Kabanata 6

59 32 9
                                    

"Ang Pagbabalik"

Ashley Pov:

*
May ngiti saking labi na binabaybay ang siyang gawi patungo sa itaas ng burol, damang dama ko ang lamig ng simoy ng hangin, nasusulyapan ko na din ang takip silim hudyat na malapit na ko sa tuktok.

Ilang saglit pa ng akin itong marating, kay ganda ng unti-unting pag lubog ng araw, kaya sarap pag masdan, ganoon na lang ang ngiti saking labi habang sinusulyapan ang pag lubog nito, pero mas wala ng sasayang kung kasama mo ang taong mahal mo,

Mula saking kinatatayuan ay dinako ko ang isang malaking puno kung saan ay may nakaukit na puso at sa loob nito ay mababasa mo ang "Cedrick Love Ashley" hinaplos ko ito bilang alala,

"Miss na kita cedrick" sambit kong wari'y kinakausap ko ang ngayon puno na nasa aking harapan, maluha luha ako sa tuwing inaalala ang nakaraan,

"Ashley" isang tinig ng lalaki ang siyang nagpalakas ng tibok ng puso ko, na mula saking pagkakapikit ay minulat ko ito, na unang inakala ko'y di ito totoo, na minsan ay di magsasalita ang puno, tinapik tapik ko pa ang aking sarili,

"Nahihibang na ko" sambit sa sarili habang tinatapik ang mukha,

"Namiss mo lang ako ashley" isang muling tinig ang siyang aking narinig na nag mula saking likuran, tila bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon,

Dahan dahan akong tumayo mula saking pagkakaupo na ngayo'y nakatalikod dito, dahan dahan kong hinarap ang kung sino mang narinig kong tinig saking likuran,

"Ikaw?" Sabay naming sambit na tila'y nagulat din ito, di ako makapaniwala na siya si cedrick, ang lalaking nakabungo ko nung unang pasukan at ang nasaking harapan ay iisa, kaya ba ganoon na lang ang paggaan ng loob ko sa kanya.

Dahan dahan itong lumapit saken, isang mahigpit na yakap ang siyang binigay nito saken, halata sa pagyakap niya ang pag kamiss, ganoon naman din ang pagyakap ko dito

"Namiss mo ba ko" bulong nito saken habang nakayap, di ko maitatangging sobra sobrang pagkamiss ko sa kanya, tila maluha ako dito dahil sa saya.

Kumawala ako sa pagkakayakap dito at sinimulang suntukin ito sa dibdib "bakit ngayon ka lang? Bakit ang tagal mong bumalik? Bakit mo ko pinag-antay ng matagal? Anim na taon yun" sabay sabay na tanong ko dito habang sinusuntok ang dibdib niya,

Niyakap niya kong muli na tila bumabagal ang takbo ng oras, inisip na sanay di panagip ang lahat ng ito, masaya akong andito siya, sa loob ng anim na taon na miss ko siya ng sobra

"Mahabang kwento" bahagyang sambit pa nito, di na ko muling nagtanong at dinama ang yakap niya, ganito ba pag namiss niyo ang isa't isa na tila'y ayaw mo ng kumawala sa yakap niya

Masaya ako dahil dumating kana, kung alam mo lang itong aking nararamdaman, dito ka lang sa cedrick dito ka lang,

Kumawala kaming dalawa sa pagkakayakap na siya namang biglaan pag talikod ko rito na kunwari'y nagtatampo ako sa kanya dahil sa ginawa niya na kahit saking kaloob looban ay masaya ako dahil nandito na siya

"Galit kaba saken?" Siya namang tanong nito saken, hindi naman ako galit sa kanya pero gusto ko siyang biruin bilang ganti sa ginawa niya

Pinag-antay niya ko ng matagal,

"Oo!! Galit ako sayo!" Pakunwari'y pagalit ang boses sa pagbigkas ng bawat salita upang di nito mahalata,

Hinawakan ako nito sa braso at muling hinarap sa kanya nilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko na siyang kinailang ko dahil sa biglaan ginawa niya ramdam ko ang tilang pamumula ng mukha ko,

Nag-Iisang BituinWhere stories live. Discover now