34. Miyuhan's Birthday

206 5 4
                                    

Nilakad ko nalang papuntang bahay nila Zack dahil magkalapit lng naman ang mall na binilhan ko ng regalo at ang bahay nila Zack.

Tinignan kong yung orasahan.

'7:30PM'

DAMN SH** I'M ALREADY LATE!!!

Agad agad akong nagdoorbell.

Lumabas si Zack at nang nakita niya ako'y napangiti siya na para bang nakakita ng milagro.

"Lance!! Dumating ka!"

"Syempre naman." pilit kong ngiti.

"Kala ko hindi ka na darating." pag-aalangan niya.

"Hinihintay ka na ni Angelica sa loob." natatawa niyang sabi.

"Paree namaaan!"

"Nagtatampurorot pa nga yon eh" natatawa kong sabi.

"Ayy.. Hahaha kaya mo yan pre! Onting lambing lang.." kumindat siya.

"Oh siya, siya. Tara na sa loob!" pag-aya niya.

Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang simpleng handaan para sa kapatid ni Zack.

Ang cuuute ng kapatid niya.

"Happy birthday, Miyuhan!" nakangiti kong sabi sa kanyang kapatid sabay abot ng regalo.

"Salamat po!" ngumiti rin siya.

Lumingon na ako upang magtungo sa kung saan nang..

"Ano pong pangalan niyo?" bigla niyang tanong.

Tumingin ako muli sa kanya.

"Lance." nakangiti kong sabi.

"Okii, salamat po kuya Lanceee sa pagbisita at pagregalo!" nagagalak niyang sabi.

"Walang anuman." ako'y ngumiti.

Muli na akong naglakad lakad sa kung saan para hanapin siya.. 

Sino pa ba? Edi siya.

Maliit lang naman ang tahanan nila Zack kaya madali ko lang sigurong mahahanap si Angelica.

Hindi pa lumalagpas sa sampong minuto ay agad ko nang natanaw ang aking sinisintang baka naagaw na nga ng iba.

Pero haaays.

I won't ever give up.

And it's a promise.

There's no turning back..

Nang makakita ako ng bakanteng upuan sa kanyang tabi ay agad agad akong pasimpleng umupo.

Lumingon siya.

"Adria--" naputol ang kanyang sasabihin nang makita niya ako.

"LANCE?!" galit na gulat niyang sabi.

"Yes?" kumindat kindat ako.

Siyempre, pampa-pogi points para makuha uli kita. Hakhakhak.

"Bakit ka nandito?" bumalik uli sa pagiging cold ang kanyang boses.

"Bakit, masama ba? Eh gusto ko eh.." pilosopo kong sabi.

"Gusto ka ba?" pamimilosopo niya.

"Oo naman.. Kaso ayon, nagpapakipot. Tampurorot daw muna hehe."

Naningkit ang mata niya nang parang galit sa akin.

"Oh bakiit?" tanong ko sa kanya.

"Kung iniisip mong ma--" pinutol ko ang sinabi niya.

Diary Ng Mga N.T.I.(Nagmahal Tapos Iniwan) {ONGOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon