19. Sudden Confession

375 21 0
                                    

Naglalakad ako nang may pakiramdam ako na may humahabol sa akin. Naglakad pa rin ako nang biglang...

May humawak ng braso ko..

"Angelica" pagtatawag niya sa pangalan ko.

"Kausapin mo naman ako please?" malungkot niyang sabi.

Hindi sana ako haharap sa kanya. Pero automatiko akong napaharap sa kanya.

Nakikita ko ang matinding kalungkutan sa mata niya at nasasaktan ako habang pinagmamasdan ang kanyang mukhang punong-puno ng malungkot na emosyon.

Hindi ako nagsalita nang humarap sa kanya.

"Bakit ba hindi mo na ako pinapansin, Angelica? Ano bang nagawa kong masama?" nalulungkot niyang tanong.

"May problema ka ba saken, Angelica?" nakasibangot pa rin siya.

"Lance.."

"Ano Angelica? Sagutin mo mga tanong ko please"

Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.  Naramdaman ko na sumasakit na ang aking mga mata. Na parang gusto nitong umiyak.
Pero hindi pwede! Nasa harapan ko siya. Mamaya ka nalang dumaloy, 'o aking luha!

"Oo may problema ako sa'yo" pilit kong sabi na parang walang gana at pakialam.

Namalayan ko nalang bigla na may pumapatak na luha sa aking mga mata kaya tinalikuran ko siya at pinilit tumakbo palayo ngunit..

Hinawak ni Lance ang aking kamay upang pigilan ako.

Nanatili pa rin akong nakatalikod dahil ayokong makita niya akong umiiyak at nasasaktan.

"Ano yun?" seryoso niyang sabi.

Automatiko akong napaharap sa kanya. Ewan ko ba pero... Nakakahiya talagang makita niya akong luhaan kaya nakayuko akong humarap sa kanya.

"Angelica! Please... Sabihin mo.. Kung may mali man ako, aayusin ko para sayo"

Tuluyan pa ring pumapatak ang aking mga luha at napansin na niyang umiiyak ako.

"Ang problema ko sa'yo?"

"Problema ko sa'yo ay bakit nahulog ako! Nahulog sa taong tulad mo na hindi naman ako kayang suklian. Sa taong tulad mo na maalaga pero may iba palang mahal. Problema ko sa'yo? Problema kong minahal kita. Minahal kita kahit na bestfriend kita. I'm such a fool to fall inlove with my bestfriend! I'm such a fool to love a person who could just love me as a bestfriend! And I'm such an idiot to continue loving him even if it hurts so much here" naiiyak kong sabi at tinuro ko ang dibdib ko.

"But you know what? Kahit na iniiwasan ko siya... Mahal ko pa rin siya. Kahit iniiwasan ko siya... May pakialam pa rin ako sa kanya kahit na--"

"Shhh.. Tama na" pagputol niya at pagtatahan sa akin.

Pinahid niya ang mga luha sa aking mata..

"Ano nga pala uli yung sinabi mong.. Mahal mo?" nakangisi niyang tanong.

"Wala" tipid kong sagot.

"Sus.. Sabi mo.. Mahal mo yung bestfriend mo?"

"Tsaka.. Sino nagsabi na hindi ka mahal nung taong yun at may iba siyang mahal?"

Napatingin ako sa kanya. Dahil hindi ko siya maintindihan. Nakakagulo ng utak.

"Mahal niya ako pero bilang kaibigan lang" tipid kong sagot.

"Sino nagsabi?" nakangisi niyang tanong.

"Ako.. Sino pa ba?" sarkastiko kong sagot.

"Tskk.. Hindi mo man lang siya tinanong kung mahal ka rin niya...?" sumibangot siya muli.

"Anong ibig sabihin mo?" nagtataka kong tanong.

"Malay mo torpe lang yung taong sinasabi mong mahal mo" nakangiti niyang sabi.

His smile. Angelic smile na lagi kong gustong tignan.

"Huh?" nagtataka pa rin ako. 

Nagtataka ako sa mga nangyayari. Nalilito na ako!

"Pero wag mo ring iisipin na hindi ka niya kayang suklian. Kasi mahal ka niya. Hindi mo lang alam.."

"M-mahal mo rin--" hindi ko natuloy ang aking sinasabi dahil pinutol niya ito.

"Oo, ikaw lang at wala nang iba pa."

Inilapit niya ang kanya mukha. Hinawakan ang aking pisngi at dinikit ang kanyang noo sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ng puso ko.

A/N: Hello poo!! Sorry po pala sa matagal na hindi pag-update.. And umm... Maraming salamat po sa lahat ng nag-add nitong story sa reading list nila at sa mga nag-vote din po.. Dahil po sa inyo mas naiinspire pa po akong ituloy itong storya. Ayun lng po... Salamat po uli :) I appreciate your efforts an everything ^_^

Diary Ng Mga N.T.I.(Nagmahal Tapos Iniwan) {ONGOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon