"BAR"
Ashley Pov:
*
Ilang saglit na byahe ng makarating kame sa bahay, magpapaalam na sana ako kay cedrick ng mag bukas ang pinto at iluwal nito ang aking ina na siya naman nag aantay saking pag dating "oh ash andiyan kana pala, kanina pang nag aalala ang iyong ama" sambit naman ni mama sakenGanun pa man nababakas sa mukha nito ang pag sulyap sa kasama kong si cedrick na tila kinikilala nito kung sino ito "May dinaan pa po kasi ako" nahihiyang sambit ko naman dito na, tumango tango naman ito saken na may kasamang ngiti sa mukha nito bilang tugon
"Hmm.. Ma, si cedrick nga pala, yung kababata kong sinasambit sa inyo" nahihiyang pakilala ko sa lalaking kasama ko, ngumiti lang itong si cedrick at ganun din naman ang ginawa ni mama dito
"Baka gusto niyong pumasok, malamig na sa labas" sambit naman ni mama sameng dalawa, sasambitin ko na sana na uuwe na si cedrick ng mag simula ito humakbang na tila'y tinanggap nito ang alok ni mama, sumulyap pa ito saken at ngumiti, ganoon naman ang pag kahiya ko dito,
Umupo ito sa sofa upang doon ay umupo, samantalang nag diretsyo ako sa aking kwarto upang mag bihis,
Agad naman akong nag tungo sa salas kung saan ay nakaupo si cedrick, ganoon naman ang tingin nito saken, di ko maiwasang mahiya sa titig niya, agad naman akong umupo sa tabi niya para kausapin ito
"Hmm... Kumaen kana ba?" Tanong ko naman dito, nakatingin lang ito sa mukha ko at hindi sumasagot na tila may iniisip, bakit ba ganyan ka makatingin saken Cedrick nakakatunaw,
Inalis ko ang tingin ko dito "Walang nagbago sayo, maganda ka pa rin" sambit naman nito na tila nabingi naman ako, bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko, "A-ano yun?" Tanong ko din na kunwari'y wala akong narinig, hiniling na sambitin niyang muli ang mga salitang binigkas niya,
"Sabi ko, maganda ka pa rin talaga" Sambit nitong muli saking tanong, bahagyang tumalikod ako dito, ganoon naman ang pagkakilig ko dahil sa sinambit niya, muli akong humarap dito at ngumiti na tila'y walang nangyari
"Kumaen kana ba?" Siya namang tanong ko dito para sirain ang titig nitong nakakatunaw, "hindi pa ehh" sagot naman nito, isang pag-katok sa pinto ang siyang nagpakutob saken,
Bahagyang tumayo ako upang buksan ang pinto ng itambad saken nito ang aking kaibigan na si Lisa, "Hi Ash" nakangiti nitong bati habang kinakaway ang kamay niya, "oh? D-di mo naman sinabi na dadalaw ka P-pala" Nauutal na sambit ko dito sabay ngiti dito,
Pano ba to, wrong timing naman itong si Lisa eh,
"Ohh? Anyare sayo best?" Tanong naman nito saken at pumasok ng bahay, Tila nagulat ito ng makita niya si cedrick na nakaupo sa sofa, na siyang unang lalaking nakita niya nung unang araw ng pasukan, na siya ring nakita namen sa cafeteria na nag iisa,Tumingin ito saken na nanlalaki ang mata na tila'y bumubulong at tinuturo ng mga mata nito si cedrick, Napangiti na lang ako dito,
Hinila ko si Lisa upang ipakilala kay cedrick "Lisa si cedrick, yung kababata ko, Cedrick si Lisa ang madaldal kong matalik na kababata" pakilala ko sa isa't isa, nag ngitian lang ang dalawa at nag shake hands
"Nakahain na yung hapunan, sumabay na kayong dalawa" Bigla sambit naman ni mama, agad naman tumayo si Lisa upang mag tungo sa hapag kainan, umiling iling na lang ako habang nakangiti,
Kahit kelan talaga Lisa, "Tara na?" Alok ko naman kay cedrick upang mag tungo sa hapag kainan, ganun naman ang pag tayo nito mula sa pag kakaupo at sumabay saken,
"Oy best dito kana" alok naman saken ni Lisa at doon ay umupo sa tabi niya, nang makaupo ako agad namam tumayo si Lisa "Kuya dito kana umupo" alok naman niya kay cedrick, sumulyap naman ako dito na may halong pag kunot ng noo, ngumiti lang ito bago lumipat sa kabila upang doon ay umupo
Matapos kong pangunahan ang dasal ay nag simula ng kumaen ang lahat, tahimik na maririnig mo lang ay ang bawat tunog ng kutsyara at tinidor,
**********
Cedrick Pov:
*
Matapos ng hapunan, ay nagpaalam na ko kay Ashley upang umuwe, nag paalam at nag pasalamat din ako sa magulang niya,Sasakay na sana ako sa kotse ko ng may isang tinig akong marinig "Cedrick Pwede daw makuha cellphone number mo" mabilis naman sambit ng kaibigan nitong si Lisa, ganoon na lang ang pag tapik ni Ashley sa braso ni Lisa,
"Sure" inabot ko ang isang card kung saan makikita ang Cellphone number ko, bago muling sumakay sa kotse ko,
Nang maStart ko ito ay agad akong umalis, sumulyap akong saglit sa mga ito na kumakawa'y kawa'y pa sakeng pag alis,**********
Huminto akong saglit sa isang Bar kung saan ay roon ko tatagpuin ang aking mga barkada, pag pasok ko pa lang ay tumambad saken ang ingay ng tugtog mula sa isang malaking speaker at ang mga taong sumasayaw sa gitna nito at sumasabay ang iba't ibang kulay mula sa disco light
Bahagyang inikot ko ang aking mga mata ng masulyapan ang aking mga kasamahan na kumakawa'y kawa'y saken, Tinungo ko kung saan man ang mga ito naroroon,
"Hey Bro, bakit ngayon ka lang?" Tanong naman saken ng isa kong barkada, na tila'y may talab na ng alak, "May dinalaw akong isang kaibigan" sagot ko naman dito bago kinuha ang isang San mig light na nasa isang backet na puno ng yelo
"Kaibigan o nililigawan?" Tanong naman ng isa ko pang barkada bago nag tawanan ang lahat, napapa'iling at nakangiti na lang ako sa mga ito, ganoon naman ang pag inom ko sa hawak kong isang bote ng san mig light
Nag patuloy lang ang kasayahan at inuman hanggang sa mag kayakagan ng umuwe dahil sa tama ng alak,
"Ohh mga bro, mag ingat kayo, uwe agad" sambit ko naman sa mga kasamahan ko na susuray suray na yung iba, kaagad naman akong sumakay ng kotse upang umuwe,
Di naman ako ganoon nalasing, at nakapag drive pa ako ng ayos at nakauwe ng walang nangyaring masama, agad naman akong nag tungo saking kwarto upang magpahinga at matulog na kahit hindi pa nakakabihis ay pumikit na ang aking mga mata...
**********
Third Person Pov:
*
"Sila pala yun" tatango tangong sambit ni Nathaniel sa mga kasamahan nito ganoon na din ang pag inom nito sa hawak niyang bote ng alak,"Ano Nath? Subukan naten?" Sambit pa ng kasama nito sa kanya, habang may halong mayabang na ngiti sa kanilang labi,
"Wag hayaan niyo lang, walang tayong gagalawin sa kanila" sambit naman ni Nathaniel sa mga mga kasamahan nito, at ganoon na din ang pag tango ng mga kasamahan nito bilang tugon sa sinambiy niyang iyon,
Nagpatuloy lang ang kasiyahan ng mga ito na wari'y wala ng bukas, ganoon naman ang kung sinong pinag usapan nila...
**********
Hi/hellow
Change UN from Piggyace to Third_warning
Pasupport guys
Sorry slow update
•|| Comment's&Vote's ||•