"Maling akala"
Ashley Pov:
*
Lumipas pa ang mga linggong paulit- ulit niyang pag sundo't hatid saken, kasabay ng panliligaw nito kaya ganun na lang ang paglalim ng pagmamahal ko sa kanya dahil sa mga ginagawa niyang tila nakakakilig na bagay at supresa mga salitang gustong gusto ko marinig mula sa kanyaMasaya ako dahil sa effort ni cedrick, dahil sa ginagawa niya ay nawala na yung ilangan nameng dalawa sa isa't isa
Isang araw habang abala ang mga prof. Sa ginawang ni lang meeting ay kasama ko naman si cedrick sa hallway kung saan ay nakaupo kameng dalawa
Tumayo ito kasabay ng pag lahad niya ng kamay "Ash" bigkas nito sa pangalan ko, na tila ay nagyaya kung saan, ganun naman ang pag tanggap ko sa rito
"Saan naman tay" nagtatakang tanong ko, magkasabay kameng nag lakad sa hallway habang hawak niya ang kamay ko, di maalis ang ngiti sa kanyang labi,
"Basta ash" di na ko nagtanong at sumama na lang ako dito, napansin kong patungo kame sa parking lot, di ko alam ang dahilan pero mukhang may pupuntahan kame, dahil pinasakay ako nito sa kotse niya at umalis ng school
"Saan ba talaga tayo pupunta cedrick? Di pa tapos ang klase ohh" muli kong tanong sa kanya habang nagdadrive, wala akong alam na kung saan kame patutungo, pero mukhang isang supresa na naman ang gagawin niya
"Secret ash, malalaman mo din kung saan tayo patutungo" tugon nito, na siya namang may paghawak saking Kamay, kaya tahimik na nakaupo na lang ako sa tabi niya
Lumipas pa ang ilang minuto ng huminto ito sa tapat ng isang malaking gate, "Teka Cedrick wag mong sabihing dito ka nakatira?" Takang tanong ko naman dito,
"Ganun na nga" tugon niya bago bumaba ng kotse, at pinagbuksan pa ako nito ng pinto,
"Ano bang gagawin naten at bakit mo ako dinala sa bahay niyo, hindi mansyon pala to" munting pag bibiro ko pero namamangha sa mga nakikita ko, hindi ko inaakala na ganito pala talaga sila kayaman,
Habang papasok kame ay inikot ko ang aking paningin sa paligid kay ganda ng mga bulaklak sa hardin tila nahahalatang mahilig ang pamilya niya sa mga bulaklak.
Nang tuluyan na kameng makalapit sa malaking pinto ng mansyon nila ay pinag buksan kame ng dalawang tila guwardiya na nakabantay sa pinto
"Magandang umaga Ginoo, ganun na din sa binibining kasama niyo" salubong na bati ng isang matandang babae samen, nginitian ko ito bilang tugon ko
"Manang Cecilia, ikaw po ba yan?" Siya naman pag sulyap nito saken na tila ay minumukaan ako, Ngitian ko ito kasabay ng magsilag sa kanyang masayang mukha,
"Ashley? Ikaw na ba yan?" Masayang tanong saken ni manang cecilia, halos anim na taon din kameng di nag kita simula nung sinama siya ng pa state dahil siya ang nag aalaga kay Cedrick mula ng ito'h bata pa
"Opo ako na po ito" sambit ko sa kanya habang may ngiti saking labi, nagagalak akong makita siyang muli
"Dalagang dalaga kana ngayon, halos parang ang bata mo pa nung huli kitang nakita" nahiya naman ako sa mga sinambit nitong salita
Isang maingay at makulit na batang babae naman ang siyang patakbo papalapit samen na tila ay nakakabatang kapatid ito ni cedrick
"Kuya!!" Sigaw naman nito na may saya sa maganda nitong mukha,
"Hhmm.. Sino siya?" Tuturo-turo saken ng kapatid nito habang nakatago sa kanyang kuya, nginitian ko ito
"Baby Cass, pasok ka muna sa kwarto mo, manang pakihatid na si baby Cass ohh" utos ni Cedrick kay manang Cecilia,
Ganun na lang ang pag habol tingin ni Cedrick sa pag hatid ni manang sa bata nitong kabatid, kami naman nanatili sa kinatatayuan namen hanggang sa makapasok ang mga ito sa kwarto ni Cass
"Mukhang wala pa sila mom, kaya maupo ka muna" naupo ako sa isang magandang Sofa samantalang umalis naman si cedrick na tila patungo sa kwarto niya
Ilang minuto akong naupo habang nililibot ang paningin sa buong bahay, napaka ganda naman ng bahay nila, mukhang mamahalin ang mga gamit dito.
Napatingin ako sa isang bagay na umiilaw na tila ay Cellphone ito ni Cedrick, kaya agad kong sinilip kung bakit ito umiilaw, "Mommy" mukhang tumatawag yung mom ni cedrick sa kanya
"Call ended" Nakita kong nakaka Dalawang missed call na ito, mauupo na sana ulit ako ng tumawag muli ang Mom niya, kaya di na ko nakapag antay at inisip na baka Emergency ito kaya umakyat ako pataas upang ibigay ang cellphone na ito kay Cedrick
Nang makarating ako sa pinto'ng pinasukan niya ay kumatok muna ako nguti't hindi nito binubuksan, pinihit ko ang doorknob nito hindi ito naka lock kaya pumasok na ako,
Sa pag pasok ko tila isang musika ang siyang naririnig ko, kaya siguro hindi nito naririnig ang pag katok ko sa pinto dahil sa music niya,
"Cedrick" tawag ko dito habang palingon lingon sa kwarto niya, masyadong malaki at malawak yung kwarto niya, mukhang mahilig siya sa Music dahil sa Dami ng CD na meron siya, meron ding gitara sa tabi ng kama niya,
Isang mahinhing pag bukas sa pinto ang siyang pumukaw pansin saken, ng ibaling ko ang tingin ko dito lumaki naman ang mata ko sa nakita ko dahil sa suot ni Cedrick
Naka taklob ng towel ang pang ibaba nito habang nag tutuyo mg ulo kaya di niya ako napansin, agad naman akong tumalikod at pumikit kagat labi din akong nahihiya sa pag pasok ko dito,
"Ash?" Sambit nito sa pangalan ko kaya napamulat ako, bumibilis ang tibok ng puso ko at feeling ko pulang pula na yung pisnge ko,
"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Tanong niya saken, pero para akong pipe na di makapag salita kaya iniabot ko yung CP niya na nakatalikod ako at nakapikit,
"Y-yung mom mo T-tumatawag" nabubulol ko sambit dito dahil sa hiya ko.
"Ash" tawag niya saken parang sasabog yung puso ko sa bilis ng tibok nito, ano ba tong pinasok ko, at dahan dahan akong humarap sa kanya
Papalapit ito saken na walang suot pang itaas, kinakabahan ako sa pag lapit niya, bumibilis ang tibok ng puso kp feeling ko pinag papawisan ako kahit malamig dahil sa aircon
"T-teka, D-dyan ka lang" siyang lumabas saking bibig dahil sa kabang nararamdaman, pero patuloy pa rin ito sa pag lapit saken
Nilagpasan lang ako nito at kinuha sa kama yung shirt niyang susuotin
"Di naman masama kung mag susuot ako ng damit" sambit nito habang sinusuot yung shirt niya, nakahinga naman ako ng Maluwag na inakalang saken ito lalapit
Agad naman kameng lumabas ng kwarto niya matapos nitong magbihis habang kausap niya sa phone yung mom niya