"Feeling Worry"
Ashley Pov:
*
"Krriiiinnnnnggggg" ilang beses pag tunog ng aking alarm, bahagyang minulat ko ang aking dalawang mata para patayin ang siyang umaabala sa aking pag tulogBumangon na din ako mula saking higaan nakahit tamad na tamad ako ngayong araw na ito ay wala akong magagawa dahil kailangan kong pumasok sa school
Hindi na ako nag abalang bumaba para kumaen ng umagahan bagkus nag sinimulan ko ng ihanda ang aking sarili para magtungo sa school
"Ma! Papasok na po ako" sigaw ko mula sa papalabas ng pintuan,
"Ohh! Hindi kana ba mag uumagahab nak?" Pahabol na sambit ni mama, dahil sa nag mamadali na rin ako para daanan si Lisa ay hindi na ko nag umahan pa
"Hindi na po Ma! Sa school na po, Bye Ma!" Sigaw ko at agad nag madali sa pag lalakad
Masarap talagang mag lakad lakad sa ganitong oras sa umaga dahil makakalanghap ka ng sariwang hangin at mararamdaman mo yung lamig ng hangin sa tuwing dumadampi ito sayong balat
Sa di kalayuan ay nasulyapan ko si Lisa na siyang nag aantay sa tabi ng daan, kinawayan ko ito ng makita ako nitong papalapit rito
At sinalubong ako nito ng isang magandang ngiti sa kanyang labi,
Alam kong maaga pa pero dahil sa maaga kame ni Lisa ngayon ay naisip nameng dumaan sa Starbucks malapit lang sa school namen para doon mag umagahan
"Oy Ash, oo nga pala baka hapunin pa kame mamaya dahil maiiwan kame ng mga kagrupo ko sa school para sa gagawin nameng Survey para sa project namen kung hindi mo ko maantay pwede ka namang mauna na saken" sambit nito habang omu'order ng Coffe at Breakfast
Wala naman akong magagawa dahil sa alam kong busy naman siya para sa pag aaral niya,
Mabuti pa sila nag sisimula na sa pag gawa ng project pero kameng ito nganga paren at wala man lang pinag kakabusy'han
"Ganun ba, sipag talaga ng bestfriend ko" ngiti kong sambit rito bago kame lumabas ng Starbucks
Sa daan na lang namen na isip inumin ang coffee'ng dala namen habang patungo sa school para hindi malate
Habang nag uusap kame ay natanaw ko si Cedrick na nag aantay sa hallway kung saan madalas kong antayin si Lisa
Nag taka naman ako kung bakit tila nag aantay ito at kung sino inaantay nito doon
Nag paalam na rin saken si Lisa kaya naiwan akong mag isa na nag lalakad palapit kay cedrick
Nang masulyapan ako nito ay agad akong sinalubong ng isang magandang ngiti na tila ako yung inaantay niya
"Oh Ced, may inaantay ka ba?" Tanong ko dito para siguraduhin kung may inaantay nga na ito,
"Oo, ikaw talaga yung inaabangan ko" tugon naman niya na talagang nag abala pang mag antay saken
Pero mukhang may dahilan ito kung bakit niya ako inaabangan dito,
"Nag abala ka pa, may kailangan ka ba?" Muling tanong ko dito para malaman kung meron nga ba o wala,
"Free ka ba mamayang lunch?" Tanong niya saken, mukhang free naman akong mamayang lunch dahil sa magkakaroon ng isang malawakang sport fest kung saan ay isang linggo ito gaganapin
Mukhang mag kakaroon ng meeting ang lahat ng proctor para sa magaganap na iyon, vacant din kame sa last subject
"Oo, bakit?" Pabalik kong tanong dito para alamin kung bakit niya iyon naitanong,