"Messy Beauty's "
Ashley Pov:
Habang palapit ng palapit ang contest for Mr. and Ms. Sport fest mas hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko
Naalala ko nga palang hindi papasok si Nathaniel ngayon dahil may importante itong pupuntahan kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon araw
Naisipan kong mag tungo sa cafeteria para doon mag palipas ng oras,
Sa pag bukas ko ng pinto ng cafeteria ay bumungad saking harap ni cedrick na may hawak na coffee na may kasamang ngiti
"Wala kayong practice ng mokong na yun?" Bungad na tanong nito saken
"Wala" ngiti kong sagot rito, agad naman akong nag taka kung bakit hanggang ngayon andito pa siya ganoon kanina pang nag simula ang klase
"So mag isa ka ngayon?" Muli nitong tanong saken, tumango tango naman ako bilang tugon ko rito
"Sakto wala akong klase today, may pupuntahan tayo" mabilis nitong ininom ang coffee na hawak niya na parang malamig na tubig lang ito
Hinawakan niya ang kamay ko at nag lakad palabas ng cafeteria,
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko rito habang patungo kame sa may parking lot
"Basta ashley" tugon nito sabay ngumiti,
Hindi ko alam kung bakit tuwing ngumingiti siya saken ng ganyan parang nawawala yung pagod ko nitong nakaraang araw
Ganoon na din ang aking nararamdaman sa kanya,
Patungo ito sa deriksyon kung saan madalas kameng nag pupunta noon bata pa kame
Sa burol na nagbigay samen ng alaala at naging promise place nameng dalawa
"Anong meron bakit tayo narito?" Agad kong tanong rito ng bumaba kame sa kotse,
Wala akong alam kung bakit nga ba,
"Tumatanda kana talaga ash, tingnan mo yung date na nakaukit sa malaking punong iyon" agad kong nilapitan ang punong tinuturo nito ng mapansin ko ang nakaukit na june 14, 2012
Napaisip naman ako dahil kung bakit bigla kong naalala na july 14, 2018 ngayon
"Alam mo na ba kung anong meron ngayon? " sambit nito habang nakasandal sa kotse niya at nakatingin magandang tanawin
"Six years and one month of promise, friendship, or kung ano man yan" ngiti na may halok tawa kong tugon
Tumingin ito saken at humakbak hanggang sa makalapit ito saken
Inangat nito ang kanang kamay na wari'y hahawiin ang buhok ko ng bigla niya kong pitikin ng mahina saking noo
Bumalik sakin ang alaalang ginawa niya rin ito saken noon bata pa kame bago siya umalis at ang mga salitang
"Tanda yan ng paggalang ko at pag alay ko ng pag mamahal ko sayo" sambit nito na may kasamang ngiti sa kanyang labi