18. Every Pain Inside

450 12 0
                                    

Nagising na lang ako sa isang lamesa. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako kanina sa lamesa. Nagising ako nang may biglang tumunog ang cellphone ko.

"Loving can hurt~"

Sa bawat liriko ng kantang iyon ay hindi ko namalayang pumapatak na pala ang aking mga luha.

"But it's the only thing that makes us feel alive~"

At sa bawat liriko din ng kanta ay naaalala ko ang isang taong tinitibok ng puso ko at dahilan din kung bakit ako umiiyak, nasasaktan, at nahihirapan.

"So you can keep me, inside the pocket of your ripped jeans.. Holdin' me closer 'til our eyes meet and I won't ever let you go~"

"And if you hurt me, well, that's ok baby.. Only words bleed"

Sa mga lirikong naririnig ko ay hindi ko maitigil ang pagpatak ng luha ko. Siguro relate lang sa kanta.

Masakit kasi eh. Masakit magmahal. Maaaring sa simula ay masaya, pero sa dulo ay hindi. Sabi nga ni Ariana Grande, 'Pain is just a consequence of love'.

At oo, it really is. Wala naman sigurong nagmamahal nang hindi nasasaktan. Kung gaano mong mahalin ang isang tao ganun ka rin masasaktan. Pero, despite everything... Lahat naman tayong mga nagmamahal ay naging masaya rin naman, diba? Ang madalas nga lang na problema sa atin ay nagiging martyr tayo. Kahit na alam na nating masakit, minamahal pa rin natin ang mga taong minsan nang tinibok ng puso natin.

Tapos na ang kanta. Habang naglibot muna ako sa mini-library ko sa kwarto ay onti-onti kong narerealize na...

Ringtone pala yun ng phone ko?! Hala! Bakit hindi ko namalayan? Bakit nakalimutan ko? Aish! Angelica!

Dali-dali kong hinanap ang cellphone ko para alamin kung sino ang tumawag.

Si Xandria pala. Ang bestfriend kong lagi akong dinadamayan.

Tinawagan ko si Bheshy.

"Hello, bheshy?"

(Oy! Angelica! Ayos ka ding babae ka ha?  Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko kanina?)

"Ah.. Eh.. Kasi.."

(Ano yun?)

"Ang ganda ng ringtone ko bheshy eh"

Natawa nalang ako sa mga pinagsasasabi ko.

(Tskk.. Nagpapatawa pa eh?)

"Oo nga. Kung alam mo lang na nag-emote pa ako kanina nung narinig ko yung ringtone tapos tumatawag ka pala"

Natawa nalang ako nang bahagya sa'twing maaalala ko yun.

(Baliw ka talaga kahit kailan. Ganun ba talaga bheshy kapag brokenhearted? Mag-eemote bigla sa isang kanta tapos hindi namalayan o naisip man lang na ringtone niya pala yun?)

Natawa na lang ako sa sarkastiko niyang sinasabi.

(Pero... Kamusta na? Anong pakiramdam mo ngayon? Kamusta ang pakiramdam na hindi mamalayang ringtone mo pala ang tumutunog? Hahahaha)

"Ayun. Nakakatanga. Nakakatanga kasi ang tanga ko" natatawa kong sabi.

"Pero kung matatanong mo kung kamusta etong nasa dibdib ko na iisang tao lang ang itinitibok, aminin ko man o hindi.. Masakit. Oo, sobra, bheshy"

(Ok lang yan Angelica, ano ka ba! Wag mong iyakan ang isang taong hindi naman deserving. Hindi naman sa hindi talaga deserving. Pero he's not worth crying for)

"Eh sa mahirap eh.. Anong magagawa ko eh, minahal ko na siya?" seryoso kong sabi.

(Ok lang naman magmahal. Pero ang maging martyr, hindi)

Natamaan yata ako sa sinasabi nitong babaeng 'toh ah? Ano nakain nitong si Xandria at ganun kasakit yung mga binibigay niyang advice? Este patama?

" D*mn it! Oo na..  Martyr na! Pero wala namang masama sa pagiging martyr kasi yung kupido may kasalanan. Kasi kung hindi pinana yung puso ko sa maling tao, edi sana hindi ako nasasaktan nang ganito!"

"Pero wala na eh. Sanay na rin naman ako.."

(Shhh..  Wag ka nang iiyak, baby)

"Baliw! Hindi ako sanggol" natatawa kong sabi.

"Pero hayaan mo bheshy. Kapag nakamove-on ako, ililibre moko ng starbucks hahaha"

(Oo, starbucks na may daga na toppings)

"Ay? Grabe bheshy?"

(Joke lang hahaha)

('O sige.. Mukhang kailangan ko nang bumalik sa dapat kong balikan. Pero huy Angelica ha? Paalala kong muli.. Wag mo nang pagpipilitan kung sobrang sakit na)

Natahimik ako nang bahagya.

" Grabe may hugot pa? Pero Ok.. Sige.. Ingat ka ah? Bye. Alabyu"

(Same to you. Don't you worry, bheshy.. There'll be more hugot to come. hahahaha. Sige bye)

Binaba na niya ang tawag.

Kaya ako eto, balik naman sa paghahanap nung libro.

Habang hinahanap ko yung libro..
Napaisip-isip ako sa mga sinabi sa akin kanina ni Xandria. Kahit tagos dito sa puso eh, may point naman siya. Na kung nasasaktan na eh, huwag nang ituloy.

Diary Ng Mga N.T.I.(Nagmahal Tapos Iniwan) {ONGOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon