Chapter 14-Another Reason

17 2 0
                                    

Chapter 14-Another Reason

Lilian’s POV

“So, nag-umpisa siyang maging working student sa edad na 14?” Hindi ko maiwasang mamangha rin sa Kiara na iyon habang binabasa ang mga nakasulat sa papel na dala ni Yohann.

“Maybe that’s why your ex likes her.”

Nalipat and tingin ko sa kanya nang sumingit siya, tinapunan ko siya ng masamang tingin. Sisingit na nga lang eh wala pang magandang masabi. Psh. “Kung ganon, dapat pala hindi ka iniwan ng chinita mong ex-girlfriend. Hindi ba’t working student ka din? Kung major turn on ang pagiging masipag, sana kayo pa rin hanggang ngayon.” Tinaasan ko siya ng kilay bago ibalik ang paningin sa papel at nagbasa muli.

“B-bibili lang ako ng juice.” Nabalik agad ang tingin ko sa kanya ng tumayo siya at umalis. Doon ko lang narealize nab aka masyado akong naging prangka, at isa pa, hindi ko dapat binanggit ang ex niya. Pero huli na at hindi ko na mababawi ang sinabi ko.

‘Edi mag-sorry ka. Hmp.’

Hay nako, wag ka nga. Epal na isip na to.

By the way, nakaka-impress nga itong Kiara na ito. But I know, I’m better, kaya hindi ko matatanggap kung ito ang ipapalit saakin ni Karl.

Lumipas ang ilang minute pero walang Yohann na bumalik na may dalang juice. Nanlaki ang mata ko dahil sa naisip. Naku, wag naman sana. Hindi naman siguro yun nag-suicide na sa banyo dahil sa sinabi ko. Hindi! Hindi naman siguro.

Tumayo ako sa table ko par asana hanapin siya pero iba ang nahagip ng mata ko. Si Kiara. Well, tapos na siguro ang part-time job niya dito sa resto at papaalis na siya ngayon, kailangan ko siyang sundan. Hindi ko na inisip si Yohann. Bahala na, ite-text ko na lang siya mamaya, kung hihintayin ko pa siya baka mawala na naman ang pagkakataong ito.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng resto, may nakabunggo akong babae. “Sorry.” Bakit ba kasi kung kelan may hinahabol ka saka ka pa may makakabungguan, kung hindi ka ba naman malas ng lagay na yun.

“Sorry din.” Napadako sa mukha ng nagsalita ang atensyon ko, pamilyar ang boses niya. At tama nga ako, dahil ng pagtingin niya saakin, nakilala ko agad siya. Si Kara. Papasok siya sa resto, napalingon tuloy ako sa loob at napabuntong-hininga. Kapag nagkita sila ni Yohann, malamang niyan, hindi niya na aalamin kung saan ako nagpunta. Hay.

Teka, disappointed ba ko?

Hindi ah.

-=-=-=-=-

Swerte ko at nahanap ko pa si Kiara pagkatapos, ang una niyang pinuntahan ay ATM, nag-withdraw siya ng pera. I gasped. HIndi naman siguro kay Karl galing ang perang yun no? Napailing ako sa naisip ko. Imposible.

Matapos yun ay naglakad siya papuntang abangan ng jeep. Pero laking gulat niya—at ko—ng may humintong sasakyan sa tapat niya. Malayo-layo ako sa kanya pero alam na alam ko ang sasakyang iyon, alam ko kung sino ang nagmamay-ari noon.

“Karl?” Dinig kong sabi ni Kiara habang namamangha pa rin dahil sa pagdating ni Karl. Napayuko ako.

Bakit ganun? Hindi pa pala yata ako handa kung ano ang malalaman ko. Hindi kop ala sila kayang tignan na magkasama.

Agad akong nagpunas ng mukha ng tumulo ang isang luha mula sa mata ko. Hindi pwede. Kailangan kong maging malakas, kailangan kong alamin kung anong meron sila at kung siya nga ba ang dahilan ng pakikipaghiwalay saakin ni Karl.

Unti-unti akong humakbang palapit, mabibigat na hakbang. Ng itaas ko ang aking tingin, nasa labas na ng kotse si Karl at hawak-hawak niya ang pinto ng kotse, agad namang pumasok si Kiara.

Hay. Bakit namimiss ko atang pagbuksan niya ako ng pinto tulad niyan?

Hindi. Hindi ito ang oras para isipin yun, kung ganito ang gagawin ko sa tuwing magkikita kami, magmumuka akong mahina sa kanya. Ang gusto kong makita niya ay ang matapang na pagkatao ko, na pursigidong mabawi siya sa kung kanino man.

Nakangiti niyang isinara ang pinto at pupunta na sana sa kabilang bahagi ng kotse ng mapatingin siya saakin, konti na lang ang distansya namin sa isa’t isa. Masakit makita na ang ngiti niya kanina ay mabilis na naglaho dahil sa pagkakita niya saakin. Galit ba siya? O hindi lang talaga siya masayang makita ako?

“Karl.” Agad kong bulong, lalapit sana ako pero natigilan ako nang umiwas siya ng tingin at nagsalita. “Bakit ka nandito?”

……

“Sinusundan mo ba siya?” Ako naman ang lalong napasimangot dahil sa sinabi niya. Alam kong si Kiara ang tinutukoy niya, at hindi ko alam kung paano niya nalamang sinundan ko ito. BInabasa niya ba ang isip ko? “Tapos na tayo, Lily. Please, tigilan mo na kung ano mang pinaplano mo. Gusto ko ng magbagong-buhay.” At tuluyan niya akong iniwan doon. Pumasok siya sa kotse at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.

Hindi ko na napigilan pa ng magsipatakan ang luha ko.

Bagong-buhay?

Gusto niya noon? Gusto niyang mabuhay ng wala ako sa tabi niya? Ako ba yung gusto niyang alisin sa buhay niya? Ha?

Ganoon ba niya ako gustong layuan, to the point, na aalisin na niya ako sa buhay niya?

Kung ganon, lalo lang niya akong binigyan ng dahilan para bawiin siya. Hindi ako papayag na tuluyan siyang makapag-bagong-buhay.

Take The Exes Back (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon