"Sport Fest"
*
Ashley Pov:Ngayon gaganapin ang unang sport fest namen kaya maaga kameng pumasok ni Lisa dahil kailangan ko rin mag tungo sa gymnasium para sa gaganaping practice
Tumambad saken ang mga estudyanteng naki'isa sa gaganaping Mr. And Ms. Sport fest
Nguti't napansin kong wala pa si Nathaniel kaya naupo ako sa isang gilid, ilang minuto pang lumipas nguti't wala pa rin siya
Dumating na si Mrs. Faith ang aming adviser na kung saan ay siya ang naka tokang mag handle sa gaganaping sport fest nguti't hindi pa rin dumadating ang mokong na Nathaniel na yun,
"Ok Guy's, andito na ba ang lahat ng mga kasali sa Mr. and Ms. Sport Fest?" Bungad na tanong ni Mrs. Faith
Samantalang hindi pa rin akong mapakali sa pag padyak ng aking isang paa dahil sa pag aantay sa lalaking iyon,
"Ohh! Ms. Ashley asan na si Mr. Nathaniel?" Nagulat ako ng bigla ako nitong tanungin kaya hindi agad ako nakaimik dito
Balak ko na sanang magsalita ng biglang pumasok si Nathaniel, sinalubong ako nito ng isang malaking ngiti
"Mukhang tama lang yung dating ko" sambit nito bago pa mag simula si Mrs. Faith sa mga kailangan sa Mr. And Ms. Sport fest,
At gaya ng inaasahan ko, hindi mawawala ang modeling and talent portion na kung saan ay siyang hindi ko niminsan hinangad kaya ganoon na lang ang kabang nararamdaman ko
Samantalang mukhang karamihan sa kasali ay sanay sa ganitong pagtatanghal, maging itong si Nathaniel
Natapos ang pagpupulong at lumisan ang lahat sa gymnasium para mag tungo sa kanikanilang klase,
"Oy ashley! May lakad kaba tomorrow?" Sambit ni Nathaniel habang sabay kameng patungo sa room namen
Nagtataka naman ako kung bakit niya ito natanong saken,
"Wala! Bakit mo natanong?" Tugon ko sa tanong nito, ngumiti ito saken na akin namang kinakunot ng noo,
Weird anong meron?
"Starting tomorrow mag iisip na tayo para sa talent portion nateng dalawa, mas maaga mas maganda diba?" Agad agad, pero tama naman siya mas ok na yung maagang mag simula,
Ganoong wala rin naman kameng masyadong gagawin dahil kailangan nameng paghandaan ng darating na sport fest, at isa pa excuse din ang lahat ng kasali sa Mr. And Ms. Sport fest
"Sure" Dumating kame sa room namen na walang pang teacher sa unahan kaya agad kameng naupo kung saan man kame nakaupo palagi
_
Cedrick Pov:
*
Nag lalakad ako sa hallway ng biglang tumunog ang phone ko saking bulsa agad ko naman itong kinuha para tingnan kung sino itong tumatawag sakenNabasa ko na agad ang pangalan ni dad kaya naman at sinagot ko agad ito,
*Phone call*
"Hello dad, oh bakit ka napatawag?" Agad na tanong ko rito
"Magkakaroon ng isang out of town meeting this friday at kailangang kasama ka" sagot ni dad saken
"Sorry dad pero di ako makakasama this friday, alam mo namang may sport fest akong kailangang daluhan" iyon kasi ang araw kung saan gaganapin ang mr. and ms. sport fest na kung saan ay isa si ash sa mga ms. Sport fest kaya agad kong tinanggihan si dad
"No Cedrick!!! Ang lahat ng ito ay mababaliwala kung wala ka roon, at isa pa ikaw ang isa sa mag mamana ng kumpanya naten kaya dapat alam mo ang lahat" sumbat nito saken
"Sorry talaga dad pero ang mundo ko ay hindi iikot sa iisang lugar lang kung hindi sa gusto kong tahakin na landas, bye" tugon ko rito at agad binaba ang phone...
*
Ashley Pov:Natapos ang isang nakakabagot na araw dahil sa wala man lang pumasok sa utak ko, dahil hindi ako makapag focus ng maayos pag dating sa mga lessons.
Ang weird talaga ng araw na to
"Ash!!" Isang boses ang nangibabaw sa lakas ng pagkakasambit nito sa pangalan ko, hindi naman ako nag kamali sa hinala ko ng sumilay sakin ang kaibigan kong si Lisa
Mabilis itong nag lakad patungo sa deriksyon ko "Napaaga ata labas mo ngayon ahh?" Salubong na Sambit ko rito ng makalapit ito saken
"Dismiss yung last subject namen ewan kung bakit so saan tayo ngayon?" Mabilis nitong sambit na may halong ngiti sa kanyang labi
"Papunta sana akong cafeteria para doon ka antayin eh, ikaw saan mo gustong magpunta ngayon?" Agad kong tanong dito agad naman niya kong hinila palabas ng iskwelahan at mabilis ng lakad
"Teka saan tayo pupunta?" Muli kong tanong sa kanya,
"Di ba tinanong mo ko? Syempre sa mall marerelax" tatawa tawa nitong sambit saken,
Hindi na ko muling umimik at hinayaan siya sa gusto niyang puntahan, lumipas din ang ilang linggong hindi kame nagkabonding nito,
-----
Lumipas pa ang ilang oras ng hindi namen naalala ang oras tila nag didilim ng sa labas,
Kaya niyaya ko na si lisa umuwe dahil sa maggagabi na din,
"Lisa? Baka gusto mong umuwe gabi na oh madilim na sa labas" anyaya ko rito, hindi na ito nag pumilit kaya agad naman itong sumunod tumango tango bilang tugon niya
Agad naman kame umalis sa mall para agad umuwe!
"Teka best, kamusta naman kayo ng boyfie mo?" Tanong na siyang nag pagulat saken
"Boyfie ka diyan, sira hindi pa kame no" ano ba iniisip ng isang ito, kahit kelan madumi utak ng isang ito
"Oh! Bakit ganyan ka makatingin? Wala pang kame kaya wag kang ano diyan lisa" muli kong sambit dito
"Defensive" tatawa tawa nitong asar saken, hindi ko na lang ito pinansin pa para hindi lumalim pa yung pang aasar nito saken
"Eh kamusta nga pala yung about sa sport fest ash?" Tanong niya saken ng maalala ko ang sinabi ni nathaniel na bukas na kame mag uumpisa
"Ayon mabuti at bukas mag start na kame para sa talent portion namen ni nathaniel" sagot ko rito, tila naman nag iba ang aura niya ng marinig niya ang pangalan ni nathaniel,
"Oh bakit ganya ka makatingin saken?" Tanong ko rito
"Wala lang! Hhmm. Good luck bukas so pano mauna na ako" paalam nito saken at nag beso pa siya bago umalis
Isa lang naman meron akong talent, ang kumanta, kung parehas kameng marunong kumanta big deal to para samen,
Hayy! Sa halip na isipin ko pa yun ay Muli akong nag patuloy sa pag lalakad para makauwe na agad ng bahay
Hindi ako excited para bukas........
_____