21 Wake Up

1.4K 86 9
                                    

Present Time

Nagising ako bigla at napabangon sa loob ng isang hindi pamilyar na kwarto. Maganda ang kwartong kinagisnan ko. Malambot ang kama at masarap sa pakiramdam ang mga kumot na parang nasa isang mamahaling hotel.

Tumayo ako, kinuha it isunuot ang robe na nakapatong sa ottoman sa harap ng kama at lumabas ng kwarto. Bumungad sa akin ang mabangong amoy ng bacon na pinipirito at agad kong nilapitan king saan iyon nanggagaling.

Pagdating ko sa kusina ay bumungad sa akin ang isang binatang lalaki na hindi ko kilala. Nakasuot siya ng isang puting t-shirt na pambahay at boxer shorts at mukhang kakagising lang din ng lalaki dahil magulo pa ang kanyang buhok.

Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. "Hey, mom! Good morning! I woke up earlier than you so I decided to cook breakfast." Mom? Ako ba iyon?

"Um...where are we?" Ang tanong ko sa kanya. Nalilito pa rin ako ngunit hindi ko pwedeng ipahalata na di ko siya kilala.

"Uminom nanaman ba kayo ng madami ni dad kagabi?" Tumawa siya. Nagulat ako dahil di ko inaasahang magtatagalog siya considering he looks a lot like a foreigner.

Wait. He looks a lot like RJ. Is he...Alex?

"Mom. We're in your house at the Hamptons. We decided to crash here after our dinner party last night. You wanted to go back to New York. Dad suggested we stay here for the night. Also, Athena needed to pick some things to bring to her dorm."

Athena? Buhay si Athena?

"Speaking of...here come my baby sister." Ang sambit ni Alex habang inilalagay ang niluto niyang bacon sa isang platong malaki. Nagulat ako ng biglang may smisang magandang dalaga na dumaan sa likod ko at bumeso.

"Good morning, mom." Ang kanyang sabi bago umupo sa lamesa at tumingin sa kapatid niya. "And, I'm not your baby sister. Kahit matanda ka ng ilang months, sabay lang tayo pinanganak." Tumingin si Athena sa akin at humingi ng tulong. "Diba, mom! Ang kukit ni Alex."

Tumawa lang si Alex. Naguguluhan pa rin ako dahil hindi ko alam kung ano ang nanagyayari. Hindi ko alam paano nabuhay si Athena at paano kami napunta rito sa Hamptons. Kaya naman umupo na lamang ako sa tabi ni Athena at oinilit intindihin ang mga nangyayari.

"Oh by the way, dad said Adie will be driving us to Boston. She's here and she's heading back there for a film shoot and since our school is close by, she'd be happy to take us." Ang sabi ni Alex habang nilalapag ang plato ng bacon sa lamesa. Dali dali namang kumuha si Athena.

"Slow down, sis! Tapos you complain that you're getting fat." Tumawa si Alex. Ang sarap pakinggan ng tawa niya ng mga panahong iyon ganun din naman si Athena dahil kahit na inaasar siya ng kapatid niya, tumawa lang din siya at patuloy na kumain.

"Wait, I thought dad would be driving us?" Ang tanong ni Athena habang kumakain.

"Adie offered. She didn't want mom and dad to leave here yet since it's their anniversary." Ang sagot ni Alex habang siya ay nagsasalin ng aming mga iinumin.

Anniversary? Kanino? Panaginip lang ba lahatbm ng nangyari? Pero bakit wala akong maalala sa nakalipas na napakaraming taon? Judging by Alex's age, 19 years have passed. Nalasing nga lang ba ako?

"Anong date ngayon?" Ang tanong ko kay Alex. Agad namang tumingin si Athena sa kanyang telepono at siya ang sumagot sa akin.

"March 30, 2038."

Nagulat ako nang may biglang umakap sa akin at humalik sa pisngi. "Good morning, love."

Hindi ko maipagkakaila ang boses na iyon. Alam ko ay tunay na nangyari ang lahat at alam ko na si Jake ang aking napangasawa, at namatay si Athena, ngunit paano nangyari ito? Paglingon ko ay tama ang aking hinala.

Nginitian ako ni RJ sabay halik sa aking mga labi. "Happy anniversary!"

Lalo ako nalito. Panaginip nga lang ba ang lahat na nangyari sa akin?

"So, we're staying here, apparently." Ang sabi ni RJ. Siya ay naupo sa tabi ko at nagsimula na din kumain ng niluto ni Alex.

"Dad, I have to go upstairs. I'm still not done packing." Ang sambit nito. Tumayo siya, kinuha angbkanyang plato at inilagay sa dishwasher. Kasunod naman niya si Athena.

"Me, too." Nagmamadali ang dalawang umakyat. "We'll see you in a few hours."

"RJ." Ang unang lumabas saking mga bibig habang tinitignan ko siya.

"Are you ok? Let's take a walk out the deck. Ang dami mo nainom kagabi." Tumawa siya. Hinawakan niya ang aking mga kamay at dahan dahang dinala patungo sa labas ng bahay namin.

Ang ganda ng lokasyon kung nasaan kami. Katabi pala ng bahay namin ay beach na. "I chose this place because I know you love beaches." Ang sambit niya habang nakatingin sa malayo.

"Maine, I love you. You know that, right?" Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata at naalala ko nanaman ang pakiramdam na iyon. Ang pakiramdam na pagiging mahal ng isang Richard Faulkerson Jr. At doon ko napag-isip na panaginip nga lahat ng nangyari sa akin. Eto ang katotohanan.

"I love you, too."

Hinalikan niya ako at ibinalik ko ang halik na ibinigay niya sa akin. His kiss tasted like strawberries and honey and everything sweet in the world, na matagal ko nang hindi nalalasahan.

Pero nagulat ako ng putulin niya ang halik. "This will have to wait." Lumingon ulit siya sa karagatan at nabigla ako sa sunod na kataga na kanyang sinabi. "This isn't real, Maine. Wake up."

Napabalikwas ako papalayo sa kanya at bigla nalamang ako napadilat.

"We got her back. She's alive. Hang in there sweetie, we lost you for a minute but we'll take care of you, ok?" Isang doctor ang nakatingin sa akin habang inaasikaso ako. "We need to take her up into the OR, stat!"

At doon ko naalala lahat ng nangyari. Alex and I were in a plane crash.

Unsteady (COMPLETED | An #imaginepamore MAICHARD fanfic spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon