"Talent"
*
Nathaniel Pov:Matiyaga akong nag antay kay ashley sa hallway para sa pagsisimula ng aming practice para sa talent portion
Ilang saglit lang ng maaninag ko si ashley na palalapit sa direksyon ko kasama ang bestfriend niya
"Good morning, ano ready kana ba ashley?" Siyang tanong ko dito ng tuluyan itong nakalapit saken
Nag paalam na ito sa kanyang bestfriend at niyaya siyang mag tungo sa gymnasium para doon mag simula at mag start mag practice
Walang sino mang tao ng dumating kame sa gymnasium kaya agad na din namen pinag usapan ang talent ng bawat isa samen
Tila umaayon samen ang panahon dahil sa parehas kameng may talent sa pag kanta
"Pwede ko bang marinig yung boses mo?" Tanong ko rito upang marinig ang boses nito sa pagkanta
Pumayag naman siya at inihanda ang sarili sa pag awit, nag bugtong hininga ito at pumikit na tila nag aalis ng kaba
Hindi ko alam na may ganito siyang tinatagong boses ng magsimula itong kumanta
Pinanuod at pinakingan ko itong kumanta at siya namang napahanga ako ng putulin na niya ang pagkanta niya
Inumpisahan namen sa paghahanap ng isang kanta na pwede nameng gamitin
Dalawang kanta ang siyang pinagpilian namen na mas ok gamiting duets hanggang ngayon at say something
"What if say something then gawin nateng mash up na pwedeng bumagay dito, pagandahin na lang naten yung blending?" Pagbibigay idea ko rito na siya namang napaisip saking sinabi,
"Pwede!" Tatango-tango nitong tugon,
Seryoso siya sa ginagawa namen at ramdam ko yun' tila para sa kanya mahalaga itoNatapos ang halos tatlong oras sa paghahanap, pagbuo, at pag practice ng kanta at nag yaya na itong magbreak dahil din siguro nakaramdam na ito ng gutom.
Dahil sa tapos na yung break time ng mga estudyante at wala na din akong makakasabay , niyaya ko ashley sa cafeteria para sabay na din kameng mag break,
Sumama naman siya dahil din siguro wala na siyang makakasabay...
*
Ashley Pov:Nang matapos kameng kumaen ni Nathaniel agad naman kaming bumalik sa gymnasium hindi para mag simula agad kung hindi magpahinga muna
Naupo kameng dalawa sa hilira ng mga upuan nag magsimula itong magtanong tanong saken
"Hhmm... May boyfriend kana? Siguro naman oo yan karamihan sa magagandang babae meron" tanong nito saken na akin namang kinatingin sa kanya siya naman na napaiwad ng tingin saken
"Bolero ka din pala, wala pa pero may nanliligaw" nakangisi kong sambit dito
"So may pag asa pala" napakunot ako ng noo sa sinambit niya, hindi ko alam kung nagbibiro lang ba ang isang ito
Halos nung una ko siyang makilala suplado pero mabaet at bolero din pala ang isang ito
"Huh? May pag-asa" takang tanong ko rito
"Wala" Ngising sambit nito bago ituon ang sarili sa tila kawalan
Tuwing tititigan ko siya para palagi siya may problema siguro dahil sa hindi lang ako sanay sa kanya
"Ikaw siguro may girlfriend ka?" Pagbalik ko ng tanong saken
"Sa totoo lang wala, pero may gusto akong ligawan kaso may kahati ako dito" sagot naman nito saken na hindi man lang lumilingon sa gawi ko
Seryoso siya sa sagot niya
"Ganun, sino naman siya?" Muli kong tanong rito
"Malalaman mo rin kung sino pero hindi pa sa ngayon" Hindi agad ito umimik na halos isang minuto bago niya sinagot ang tanong ko
Pero hindi niya sinambit kung sino ito,
"Ex meron?" Napangisi ito sa tanong kong iyon,
"Meron, sabihin na nateng niloko niya ko" nagulat ako sa sagot niya na siya pa talaga yung niloko
Tila di halata sa pagkakakilala ko dito na sa halip isipin ko na siya ang nagloko pero siya pa talaga yung niloko
Hindi ko alam na niloloko din pala yung tulad niya, siguro dahil doon kaya iba ugali meron ang lalaking ito
"Ikaw talaga yung niloko ha, hindi halata, pero matanong ko lang bakit ka ba niya niloko?" Tila nag iisip ito sa tanong ko
"May iba siyang lalaki kahit kame pang dalawa, first girlfriend ko siya kaya naging mahirap na mas pinili niya yung lalaking pinalit niya saken kaysa saken na totoong nag mamahal sa kanya" natawa na lang ito habang sinasalaysay yung nangyari
May tinatago din palang sakit ng nakaraan ang tulad niya,
"Sakit naman noon, ok last na talaga ito, sino ba yung babaeng nangloko sayo?" Tumingin ito saken at ngumiti kaya bigla akong nailang sa kanya,
" si mitch" nagulat ako sa sinambit nitong pangalan,
Seryoso naging girlfriend niya ang malditang babaeng iyon? Siguro mabuti nang nangyari ang bagay na yun dahil sa hindi naman katanggap tanggap ang ugaling meton ang babaeng iyon
Hindi na ako muling nagtanong dito at pinag patuloy na lang namen ang pagpapractice...