kabanata 8

25 19 1
                                    

"Hatid, Sundo"

Ashley Pov:

*
"Anak!!"
"Ashley!" Tawag sakin ng aking ina na siya namang bumulabog saking masarap na pagkakatulog, "ano ma? Aga-aga pa eh" sambit ko bago muling nag talukbong ng kumot, masyado pa namang maaga,

"May nag aantay sayo sa labas kaya bumangon kana" muling sambit ni Mama saken na siya namang nagpagising ng diwa ko, agad ako tumayo upang silipin sa bintana ang kung sino man iyon ng masulyapan ko si Cedrick na nakasandal sa kaniyang kotse,

Whaaa... Seryoso siya ba yun? Nag kusot ako ng mata at muling sumulyap sa bintana, ng makitang nakatingin na ito sa gawi ko at ngumiti, mabilis ko namang inayos ang higaan ko at kinuha ang susuotin kong uniform, nagmadali din akong mag tungo sa banyo upang mag simula ng maligo,

Lumipas pa ang ilang minuto ng maihanda ko ang sarili upang bumaba, "Ma! Alis na po ako" Sambit ko kay mama na siya naman nag aayos ng pagkaen sa lamesa para sa agahan.

"Ohh! Hindi kana ba kakaen?" Siya namang tugon ni mama saken, habang nag aayos, "Hindi na Ma, sa school na po, bye" nag mamadali kong sambit, habang nag mamadaling lumabas ng bahay,

Bumungad naman saken ang kanina pang nag aantay na si cedrick, ako namang nahihiyang nag antay pa siya ng matagal para lang antayin pa ko "Good morning" Bati naman nito saken na may halong ngiti sa kanyang labi,

"Good morning din cedrick, Hhmm... Aga mo naman bumisita?" Siya naman sambit ko rito, di ko maitago ang siyang ngiti sa labi ko sa tuwing nasisilayan siya, siguro tama naman yung hinala ko na kaya siya narito para sunduin ako.

"Ok lang naman siguro sayo kung sabay na tayong pumasok?" Hindi nga ako nag kamali sa hinala ko, ganoon na lang ang pag tago ko sa kilig na nararamdaman mo, hindi ko ito matingnan sa gwapo niyang mukha dahil sa feeling ko ay namumula ako sa hiya

"Hhmm Ok lang naman" Mahinhin kong sambit na tila ay nahihiya ako rito, Sana laging ganito, nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang pisnge ko, para akong nawala sa sarili,

"Mukhang nag madali ka" feeling ko namula yung mukha ko sa ginawa niya, kasi naman nag mamadali ako kaya di ko namalayan na may tira pang pulbo sa pisnge ko. Ngumiti na lang ako ma may halong hiya.

"Ok, Tara na?" Anyaya nito bago ako pinag buksan ng pinto ng kotse niya, wow gentleman, tumango tango na lang ako bilang tugon,

Hindi pa kame nakakalayo ng masulyapan ko si Lisa na tila nag aantay sa daan ay saglit kong pinahinto si Cedrick upang isabay na samen ang aking kaibigan, huminto ito sa tapat ni Lisa

Bumaba naman ito upang pag buksan si Lisa "Wow gentleman, Salamat" Sambit ni Lisa dito, sa pag sulyap ko dito, bakas sa mukha niya ang nakakaAsar na tingin,

Ngumiti na lang ako dito bago muling tinuon ang sarili sa harapan,

*****

Nang makarating kame sa school ay nag paalam na ko sa dalawa upang mag tungo sa old building kung saan ay naroon ang room ko, ganoon din naman si Lisa na siyang nag tungo sa new building,

Habang nag lalakad ako sa hallway isang tinig ang siyang narinig ko saking likuran "Ashley wait" Sinulyapan ko ito ng si cedrick pala iyong tumatawag saken

"Old building ka din?" Tanong ko dito, tumango tango na lang ito saken bilang tugon niya.

Sa tagal nameng di nag kita kaya ba ganito na lang tila mabibingi ka sa katahimikan nameng dalawa, alam kong nahihiya siya, pero ganun din naman ako, after six year's malaki na pinagbago namen dalawa, masyado ng naging matured yung pag iisip namen.

Nag-Iisang BituinWhere stories live. Discover now