"Maling Akala"
Ashley Pov:
*
Maaga kameng nakapasok ni Lisa ngayong araw kaya naisipan nameng dumaan sa isang cafeteria malapit lang dito sa aming paaralan, gaya ng lagi naming ginagawa ay sa my sulok kame pumipwesto kung saan ay kame lang dalawa ang naroroon,Umalis si Lisa para um-order ng aming kape, isang tunog ng pag bukas ng pinto ang siyang pumukaw sakin ng pansin ng makita ang lalaking nakabangga saken kahapon na papasok, dumiretsto ito sa kabilang sulok para roon ay pumipwesto,
"Hoy! Sino naman tinitingnan mo ha?" Pambulabog ni Lisa sakin na kanina pang nakatingin sa gawi ng lalaking yun, nakatalikod ito samen kaya di mo makikita ang mukha nito, ganoon naman ang pag sulyap ni Lisa sa gawi ng tinititigan ko ng makita nito ang lalaking yun.
"Kilala mo?" Tanong nito saken bago umupo saking harapan, at inabot ang isang coffee na caramel flavor, nakatingin ako sa coffee na inabot nito bago sinagot ang tanong niya,
"Hindi, pero siya yung lalaking tinutukoy mo nung unang pasukan" sambit ko dito na siya naman maduwal sa pag higop ng kape niya na tila'y nagulat saking pag kakabigkas, agad naman siyang tumingin sakin ng diretsyo bago muling sinulyapan ang lalaking iyon,
Bumalik ang atensyon nito saken na may halong nakaka-asar na mukha "type mo siya no? Ayyiiee" nakangising pang aasar nito saken, na siya namang sinamaan ko ng tingin dahil sa malaki niyang bibig na napakaDaldal
"Alam mo ingay mo, hindi ah. Binangga niya nga ako" sambit ko dito na may kasamang mahinang sipa sa paa niya, gulat namang nilapit niya ang mukha niya saken na tila intiresado sa sinabi ko, napapa-iling na lang ako sa inaasta ng babaeng ito, masyadong mapanghinala lahat na lang ng bagay na puna na niya,
"Tapos?" Tanong naman nito saken habang ang dalawang kamay nito ay nasa baba niya, di ko na sinagot ang tanong nito at nag yakag ng pumasok dahil baka malate pa kame, siguradong ngayon ay magsisimula na ang unang klase,
Paglabas namen ng cafeteria ay agad naman kameng nag paalam sa isa't isa dahil sa mag kaiba kame ng building na pupuntahan, isang beso ang siyang ginawa namen nito bago namen nilisan ang isa't isa
Saking paglalakad sa ikalawang palapag ay biglang sumulpot sa isang pinto ng classroom ang mayabang na lalaking yun, nilampasan ko lang ito ng bigla naman niya kong hawakan saking braso na siya naman nag pahinto sakeng pag lalakad na aking ginagulat,
Isang kaba saking dibdib ang siyang naramdaman ko, bago dahan dahan humarap dito, "A-anong kailangan mo?" Kabang sambit ko dito, di ko maiwasan mailang sa tingin niyang tila matutunaw ako, ngumisi ito saken kasabay ng pagbitaw nito sa pagkakahawak sa braso ko
"Room 201" sambit naman nito saken na siya naman pinagtaka ko kung paano niya nalaman ganoong di ko naman siya kilala o kaklase,
Tumango tango na lang ako dito at tinuro nito ang room na nilabasan niya, na pinag tataka ko kung bakit yun ang tinuturo niya, nagulat naman ako ng makita ang numero ng room ko sa pintong tinutukoy niya, muling tinuon ko ang aking paningin sa lalaking yun ng makitang nag lalakad na ito palayo saken,
Pumasok na ko sa room na iyon at naupo sa hulihan dahil doon na lang may dalawang bakanteng upuan,
Nag simula na ang unag klase ng dumating ang guro namen sa General Mathematics, unang klase paduguan na agad ng utak, buti't isa sa mga nagustuhan kong subject ay ang math, kaya madali lang para saken ang maintindihan ang bawat pag didiscuss ng aming guro na si Mrs. Kimberly españosa
Napahinto ito sa pag didiscuss ng bumungad sa pintuan ang lalaking mayabang na yun, "Oh! Mr. Nathaniel Dela Cruz anong oras na?" Tanong ng aming guro dito, di ito imimik bagkus ay dumiretsyo ito sa gawi ko kung saan ay my bakanting upuan saking tabi, Tuningin ito saken at ngumisi bago umupo,
Sa pag didiscuss ni Mrs. Kimberly pakiramdam ko'y nakatitig sakin ang lalaking katabi ko na siya namang kinaiilang kong tumingin dito, sumulyap akong saglit ng makitang nakangiti ito habang nakatingin lang saken, di ko alam kung anong sumapi sa lalaking to o talagang nang aasar lang,
Nag pakawala ako ng isang buntong hininga bago hinarap ang lalaking katabi ko na kanina pang nakatitig saken "bakit ka ba tingin ng tingin?" Lakas loob na sambit ko dito
Nakakatunaw ang tingin niya saken, kaya nakaka-ilang na din,
"Di naman masama di ba?" Kibit balikat nitong sambit sakin, inirapan ko na lang ito at muling tinuon ang sarili sa pakikinig sa aming guro,
Matapos ng dalawang oras na discussion ni Mrs. Kimberly ay nag paalam na ito at umalis ng room, isang tunog ng bell ang siyang nagpatayo sa lahat dahil sa break time na, agad ko namang niligpit ang aking gamit para umalis dahil sa lalaking ito.
Nag mamadaling lumabas ako ng room ng may makabangga akong isang babae, "naku sorry miss di ko sinasadya" paghingi ko ng tawad sa babaeng nakabangga ko pero di niya tinanggap ang sorry ko at sinamaan ako ng tingin ganoon din naman ang mga kasama nito
Kinabahan akong di maganda ang idudulot ang nangyaring iyon na siyang magpapasama sa araw ko, ayaw kong magkakaroon ng kaaway nguti't di maiiwasang may mangyayaring di maganda at di inaasahang bagay
Humarap sakin ang babaeng nakabangga ko matapos nitong mapaatras sa pagkakabangga ko sa kanya, bakas sa mukha nito ang gigil dahil sa nangyari
"Tanga ka ba?" Gigil na sambit ng babaeng nakabangga ko, humingi muli ako ng tawad dito at yumuko pa nguti't di niya ito tinatanggap, pinalibutan ako ng mga kasama nito na tila ay my balak silang gawin saken, nguti't isang tinig ng lalaki ang siyang kinatabi ng mga ito
"Mitch !" Sambit ng lalaking katabi ko kanina na si Nathaniel, lumapit ito saken at inakbayan ako "sinabi ko bang galawin niyo kaibigan ko?" Pahabol na Bulyaw pa nito na ngayo'y naka yuko na ang mga ito. Inirapat lang ako ng babaeng nakabangga ko na si Mitch bago kame nilisan na ngayo'y naka akbay pa na si nathaniel saken.
"Salamat, pwede ka ng bumitaw" mahinhin kong sambit dito na siya namang pag tanggal ng kamay saking balikat. Napakamot na lang ito sa kanyang ulo at nakangisi pa saken.
"Wala yun, Ok friend?" Sambit naman nito at iniabot ang kamay niya para makipag shake hands, di ko naman tinanggihan ang alok niya.
Nag paalam na ko dito para umalis at muling nag pasalamat dahil sa ginawa niyang pagtulong saken sa mga babaeng iyon. Ngayo'y alam ko na, na di naman pala siya ganoon kasama ang ugali, Base sa una nameng pag kikita di mo mahahalata sa kanya na gagawin niya ang bagay na yun,
Sa di kalayuan ay nataw ko na si Lisa na kumakaway kaway pa saken, kinawayan ko ito bilang bawi at mukhang masaya siya na di tulad kahapon na masamang mukha ang bumalot dito,
Kaagad namang itong nag yakag sa cateen para roon ay kumaen "bakit ang saya mo ata ngayon?" Tanong ko naman dito habang naglalakad kame patungo sa canteen
"May sasabibin ako sayo mamaya" masayang sagot naman nito sa tanong ko na tila ay may magandang dahilan kung bakit, di ko alam pero sa mukha niya halatang lalaki naman itong tinutukoy niya na sasabihin saken,
"Ako din may sasabihin sayo" sambit kong muli dito at nag patuloy kame saming pag lalakad, alam kong magugulat ito sa sasabibin ko sa kanya,
Third Person Pov:
*
Masayang nag lalakad ang mga magbabarkada patungo sa canteen, na tila ay sila ang nag sisilbing ingay sa bawat madaanan nila"Guy's ano tara sa bar mamaya?" Sambit ng lalaking sa mga ito, na tumango tango na lang sila bilang tugon,
Samantalang nakangiting nakikisakay na lang ang siyang asa gitna ng grupo nila na tila'y may masayang nangyari dito, patuloy lang sila sa pag lalakad at diretsyong nag tungo sa isang tabi kung saan ay roon sila nag balak pumiwesto
Ganoon pa man ay patuloy lang sila sa kasiyahan nila..
.