Chapter 10-The Visit
Lilian’s POV
Grabe, ang tindi mag-blush nito. Daig pa ako. Well, by the way, nakaligtas siya sa pang-aasar ko dahil biglang may tumawag sa cellphone niyang….
Ano sa tingin niyo ang phone niya?
Kugn titignan niyo nga siya, mukha siyang lalaking kayang bilin ang pinaka-latest na cellphone sa panahong ito. Pero nagulat rin ako dahil ni walang camera ang cellphone niya. At parang wala lang sa kanya noong makita akong nagpipigil ng tawa kanina.
Balewala niyang sinagot ang cellphone niya. “Hello.” Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya, pero maya-maya lang, biglang nanlaki ang mata niya at napatayo siya. “A-ano?!.. Pupunta na ako diyan ngayon.” Humarap siya saakin at binaba ang phone niya. “Kailangan ko ng umalis.” At nagmamadali siyang naglakad palabas ng bahay. Noong una, hindi ko alam ang gagawin pero bigla kong naramdaman na kailangan ko siyang sundan.
“Hoy.”
“Mamaya na lang tayo mag-usap.” Hindi lumilingon na sabi niya. Ang bilis niyang maglakad habang ako, takbo na ang ginagawa para lang maabutan siya.
“Ano bang problema?”
“Wag ka ng magtanong. Kailangan ko ng umalis.”
“Teka. Ano ba kasing nangyari, baka makatulong ako.” Pagpupumilit ko pa rin, bigla na lang siyang humarap saakin.
“Hindi ko kailangan ng tulong kaya pwede ba—“ Nahinto siya ng tuluyan siyang makatingin saakin at napabuntong-hininga na lang. “Okay, para lang tumigil ka.” Bigla niya akong hinatak sa braso palabas ng bahay at nagpahatak na lang ako.
-=-=-=-=-
“Alam kong mayaman ka, kaya kapag nakita mo ang bahay namin, please lang, wag ka ng magsalita kung panlalait lang ang sasabihin mo.” Saad niya saakin kahit hindi pa man kami nakakarating sa bahay nila, nasa isang eskinita pa lang kami na maraming tao. Hindi ko alam kung bakit sa bahay nila kami pupunta pero sumama na rin ako.
“Grabe ka naman, ganoon ba tingin mo sakin? Mabait kaya ako.”
Bigla siyang huminto kaya naman nauntog ako sa likuran niya. Aish, “ano ba yan? Bakit ba bigla-big---“
“Anong sabi mo?”
Natigilan ako. “Sabi ko, bakit ka tumigil magla—“
“Hindi iyon.” Humarap siya. “Yung kanina.”
“Ah. Na mabait ako?”
“Psh. Sa ilang araw na kasama kita, hindi ko naramdaman yun.” Seryoso niyang sabi sabay talikod at lakad palayo.
“Hoy! Ang kapal ng mukha mo ah! Akala mo kung sino ka! Bakit, ano tingin mo sa sarili mo, mabait?!” Kusa na akong napahinto sa pagsigaw ng maramdaman kong maraming mata ang nakatingin saakin. Nginitian ko na lang sila kahit masama na ang tingin nila saakin saka ako tumakbo. Geez, nakakahiya. Kasalanan niya to e, “Bwisit, alien ka talaga!” Hindi ko alam kung guni-guni ko lang yun o tumawa talaga siya.
Ang kapal!
-=-=-=-=-
“Gaano pa ba kalayo ang lalakarin natin? Ang dami na nating dinaanang eskinita, hindi ko pa rin makita ang bahay niyo? Saan ba talaga tayo pupunta?” Litanya ko habang nakatingin sa kanya ng masama, kasi naman, pagod na ako kakalakad.
Finally, humarap din siya saakin, ng nakakunot ang noo. “Pwede bang manahimik ka na lang? Ikaw tong nagpumilit sumama pero puro ka naman reklamo. Andito na tayo kaya wag ka ng tumalak, pwede ba?”
At agad naman akong napatingin sa harap ko.
Speechless is the term.
“Pumasok ka na.” Lumakad na siya at binuksan ang pinto –oo, wala silang gate!- sumunod naman ako at pumasok na rin.
Pagpasok namin, agad siyang humarap saakin, marahil ay tinitignan ang magiging reaksyon ko. At alam kong alam niyang nagulat ako at hindi pa rin makapaniwala na ang tulad niya ay sa ganito lang nakatira.
Maliit, masikip, gawa sa kahoy, madilim, pati mga upuan ay gawa lang din sa kahoy at kung ako ang tatanungin, hindi ko alam kung saan sila natutulog dito.
“Ma!” Natigilan na lang ako sa paglibot ng mata ko ng magsalita siya at may lumabas na isang babae mulsa sa isang bahagi ng bahay na natatakpan ng kurtina. Okay, Mama daw niya ito. Maganda siya at mukang medyo bata-bata pa, nasa trenta siguro di tulad ng mga magulang ko na mid 40’s na. Pero indi na ganun kapansin-pansin ang ganda niya dahil sa haggard na itsura nito.
Ngayon ko lang din napansin na umiiyak ito at yumakap na sa anak niya habang humahagulgol.
“Ma, asan siya?” Tanong niya, nagpunas naman ng luha ang nanay niya bago kumalas sa pagkakayakap.
“Nasa kwarto, nagpapahinga.” Doon lang yata niya ako napansin dahil bigla siyang napatingin saakin, agad naman akong bumati.
“Ma, siya nga pala si Lilian. Yung nakwento ko sayo noon.” Sabay ngisi saakin.
Napatingin ulit sa akin ang Nanay niya at napatango na lang. “Ahh. Hija, maupo ka na muna diyan. Kukuha lang ako ng makakain.” Saka ito pumunta sa kusina nila.
Tumango na lang ako saka tumingin sa kanya. Hindi pa rin mawawala ang ngisi nito. Tinignan ko naman siya ng masama pero tinalikuran niya lang ako at nagtungon doon sa may kurtina at hinawi ito, sumunod na rin ako sa kanya at nakita ko ang isang batang lalaki na sa tingin ko’y kasing-edad lang ng nakababata kong kapatid. Namumutla ito at nakabalot ng kumot habang mahimbing na natutulog.
Napatingin ako kay Alien. Biglang nawala ang ngisi niya at naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya. “Kapatid ko yan.” Bigla niyang saad.
Bigla rin naman akong nakaramdam ng awa sa bata, at sa pamilya niya na rin. Mamaya ko na lang siguro iintindihin kung anong masasamang sinabi niya sa Nanay niya tungkol saakin.
Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang ka-big deal sa kanya ang ginagawa kong pag-aksaya at paggastos ng pera. For the first time, naintindihan ko na rin siya. And for the first time, napahanga niya ako.
BINABASA MO ANG
Take The Exes Back (On-hold)
HumorAraw ng mga puso at dalawang pusong sawi ang pinagtagpo, paano nga kaya nila maibabalik ang dating kanila na hindi na nila maabot ngayon? Will it be easy for them to take back what is in the past?