#Chapter One(Part 1)

1.6K 23 0
                                    

*kring kring*

"Aish naman! Panira ng tulog.. umagang-umaga may tumatawag!" bulong ko sa sarili.

Tinignan ko ang phone ko. Pagkatingin ko biglang.. 

09********* calling

Sinagot ko ang tawag kahit na medyo tinatamad pa ako.

"Hello? Sino toh? Anong kailangan mo? Umagang-umaga tumatawag ka? Hndi mo ba alam naistorbo mo yung tulog ko ha?!"  naiinis kong sabi.

"Gelica..

Nakaramdam ako ng kaba at takot nang marinig ko ang tinig na iyon. Teka, parang pamilyar ang tinig na yun ah? Posible kayang ex ko yun? Ay shemaks. Kinakabahan na tlga ako dun ah?!

"Gelica, si Jake toh" bigla nyang sabi.

"Andrew Jake? WTF!" nagulat kong sabi.

"Oo, ako toh.

"Ay, napatawag ka? Buhay ka pa pala? Kala ko ba nilibing kana? O to the M to the G. Wag mo sabihing minumulto ako?" natatawa kong sabi.

Nagkaroon ng katahimikan...

"Ano? Bakit napatawag ka ng ganitong oras?! Bakit, narealize mo na ba yung 'IMPORTANCE' ko? Bakit, tumawag ka ba para balikan ako? Para lokohin uli ako? Oh please, huwag ako iba nalang. May iba na akong mahal. At matagal nakong naka-move on sayo. Naging inspirasyon ko pa nga yata yang pangloloko mo para makalimutan ka eh. Kaya iba na lang ang lokohin mo at huwag ka na magparamdam uli kasi wala ka lang mapapala. Bye!"

Binabaan ko agad siya at hindi na pinagsalita muli. 

Nakamove-on na nga ba talaga ako sa kanya? Masagot man o hindi ang katanungan ko... Isa lang ang alam ko.. Nagmahal ako ng sobra, iniwan, at nasaktan nang sobra. 

"NAAKK!! UMAHON KANA DIYAN SA KAMA MO!! MALELATE KANA SA SCHOOL! FIRST DAY MO PA NAMAN!" sigaw ni mommy.

"Opo.." sabi ko.

Naligo na ako at bumaba upang kumain. Kumain ako nang mabilis dahil baka wala na akong maabutan sa school.

"Mommy, Aalis na po ako.. Bye" 

"Sige... Ingat ka anak." sabi ni mommy.

Naglakad na ako nang mabilis papunta sa school. Oo, naglakad. Kasi malapit lang yung bahay namin sa school. Halos ilang metro lang ang nilalakad ko. Sayang din kasi ang pera kung magcocommute pa ako. 

Naglalakad na ako papunta sa classroom nang biglang may nakabangga sa akin.

"Huy! Ano ba, ang luwag-luwag ng daanan tapos nakaharang ka sa dinadaanan ko?!" galit niyang sabi. 

"Ako nakaharang? Uy, kuya, FYI lang ha, hindi sayo 'tong daanan kaya wag kang magsalita nang parang ganyan. Tsaka nga, ako dapat nagsasabi niyan sayo. Kasi ang luwag-luwag na nga ng daanan, nabangga mo pa ako!" inis kong sabi.

Nagtuloy-tuloy siyang naglakad nang walang sinabi. 

Aba, bastos ah? Kinakausap mo pa tapos biglang magwowalk-out? Bastusan ba?

Tumuloy na rin ako sa classroom ko.

"Ms. Cruz, napaaga ka yata?" natatawang tanong ni mam.

Yan nga pala si Ma'am Rosy

"Sorry po, ma'am. " sabi ko.

"Okay, class, dahil first day of school niyo ngayon, you will introduce yourselves." nakangiting sabi ni ma'am. 

"Okay, let's start with you, Ms. Cruz!" sabi ni ma'am. 

"A-ah... Ma-ma'am, a-ako po?" natataranta kong tanong.

"Yes, Ikaw lang naman ang Ms. Cruz dito hindi ba?" pagtataas ng kilay ni Ma'am.

"Hehe. Ma'am.. S-sige na nga po" natatawa kong sabi.

Diary Ng Mga N.T.I.(Nagmahal Tapos Iniwan) {ONGOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon