Kabanata 5

56 32 15
                                    

"IkaAnim Na Taon"


Ashley Pov:

*
Nabulabog ang pag-uusap namen ni Lisa ng dumating ang grupo ni nathaniel na masayang nagtatawanan papasok ng canteen, napasulyap naman ako sa lalaking nahuhuli na si Nathaniel na siya naman ding Pag sulyap saken, isang malaking ngiti naman ang binigay nito saken

"Ayyiee! Sa tingin ko gusto ka ng lalaking yun" tiling sambit naman ni Lisa saken, kunot noo ko namang binaling ang tingin ko dito na siya namang may isang malaking ngisi sa kanyang mukha

"Di ba my sasabihin ka?" Siya naman Tanong ni Lisa, tila nag dalawang isip akong kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi, dahil sa tingin ko ay lolokohin lang ako nito sa lalaking yun,

"Sa ibang araw ko na lang sasabihin sayo" sambit ko at nagpakawala ng isang ngiti bago muling tinuon ang sarili sa pag kaen na ngayo'y nasa aking harapan at nag patuloy sa pagkaen,

*****

Agad naman kameng lumabas matapos namen kumaen para pasukan ang susunod na klase "Lisa di ba maaga labas mo mamaya?" Tanong ko dito habang nag lalakad kame, napahinto naman ito sa paglalakad na siya namang kinahinto ko din,

"Oo, bakit?" Sambit naman niya na may halong pagtataka sa kanyang mukha,

"Mauna kana umuwe saken Lisa, may dadaanan pa din naman ako mamaya" Nakangising sambit ko naman dito, bakas naman sa mukha nito ang pagtataka,

Naalala kong ngayon ang araw ng ika anim na taon simula nung lumisan siya, gusto kong mainis dahil sa pag-papaasa niyang babalik pa ba siya, pero aasa akong balang araw ay darating siya para balikan akong muli,

" Ano may problema ka ba ash?" Tanong naman nito na tila'y may halong pangangamba sa boses niya, na siyang nag pabalik saken sa wisyo, Ni minsan ay hindi ko nabanggit sa kanya ang lahat, balang araw ay malalaman niya din to,

"Wala naman" Pagtanggi ko dito, tumango tango na lang siya bilang tugon, Muli kame nag patuloy sameng paglalakad bago muling nag hiwalay, mag isa kong tinungo ang old bulding kung saan ay naroon ang siyang aking room,

Mag isa kong tinahak ang hallway ng maaninag ko ang wari'y siyang nakabanggaan ko noon unang pasukan, mag isa ito na mababakas sa kanyang mukha ang tila isang lungkot sa maamo niyang mukha, ganoon naman ang siyang pag simula ng unti unting pag tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya,

Simpleng lalaki lang siya kung pumorma tamang suot lang siya ng complete uniform at walang arte na ngayo'y suot niya,

Pabagyang sumulyap ito dahilan para alisin ko ang siyang tingin ko dito na kunwari'y di ako nakatingin sa kanya, hanggang sa tuluyan itong makalapit saken

Muli akong sumulyap dito hanggang sa mag tama ang aming mga mata bago lampasan ang isa't-isa,

Nathaniel Pov:

*
Masayang nag tatawanan ang mga kasama dahil sa kanilang pinag uusapan, sinumula ko ng tulayo mula sa aking pag kakaupo para mag yakag ng muling mag hiwahiwalay upang pasukan ang ikalawang subject

"Ano guys mauna na ako sa inyo, kita kita na lang mamaya" paalam ko sa mga kasama ko bago lisanin ang mga ito, Nag simula na ko saking pag lalakad mag isa,

Ilang minuto ko pa lang tinatahak ang hallway ng makasalubong ko si mitch na mag isang naglalakad papalapit saking gawi

"Tan galit kaba?" Tanong nito sakin na may halong landi sa kanyang pagbigkas, si Mitch ay isa lang sa mga ex girlfriend ko noon highschool kame,

Di ko pinansin ang sinambit nito at patuloy lang ako saking paglakad na siya namang paghawak saking braso para matigilan ako saking paghakbang

"Ano ba Tan, wala ka na bang nararamdaman saken?" Muling bigkas nito, Hinarap ko ito at humakbang papalapit sa kanya

Sinumulan kong ilapit ang aking mukha sa mukha niya na wari'y hahalikan siya ngutit ay direktang nilapat ko ang labi ko sa tenga niya at bumulong

"Mitch sa ginawa mo noon? Wala!" Mahinhing bulong ko dito bago muling ilayo ang mukha ko at nag patuloy sa paglalakad at nilisan ito na tila ay nawala sa sarili dahil sa simanbit ko!

Natapos ang namamagitan saming dalawa simula noong malaman kong di lang ako ang lalaking minamahal niya, ako ang nauna pero mas pinili niya ang pangalawa, ngayon maghabol ka sa wala,

Narating ko ang siyang kinaroroonan ng room ko at sinumulang pumasok at umupo sa tabi ng babaeng ngayo'y nag aabang sa ikawalang guro namen,

"Hi!" Bungad na bati ko dito bago umupo sa tabi niya, sumulyap naman ito saken ang ngumiti bilang tugon niya,, simpleng babae lang siya pero may dating, di ko alam pero ganoon na lang kalakas ng appeal niya,

Ilang saglit pang lumipas ng pumasok na ang ikalawa naming guro, nag pakilala ito bilang si Sir Julius Judge teacher namen sa Philosophy,

Muli kong sinulyapan si ashley bago tinuon ang sarili sa aming guro na ngayo'y nag simula na sa pagtuturo.

Ashley Pov:

*
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko ng matapos ang buong klase, hapon na din kaya agad ko namang ipinasok sa bag ko ang aking mga gamit nadali ko ang ballpen na siya namang pagpatak nito sa sahig

Pupulutin ko na sana ito ng bigla naman sulpot ng isang kamay para mahawakan ang kamay ko na ngayo'y nakahawak na saking ballpen,

Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo ng makita ko ang gwapong mukha ni nathaniel na siya namang nakatingin din saken, agad ko namang inialis ang tingin ko dito kasabay ng pag alis ng kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko,

"Sorry" habagyang sambit naman nito saken bilang pag hingi ng tawad sa pag kahawak niya sa kamay ko, madaling pinasok ko ang iba pang gamit ko sa bag ko dahil naiilang ako dito na tanging kame na lang ang tao sa room,

"Ok lang, mauna na ko" paalam ko naman dito at agad na nilisan ito mag isa, nag mamadali akong naglakad palayo dito,

"Ashley!!" Sigaw mula sa likuran ko mula sa lalaking yun dahilan para ikahinto ko sa aking paglalakad, hinarap ko naman ito na ngayo'y papalapit sa gawi ko,

"Pauwe ka na ba?" Tanong naman nito saken na ngayo'y naiilang ako na tingnan ito sa mga tama niya dahil nakakailang ang mga tingin niya,

Bad boy na gwapo, pero may aking kabaitan naman siya di na ko magtataka kung bakit siya pinagtitilian ng kababaehan,

"Oo ehh" tugon ko naman sa tanong nito,

"Baka pwedeng sumabay kung ok lang?" Sambit pa naman nito saken na siya namang pagkailang ko, di ako sanay na may nakakasabay na lalaki na ngayon ko lang din nakilala,

Masama naman kung tatangihan ko siya sa alok niya,

"Ok lang naman" Sinumulan na namen maglakad ng sabay habang nag kekwentuhan, masaya naman pala siyang kausap sa tingin ko maling hinusgahan  namen siya agad agad,

"Oh pano Hanggang dito na lang" paalam nito bago tinungo ang grupo na ngayo'y nag aabang sa kanya, kumaway pa to saken bago ako talikuran,

Sakto namang may jeep na ngayo'y nakahinto sa tapat ng isang waiting shed kaya agad naman akong sumakay dito upang di maubusan ng uupuan, nag antay pa ito ng ilang minuto dahil sa nag aabanh pa eto ng pasahero na maaring sumakay,

Nakaupo ako sa bandang pagitna na sinusulyapan ang kalangitan, dinadama ang hangin na dumadampi saking mukha, inalala siyang muli

Anim na taon na siyang wala, anim na taon akong mag aantay, anim na taon akong umaasa sa pagbalik mo, at anim na taon kong sinusulyapan ang mga bituin, ang siyang kakaibang bituin sa kalangitan na siyang tinukoy mo noon nasa tabi pa kita, isang bituin oo nag-iisa lang ito...


....

Nag-Iisang BituinWhere stories live. Discover now