20 Plane

1.3K 77 4
                                    

Present Time

Nagising ako na ang buong katawan ko ay masakit. Hindi ako makakilos. Hindi ko alam kung nasaan ako pero alam ko na nakahiga ako sa isang kagubatan dahil kita ko ang mga puno sa paligid ko. Hindi ko maigalaw ang aking leeg. Hindi ko maigalaw ang aking mga kamay at paa. Lahat ay masakit.

Dahan dahan kong ibinaling ang aking tingin sa gilid at kita ko na may usok na medyo malapit sa akin. At naalala ko ang lahat ng nangyari.

Ako ay dapat na nakaupo sa korte ngayon, naghihintay ng desisyon kung kanino mapupunta si Alex ngunit ako ay tumakbo, dahil nararamdaman ko na ang aking pagkatalo. Sumakay kami ng eroplano ni Alex at dadalhin ko siyang New York tsaka kami aalis papuntang Pilipinas.

Eroplano.

Alex.

Shit! Alex! Nasaan ang anak ko?

Sinubukan kong magsalita. Sumigaw. Ngunit, walang lumalabas sa akin kundi hangin. Hirap din akong huminga. Hindi ko naaalala ang nangyari. Ang alam ko lang ay tahimik kaming nakaupo ni Alex sa eroplano, siya nanonood ng cartoons, habang ako ay pinapanaood siya.

Hindi ko na naaalala ang kasunod.

"Help! Help us! Please!" Isang babae ang narinig kong sumisigaw mula sa aking kanan. Alam kong medyo malayo siya  akin dahil hindi gaanong rinig ang boses niya.

Pinilit ko ulit igalaw ang aking katawan. Masakit pero kaya ko. Nararamdaman ko. Ibig sabihin ay ako paralisado. Pero ang nakayanan ko lang igalaw ay aking mga daliri sa kamay at paa. Sinubukan ko naman ulit igalaw ang aking leeg pero hindi ko kaya ang sakit.

"Help! Help! There's a kid here! Help!" Kid? Sinong kid? Kahit na masakit  pinilit ko nang ibaling ang aking ulo kung saan nanggagaling ang sigaw. Kahit kaunti lang ang naigalaw ko ay nakita ko ang babae na nakatayo at sumisigaw. Nakita ko rin na kinakausap niya kung sino man ang nakahandusay sa lapag.

Flight stewardess ang babaeng sumisigaw. Duguan ang kanyang braso at may malaki siyang sugat sa noo na may bahid ng natuyong dugo. Naaalala ko kung sino siya.

"I would like to have a drink if it's ok." Ang tanong ko sa babaeng tumapat sa upuan namin ni Alex pagkatapos ko pindutin ang call button.

"Any drink do you have in mind?" Ngumiti siya at kahit kaunti ay napawi ang kaba ko sa gagawin ko ng araw na iyon.

"Vodka on the rocks for me and an orange juice for my kid here." Nginitian ko siya.

"Alright, I'll bring them back in a few minutes." Dali dali naman siyang umalis pabalik sa pantry ng eroplano.

Siya nga iyon. Siya ang isa sa flight attendants na kasama namin sa eroplano. Ngunit hindi  siya ang bumalik para magbigay ng mga inumin namin ni Alex.

Gusto ko siyang tawagin at sabihan na mayroon akong telepono sa bulsa ko ngunit hindi ko magawa dahil hindi ako makapagsalita. Saktong sakto ay may tumawag sa akin. Alam ko dahil naramdaman ko sa bulsa ko ang panginginig ng telepono. At doon ko napagtanto na hindi niya ito maririnig dahil naka-silent ang telepono ko.

Naalala ko na ilang beses tumawag ang lawyer, si Mae at si RJ sa akin. Tumawag din si Jake ngunit wala akong sinagot kahit sino sa kanila. Paulit-ulit kaya naman pinatahimik ko ang aking telepono.

"Here's your Vodka and here is his orange juice." Isang lalaking attendant ang bumalik sa amin dala ang aming mga inumin.

"Alex, what will you say?"

"Thank you!" Ang sambit ni Alex at agad bumalik ang atensyon sa palabas.

"Thank you…"

"Richard." Natigilan ako na pagsabi niya ng pangalan at agad ako napatingin sa mata ng attendant. "Just call me if you need anything else." Ngumiti siya at lumakad na paalis.

Nag-ring nanaman ang aking telepono at nag-vibrate ng nag-vibrate sa loob ng aking bulsa.

Doon ko narinig ang boses ulit ng babae. "You're Alex, right? Stay with me Alex. We'll find your mom later, ok? I'll keep you safe. I'm here."

Doon ko naintindihan na walang magandang naidudulot ang pagtakbo. Nasaktan ko si RJ nung tumakbo ako sa aming dalawa at ngayon, nasaktan ko si Alex dahil nagdesisyon akong tumakbo at itakas siya.

Sana'y mapatawad pa ako ni RJ, dahil sa ginawa kong ito. Sana ay mapatawad ako ni Alex dahil ipinahamak ko siya.

Mahal ko sila. Mahal ko pa rin si RJ. Bumalik lahat ng nangyari sa amin mula simula. Nakita ko lahat, flashing before me. I missed it. I missed him. I should've done better. I should have continued with us. I should have fought for us. Pero hindi. I ran. I kept running.

And now, there will be no chance.

"I'm sorry."

Unti unti akong nawalan ng malay.

Unsteady (COMPLETED | An #imaginepamore MAICHARD fanfic spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon