"Picnic date"
Ashley Pov:
*
Hinigit ako nito palabas ng bahay nila at agad pinasakay sa kotse niya"Oh! Saan ba tayo pupunta ata parang nag mamadali ka?" Mabilis kong tanong dito na siya namang may seryosong mukha
Hindi ko alam pero simula nung binaba niya yung phone tila nag iba na yung mood niya
"May problema ba ced?" Muli kong tanong sa kanya na halatang may problema,
"My Mom" tanging sagot niya saken, " She promised nanuuwe siya para sa hapunan with us, pero pinaasa niya na naman ako" dagdag na sagot niya saken habang nag dadrive,
"Ok lang yan Cedrick, naiintindihan kita sana ganun ka din sa parents mo" mahinhin kong sambit dito na may kasamang concern sa pananalita ko
Ramdam ko yung lungkot sa pananalita niya, ramdam ko din na tila nag tatanim ito ng galit sa parents niya dahil sa pinakita niya kanina.
"Always ash, palagi ko naman silang iniintindi pero yung simpleng hiling ko hindi nila mapagbigyan" huminto ito sa isang grocery store,
Bumaba siya at pumunta sa likod ng kotse para may kuning isang bagay, bumaba naman ako para malaman kung ano iyon
Napansin ko naman na hawak niya ang isang basket na walang laman,
Balak siguro nitong mag grocery ngayon,
"Bakit may dala kang basket?" Takang tanong ko dito,
"Para sa Picnic date nateng dalawa, para kahit paano maging masaya ako" malumanay na tugon nito,
"Picnic date talaga, smile kana nga napangin ka pag hindi maipinta yang mukha mo" sambit ko dito habang nag papacute sa harap niya para pangitiin siya
Hindi naman ako nag kamali sa ginawa ko at napangiti ko siya kahit parang napipilitan lang siya
Nag patuloy kame sa pag lalakad, pinapanood ko lang yung bawat kilos niya mula sa kanyang likuran
Ramdam mo yung pagiging kulang sa kanya, alam kong malungkot na magkaroon ng long distance relationship sa family mo
Hindi man kame ganun pero ramdam ko si cedrick,
"Araayy!" Hindi ko namalayang huminto pala si cedrick sa pag lalakad kaya hindi inaasahang mabangga ako sa likuran nito
"Nasaktan ka ba ash?" Agad na sambit saken ni Cedrick na ngayo'y hinahaplos yung noo ko
Nakahit hindi naman ako nasaktan eh ginawa pa rin niya yun, halata sa mukha nito ang pag aalala saken
Napangiti na lang ako sa ginagawa niya,
"Bakit naka ngiti ka?" Nagtataka namang tanong nito saken
"Wala, wala"
"Talaga? Nakangiti ka eh" mukhang nag uumpisa na yung pangungulit niya, i know na magiging ok ang lahat ng ito para sa kanya
"Wala talaga ced, alam mo kanina pa tayo dito pero wala pa tayong nabibili ni isa" pagpapalusot ko rito para hindi na niya ako kulitin
Panigurado namang hindi ito titigil sa pangungulit kung puro wala lang sasambitin ko
"Oo nga pala, ikaw na mamili ng pwede nateng bilhing snacks or any somethings food you want" tila nakalusot ako doon ahh, kaya nag umpisa na kame sa pag hahanap ng mga snack food or something something na pwede for picnic