka-bugnutin talaga yan minsan, o yung tinatawag ba nilang ‘bipolar’, pag minsang atakihin ng kasungitan eh hindi mo talaga makakausap, pagpasensyahan mo na lang.”

“Naku, sanay na sanay na po ako. Kahit sandali ko pa lang siyang kasama, nasanay na ako. Kasi naman ho, hindi lang minsang ganyan yan. Himala na po kung hindi sumpungin ng pagka-bipolar.”

Napangiti siya sa sinabi ko, marahil ay napapansin din niyang ganun nga ang anak niya. “Pero mabait naman yan, Hija. Hindi mo pa lang siguro nakikita kung saan banda pero mabait yan.” Natawa naman ako sa mga huling salitang sinabi niya, totoo naman eh, hindi ko nga makita kung saang banda ba mabait ang Alien nay un.

“Sa totoo lang, kung hindi dahil diyan, wala na kaming kinakain ngayon.” Biglang naging seryoso ang usapan namin. “Malaking tulong ang naibibigay ng anak kong yan. Responsible yan, madalas, nagpapasalamat na lang ako na kahit hindi kami nakakakain lagi ng masarap na pagkain, kahit hindi ko sila naibibili ng mga luho nila, kahit wala kaming kapera-pera, nabiyayaan naman ako ng dalawang mababait na anak. Sa kanila lang, masasabi ko ng maswerte na ako.”

“Kaya kung minsang napipikon ka na diyan, pagpasensyahan mo na lang. Mahirap lang talaga ang pinagdadaanan namin kaya nagkaganyan siya. Hindi pa rin kasi sila lubos na nakakabangon mula noong mawala ang asawa ko. Sana naiintindihan mo ako, Hija.” Pagpapatuloy niya.

Ngumiti ako. “Maaasahan niyo poi yon. Lagi kong tatandaan ang sinabi niyo.”

“Salamat.” At tinanggap ko ang yakap na binigay niya kasabay ng isang matamis na ngiti.

-=-=-=-=-=-

“Maraming salamat po!”

“Salamat din Hija, bumalik ka dito kung gusto mo, welcome ka naman sa bahay na ito kahit kelan.”

“Naku, salamat po kung ganoon, bibisita po ako minsan para naman makapag-usap po tayo ulit.” Nakangiti kong sabi habang nagpapaalam, magga-gabi na rin kasi, dapat na akong umuwi.

“Psh. Kahit na hindi ka na bumalik, ayos na ayos.”

Tinignan ko na lang ng masama si Alien noong bumulong siya. Bwisit!

“Mauna na po ako.” Pagpapaalam ko.

“Sige, Hija. Kung may problema ka sa anak kong ito, sabihin mo lang saakin ah? Ako na ang bahala.”

“Nako, salamat naman po at may mapagsusumbungan pala ako.” Sumabay na rin siya sa tawa ko pagkatapos habang tinitignan lang kami ni Alien ng masama. Bigla siyang lumapit at tinulak na ako palabas.

“Sige na, umalis ka na, dami mo pang sinasabi e.”

“Eto naman, init ng ulo mo ah.” Tumingin ako ng huling beses sa Nanay niya at kumaway bago tuluyang napalabas sa bahay nila. Pagkalabas na pagkalabas ko, pinagsaraduhan ako ng bwisit na Alien ng pinto kaya wala na akong nagawa kung hindi umalis na, dahil eskinita ang daan, medyo natatakot pa ako lalo na’t ang daming mukhang adik sa paligid.

Hay. Finally. Buti at nakalabas ako sa lugar na iyon ng maayos, marami akong nadadaanang mga tambay pero laking gulat ko lang na pagkatapos nila akong sulyapan ay para bang natatakot sila at umiiwas na ng tingin. Well, kung ano man ang dahilan, hindi ko na yun dapat intindihin.

Ayoko pang umuwi noong oras na iyon kaya nag-abang na ako ng masasakyan papuntang mall pero kamalas-malasan, puro may mga sakay ang taxi na dumadaan kaya no choice ako kung hindi lakarin. Malapit-lapit naman iyon kahit papaano at kaya ko naman sigurong lakarin.

Pagdating sa mall, kainan agad ang hinanap ko at pagka-order na pagka-order ko ay humanap ako ng table at nilantakan ang pagkain. Grabe, nagutom ako doon! Phew!

Tahimik ko namang nakain ang pagkain ko at pagkatapos ay napagdesisyunan kong umorder ng pagkain para sa kapatid ko at naglakad-lakad na.

Hindi ganun karami ang tao dahil gabi na rin kaya naman madali kong napansin ang isang pamilyar na mukha. Napahinto ako at nabitawan ang dala-dalang plastic. Nadaanan niya na ako’t lahat ay hindi niya pa rin ako napansin, masyado siyang busy sa pakikipag-usap sa kasama niyang babae.

Yun na ba ang pinalit niya sakin? Tama ba ang sinabi ni Yohann noon? Maniniwala na ba ako ngayong nakita ko na mismo?

Sinundan ko pa ng tingin si Karl at ang kasama niyang babae kahit na puno na ng luha ang mukha ko sa kakaiyak sa kinatatayuan ko. Sa kanila lang naka-pokus ang tingin ko at hindi ko na alam kung may nakakapansin ba sa akin.

“Kung nasasaktan ka na, wag mo ng tignan pa. Psh. Bakit ba napaka-martyr  niyong mga babae?”

Lumingon ako at bumungad sa akin ang mukha ni Yohann. Nangangatog na ang tuhod ko kaya hindi ko na napigilan pang yumakap sa kanya habang patuloy na umiiyak.

Basta, ang alam ko, ang lalaking nasa harap ko ngayon ang tanging makakatulong saakin para mawala ang sakit na ito at para mabawi ko na ang lalaking mahal ko.

“Mag-umpisa na tayo.”

Take The Exes Back (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon