03 Retail Therapy

2K 143 19
                                    

Present Time
Beverly Hills

"Hun, okay ka lang ba?"

Hindi ko alam kung ano isasagot ko kay Jake. Kasi ang alam ko, simula nung nakita ko si RJ kanina, hindi na ako mapakali.

"Yeah. I'm fine."

"Fine? You've been acting kind of weird eversince we left the cafe this morning."

"Okay nga lang ako."

Hindi ako okay. Yun ang gusto kong sabihin. Lahat ng ginawa kong mali, lahat ng katangahan ko, humahabol na sa akin. Akala ko pa naman naka-move on na ako.

"Simula kasi kanina pagkakita natin sa ex mo, eh, ganyan ka na."

"Hun, I just want to go shopping. We're in Beverly Hills. Tsaka may jetlag pa ako. I can feel a little off."

Nagulat na lamang ako nang bigla niyang iabot ang isa sa debit cards niya sa akin, sabay halik sa pisngi ko.

"There's 1.2 million dollars in there. Don't spend it all in one place, hun. Enjoy shopping. Kailangan ko lang bumalik sa room. I have to prepare for tonight sa meeting."

Tinignan ko ang kanyang mga mata at mga labing nakangiti. Alam ko sa sarili ko na mahal ko si Jake.

Pero hindi tulad ng pagmamahal ko kay RJ.

"Thank you, hun. Balik na ako sa baba."

Hinalikan ko din siya sa pisngi at pilit binigyan ng isang matamis na ngiti nang hindi ako nahahalata na may tinatago. Bakit ba kasi ngayon pa? Bakit nagparamdam si RJ kung kailan malapit na ako ikasal.

Nakaikot ako sa Beverly Hills shopping district ng walang nabibili. Bawat pasukin ko kasing shop, si RJ ang naaalala ko. Victoria's Secret, Prada, Armani, maski yung Ramen place nila, siya pa rin ang pumasok sa isip ko.

Ano nga bang nangyari sa atin? Ano nga bang nagawa ko? Ano nga bang nagawa mo? We tried, right? We really did.

Hindi ko malaman ang susunod kong gagawin kaya naman pumasok na lang ako sa Louis Vuitton para mamili ng bag. Bagong bag nanaman para lang masabi kay Jake na may nabili ako. Lagi ko namang ginagawa pag guilty ako sa isang bagay.

"Ma'am, what would you like?"

Pagpasok na pagpasok ko ay inaabutan na ako ng champagne ng saleslady. Doon ko nakita ang isang bag na parehong pareho ng kanya. Tandang tanda ko pa kung saan niya ginamit.

Hong Kong.

"That one miss. I want that in white."

A hundred fifty thousand dollars. Maliit na bagay para di malaman ni Jake na distracted ako sa pagkakakita kay RJ.

"We'll have it ready in a minute."

Di ko alam kung bakit pero nairita ako sa mukha nung babae. Palibhasa kamukha niya yung ex ni RJ. Yung pinakita niya sa akin bago niya sinabing mas maganda ako. Mas maganda naman talaga ako.

Pagbalik sa hotel, ipinaakyat ko muna sa room service ang bag na dala-dala ko at nag-ikot sa lobby. Ayoko kasing abutan si Jake sa kwarto hanggat di pa nagsisimula ang meeting niya. Malamang sa bukas na naman kami magkita.

Umupo ako sa lounge. Nagkape. Nag-isip.

Mahal ko pa ba siya? Nag-move on na ako. Kaya nga ikakasal na ako diba? Pero tama ba ang desisyon ko? Tama ba na kay Jake ako ikakasal? Nagulat na lang ako nang biglang mag-vibrate ang telepono ko.

"Hun, I'm in the meeting na. It'll be a while. You might as well have dinner later wirhout me."

"Ok."

Ilang beses ko idadagdag sana ang I love you ngunit di ko nagawa. Hindi ko naman maintindihan kung bakit. Doon na ako tumayo at naglakad papunta sa elevators pabalik ng kwarto.

"Hold the elevator please."

Isang lalaking nagmamadali ang sumigaw kaya naman dali dali kong pinindot ang hold button. Nakapasok na siya nang magsimula na muling sumara nag mga pinto at doon ko lamang napagtanto kung sino ang pumasok sa loob.

It was him.

"RJ?"

"Maine?"

"Dito ka din naka check in?"

"Yes."

Di ko alam kung ano susunod kong sasabihin ngunit nakaharap na ako sa kanya. Doon ko narealize na hindi pa siya namimili ng floor kung saan siya bababa.

"Anong floor mo?"

"24th. Doon ka din I suppose? Yun lang nakailaw at ikaw lang naman nandito."

"Yes."

Short responses. I feel like I could get through this elevator ride. Ang pinakamabagal na elevator ride sa balat ng lupa.

"Why Jake?"

Nagulat ako sa tanong niya. Tinignan niya ko ng masinsinan. Halata sa kanyang mga mata ang inis at lungkot.

"It's been 5 years."

"Oo pero, tangina, sa dami dami ng lalaki, bakit siya?"

Hindi ko alam isasagot ko sa kanya. He was there? He wasn't. Feel ko lang na siya ang sumalo kahit alam ko na nag-take advantage siya ng sitwasyon.

"He was there."

"Ikaw nakipag-break."

"He caught me."

"I fought for you. You left me."

"What do you want me to say? I don't love him? Because I dont!"

Napasigaw ako. Hindi ko alam bakit yun ang nasabi ko. Nagulat na lamang ako sa sumunod na nangyari.

Nakadikit na ako sa glass ng elevator. Hawak niya nag mukha ko habang ako'y nakapikit, ramdam ang apoy ng kanyang halik sa aking mga labi.

He kissed me.

I still love him.

--------------------------------------------------

Note to readers:
I don't condone cheating so please, in real life situations, don't ever do it.

Unsteady (COMPLETED | An #imaginepamore MAICHARD fanfic spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon