Kabanata 11

23 12 0
                                    

"Bestfriend"

Ashley Pov:
*

Matiyaga akong nag aantay sa hallway kung saan madalas kong antayin ang aking bestfriend, maaga akong dumating sa school dahil sa maagang pag sundo ni cedrick saken

Patingin tingin ako saking relo dahil sa kanina pa akong nag aantay ay hindi siya dumarating, kaya agad kong tinungo kung saan man ang room nito

Nag lalakad na ako patungo sa building kung saan ko matatagpuan ang room ni Lisa ng makarinig ng isang isang boses

"Ashhh!!" Agad kong lingon dito na tila ay kilala kung kaninong boses ang narinig ko

Confirmed naman na si Lisa ito na patakbong papalapit kung nasaan man ako

"Ohh! Bakit ngayon ka lang ha?" Agad kong tanong dito na siya namang nag hahabol hininga

"Nalate kasi ako ng gising, kasi naman ginawa ko pa yung project ko kaya gabi na ako nakatulog" tugon naman nito

"Teka, saan kayo nagpunta ni cedrick kahapon huh?" Dagdag na sambit pa nito saken

"Picnic date" ngiti kong sambit na siya namang may nakakaasar na ngiti

"Ayyiee, ok lang hindi umattend ng klase para lang sa date" pang aasar pa nito habang tila kinikilig ito sa sinasabi niya

"Luka!"

"Anong oras na ba? Baka malate ka sa klase mo nasa kabilang building kapa naman" napatingin naman ako saking relo at napansing 5mins na lang mag start na ang unang klase namen

"Ayy oo nga pala, sige lisa mauna na ako sayo kita na lang tayo sa cafeteria huh" kindat na sambit ko dito ay nag simula ng mag lakad patungo sa old building

Nag madali akong maglakad para hindi mahuli sa klase ko ng mapansin kong nakatayo si Nathaniel na tila ay may inaantay ng makarating ako sa third floor

"Hey Nathan! Ohh may inaantay ka ba?" Tanong ko ng makalapit ako dito

"Sa totoo lang, meron" tugon niya nag taka naman ako kung sino ang inaantay niya dahil 2mins na lang mag start na ang klase

"Sino naman, mag titime na oh" tingin ko sa aking relo

"Ikaw"

"Huh? Ako?" Takang turo ko sa sarili ko, napakunot na lang ako sa noo ng sambitin niyang ako ang inaantay niya

Bakit naman ako ni wala nga kameng usapan para antayin niya,

"Oo, nakita kasi kita na paakyat na kaya inantay na kita" bigay linaw niya na aking kinatango tango bilang tugon

"Nag abala ka pa, tara na late na tayo ng isang minuto sa klase" yaya ko kay Nathaniel

Tahimik lang itong sumasabay sa bawat pag lakad ko, nada'tnan namen wala pang teacher sa room kaya naupo na kame agad at nag antay sa pag dating ng unang guro namen.

*****
May isang oras lang na nag discussed si ma'am Chery bago nito e'dissmissed ang klase

Niyaya naman ako ni Nathan na sumabay sakanya ng dinner, hindi naman ako makatangi kaya nag Yes ako dito

Sabay kameng bumaba habang nag uusap,

Masaya palang kausap itong si Nathan, nakahit wala sa itsura nito ang pagiging mabaet ay basta mo na lang iyon makikita sa kanya sa tuwing makakausap mo siya,

Saglit na huminto ako sa pag lalakad ng makita kong papalapit si Cedrick

"Bakit ashley? May problema ba at huminto ka sa pag lalakad?" Takang sambit saken ni Nathan,

Nag-Iisang BituinWhere stories live. Discover now