05 Leaving

1.9K 128 18
                                    

December 2017
Bulacan, Philippines

"RJ? Ano ginagawa mo dito? Ang aga mo ah."

"Tay, I need to talk to Maine po. Ilang araw konna siya hinahanap. Tapos di ko na soya ma-contact."

"Iho pasok ka muna."

"Nasa loob po ba siya?"

"Wala siya eh. Sabi niya uuwi siya ngayon. Hindi ko lang alam kung anong oras ang dating niya."

Pinapasok muna ako ni Tatay Teodoro sa bahay nila. Nahihiya ako. Ex-boyfriend na nga, humahabol pa rin. Pero wala eh, mahal ko. Kailangan ipaglaban.

"Coffee?"

"Hindi na po. Kasi hahanapin ko ulit siya. Nagpunta lang ako dito kasi di ko siya makita kahit saan. Kahit sa mga usual na pinupuntahan namin."

"RJ. Huwag mo na pagurin ang sarili mo. Maghintay ka muna. Dadating din yun pamaya-maya."

"She's hiding from me po, Tay. Hindi ko na alam gagawin ko."

Hindi ko namalayan na unti unti nang tumulo ang luha ko. Ang sakit sakit ng ginawa niya sa akin at ngayon, ngayon na ipinagalalaban ko siya, hindi ko siya makita.

"Mahal na mahal mo talaga anak ko. Pagpasensyahan mo na at hindi ko kasi talaga alam na ganito pala ang nangyayari sa inyo ngayon. Ang sabi lang niya cool-off muna kayo."

Cool-off. That's a nice word. Puta. Kung cool-off kami, nagmumukha akong tanga dahil hindi mutual ang decision. Iniwan niya ako. Pati parents niya hindi alam.

"Hindi po. Tito…"

Nagulat siya nang mag-iba ang tawag ko sa kanya. Napansin niya iyon.

"Nak. Sabi ko tatay na lang itawag mo sa'kin."

"Nahihiya po ako. Nahihiya ako dahil nawalan hindi na kami ni Maine."

"Huwag ka mag-alala. Tinuring na kitang anak dahil napakabait mo kay Maine patibsa pamilya namin at kahit ano pa mangyari, iyon pa rin ang ituturing ko sa iyo."

"Salamat po."

Naiyak nanaman ako. Hindi ko kasi maintindihan kung balit ginawa ni Maine sa akin yun at kung bakit ngayon, hindi pa rin siya nagpaparamdam.

Dumating lahat ng kapatid ni Maine. Pati si Nanay Mary Ann, dumating na rin ngunit hindi pa rin dumating siya dumadating. Lahat sila'y nakausap ko na at lahat sila ay pare-parehong humingi ng tawad. Marami rin kaming pinagkuwentuhan at di ko akalaing mahal na mahal din ako ng kanyang mga kapatid at magulang tulad ng pagmamahal ko sa kanila.

Inabot kami ng gabi kakahintay ngunit hindi siya dumating. Alam kong maaaring pinagtatakpan lamang nila si Maine ngunit sa ipinakita nila sa akin, malayong mangyari iyon. Halata rin kasi na sa buong araw naming pag-uusap, hindi nila alam kung nasaan siya at hindi nila alam kung paano nila sasabihin sa akin.

Nagpaalam na lamang ako dahil alam kong may mga pasok pa sila bukas at inabot kami ng alas-onse ng gabi. Doon ko naramdaman ang kalungkutan nila nung aalis na ako.

Ilang araw ang lumipas, hindi ko pa rin siya mahagilap. Hindi kami nagkakasabay sa Baranggay at hindi kami nagkakasabay na ipakita sa telebisyon tuwing papasok kami sa Eat Bulaga. Pinilit kong mapuntahan siya ngunit tuwing pupunta ako ng patago sa lugar nila, nalalaman niya pa rin at dali dali siyang umaalis.

Inabangan ko siya sa lahat ng kanyang tinutuluyan ngunit kahit minsan, di ko siya inabutan. Nagulat na lamang ako nang biglang naibenta na ang dalawang condo units na kaniyang tinutuluyan at sinabi ng guards na hindi na doon nakatira si Maine. Lumipat na sa iba.

Unsteady (COMPLETED | An #imaginepamore MAICHARD fanfic spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon