28. Why?

241 3 0
                                    

Why o Bakit sa tagalog... 
Mga tanong na palagi mong tinatanong kapag hindi mo na maintindihan..
Kapag nahihirapan ka nang intindihin ang isang bagay na hindi mo maintindihan. 
Mga tanong na kadalasan mo ring tinatanong 'pag pagod ka nang mag-isip masyado ng mga kasagutan sa mga tanong na paulit-ulit tumatakbo sa utak mo at pilit itong ginugulo. 
Bakit? 
Isang tanong na kala mo'y masasagot na lamang ng basta-basta pero hindi... 
Pilit pa ring ikinukubli ng tadhana ang katotohanan sa'yo. 
Bakit? Bakit nga ba ganito? Bakit kailangan pang malaman mo at magising ka nalang isang araw na dadating sa puntong may magmumulat ng mata mo na sa lahat ng oras na kasama mo ang taong mahal mo ay may itinatago pala siyang lihim sa'yo. Lihim na ang sakit ding matanggap.. Lihim na pilit mong tinatawanan dahil pilit mong pinapasok sa isip mo na "Ah, baka may maganda naman siyang dahilan.." o 'di kaya'y "Ah, baka sabi-sabi lang iyon." 
Oo, ang gulo di'ba? Yung tipong gusto mong pagsigawan sa mundo na hindi totoo ang lahat ng ibinabato niya sa iyo pero wala ka namang pinanghahawakang ebidensya laban dito kung hindi ang matatamis niyang "Mahal Kita."

Hmm... Siguro ganun nga talaga, ang hirap kong mahalin. Siguro ganun lang talaga, dapat palagi nalang akong namumuhay sa kasinungalingan at magugulat na lamang isang araw na ang lahat ng ito'y hindi totoo..

Hindi nga ba totoo?

Hinampas-hampas ko ang sarili ko dahil sa kung ano ano na naman ang naiisip ko. 

"Hays... Alamin mo muna kasi totoo bago ka diyan nagdadrama, Angelica. Sira ka din kasi eh, para kang tanga, nagdadrama ka parang kala mo namatayan ka." pagkakausap ko sa sarili ko. 

"Malay mo mahal ka naman talaga niya..." naluluha kong kausap sa sarili.

"OY ATE! ANO YANG PINAGAGAWA MO DIYAN? SINO KAUSAP MO? KANINA KA PA---ANG INGAY INGAY MOOOO!" natatawang sigaw sa akin ni Cloudy.

Hays. Talaga din itong kapatid ko eh. Expert na sa paninira ng moment. Tchhh. 

"Ano ba problema mo diyan ate?" nag-iba ang tono ni Cloudy.

"Wala.." pilit kong itago ng tawa ang lungkot na sumasakop sa akin. 

"Lul! Ate, anong wala? Style mo talaga bulok! Pabebe pa itong si ate... Ano nga kasi yoooon?" pangungulit niya. 

"Ayts, wala nga. Bata ka pa para sa mga ganitong bagay." natatawa kong sabi.

"Asut. Bata? Ate, nananaginip ka yata.. 17 na ako, malapit na akong mag-debut. Bata pa ba ako sa paningin mo ?" 

"Dali na kasi ate.. Hindi naman ako chismoso eh.. Tsaka minsanan lang 'to oh, magkapatid bonding, ayaw mo yun, hindi muna ako makakapaglaro."

"Pweeeaaassshhhhhh??" nagpuppy eyes siya.

Halatang concern naman. Siguro?

"Kasi...." 

"Kasi?" 

"Kasi Cloudy--- Buset kasi siyaaaa..." sabay hampas ko kay Cloudy at hindi na napigilang umiyak na naman.

"Sino siya? Si kuya Lance?" gulat na gulat niyang tanong.

"Oo, isa siyang malaking qaq*" naiiyak kong sabi.

"Grabe, nagmumura na si ate." natatawa niyang sabi.

"Eh kasiii namaaan.." pilit kong pinapahid ang mga luhang patuloy pa ring tumutulo. 

"Oh, anong ginawa sa'yo nun, ate?" concerned niyang tanong.

"Kasiiii...." naiiyak kong sabi.

"Ano?" 

"Ano kasiii...." hindi ko pa rin matuloy-tuloy ng maayos ang mga sinasabi ko dahil sa patuloy na pagpatak ng mga luha kong talo pa ang gripo.

"Ano nga yun ate, puro ka 'kasi' diyan eh." pagtataray niya.

Ang kyuuut. Hahaha.

"Ayun..." 

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nalaman ko at ang reaksyon na lamang niya ay gulat na gulat habang ako naman dito ay patuloy na umiiyak sa isang bagay na hindi ko mawari kung totoo ba o hindi.

"Ate.." 

"Hmmm?" pilit kong pahid sa mga luha kong nanunuyo na.

"Iyang mga sinasabi mo..." 

"Ano?" 

"Masyado namang imposible yan.. Sure ka bang totoo yan?" pag-aalala niyang tanong.

"Ewan ko Cloudy.. Oo nga eh, imposible.. Pero ewan ko uli..." 

Natahimik kaming dalawa.

Muli akong nagsalita.

"Cloudy kasi.. Paano kung totoo? Hindi ko kaya..." nalulungkot kong tanong.

"Ate, gaya ng sabi ko, imposible yun. Kung alamin mo muna kaya yung totoo bago ka nagdadrama diyan? Oh, nakapinsala ka ng ear drums kanina." pagpapatawa niya.

"Tologooo? Sumisigaw ba ako non?" pagtataray ko.

"Hindi, malakas kasi radar ko ate.. hahaha" natatawa niyang sabi sabay kamot sa ulo.

"Pero Cloudy... Sa tingin mo.. Totoo kaya yun?" pagtatanong ko.

"60% na Hindi at 40% na Oo." nakangiti niyang sagot.

Nalungkot ako.

"Oh bakit na naman ate?" pag-aalala niyang tanong.

"Paano kung totoo?" nanlalambot kong tanong.

"Ang kulit mo din ate, gaya uli ng sabi ko kanina na paulit-ulit ko nang sinasabi, alamin mo muna yung totoo bago ka magmoment ng todo diyan. Tsaka kung sakaling totoo, andito naman ako. Andito kami ni mommy. Andito ang bestfriend mong may kasaltikan din. Higit sa lahat, andiyan ka. Kung sakaling totoo yun, hindi naman hihinto mundo mo, hindi ka mamamatay. Oo, alam kong mahal mo siya, pero paminsan kailangan ding magparaya kung kinakailangan."

Natahimik na lamang ako at onti-onting na-iproseso sa aking utak ang mga sinabi ni Cloudy sa akin. 

Akalain mo yun, mas bata sa akin, nakakapagpayo ng ganyan. 

"Siguro nga tama ka Cloudy.. Dapat alamin ko muna." napangiti kong sabi.

"Salamat sa payo mo! Infairness himala 'to ah!" natatawa kong sabi. 

*Ding dong*

Owemjii. May tao, baka si mommy na.

Binilisan kong lumabas ng pinto upang buksan ang gate.

Pagkabukas ko.....

Hays. Si Lance lang pala.

"Magandang araw, mahal kong prinsesa! Mas maganda ka pa sa araw!" sabay kindat niya. 

"Walang pasok ngayon. Sabado ngayon." walang gana kong sabi.

"Oo alam ko, baka nakakalimutan ng pinakamamahal kong babae na manunuod tayo ng sine?" 

"Ummm.."

"Magbihis kana, hihintayin kita." nakangiti niyang sabi.

Wala nalang akong nagawa kung hindi nagbihis nalang din at nagpaalam kay Cloudy na lalabas kami ni Lance. 

Sa una, parang ayaw akong payagan ni Cloudy pero siguro nga naisip niya rin na isa rin ito sa maaaring paraan na malaman ko ang totoo. 

Ang hirap pala. Ang hirap pala ng kasa-kasama mo siya ng may kirot at galit kang nararamdaman pero unti-unting nawawala dahil mahal mo nga.

Buseet, anong kalokohan ba ito?

-pagkalipas ng ilang minuto-

So andito na nga kami.. Bumili na siya ng ticket. Ang movie na kanyang pinili ay love story daw. 

Eww. Move mong bulok. 

-Sa loob ng sinehan-

Bigla na lamang niyang hiniga ang aking ulo sa kanyang balikat.

Sana totoo 'to. Alam kong parang panggap lang ito.. Pero... Tadhana naman oh, nagmamakaawa ako, huwag mo na siyang kunin sa akin.

-Pagkatapos ng Sine-

"Mahal.."

Naisipan ko siyang itanong kung kaano-ano niya ba yung Yvan na yun.

"Oh?" nakangiti niyang sagot.

"Kilala mo ba yung si Yvan?" 

Natahimik siya.

"Oo, bakit?" 

"Wala lang.. Gaano kayo kaclose?" 

"Slight lang dati." 

"Kaano-ano mo siya?" 

"Ah.. Hahaha ka-section ko sya dati sa IV Armagaddon." 

Kaklase/Ka-section? Papaniwalaan ba kita?

"Ah okay... Inadd niya kasi ako sa Facebook dati." palusot kong sagot.

"Okay..." nag-iba ang tono ng kanyang boses. 

Parang may tinatago talaga siya :(

Does it mean totoo ang lahat? Does it mean... Hindi niya talaga ako mahal?
Bakit? Bakit ko pa ba kasi matanong..? Baka masaktan lang din naman ako neto, hindi ko man lang iniisip. Hayss. Ang tanga tanga ko din kasi talaga. Wala eh, mahal ko.. Kaya siguro... Hindi ko pa rin talagang kayang paniwalaan ang lahat.. Kasi.. Sabi niya mahal niya ako eh.. Sabi niya hindi niya ako sasaktan.. Diba? Diba kasinungalingan lang naman yung nalaman ko? 

----TO BE CONTINUED----

Diary Ng Mga N.T.I.(Nagmahal Tapos Iniwan) {ONGOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon