07 Tequila

1.9K 97 13
                                    

January 2019
Laguna, Philippines

"Tao po?"

"Oh! Maine!"

"Ay hello po, tito Richard."

Di mawala ang gulat sa mukha ng tatay ni RJ nang makita niya ako. Ako naman ay hiyang hiya dahil hindi ko alam kung tatanggapin pa rin niya ako matapos ang ginawa ko sa kanyang anak.

"Pasok ka. Anong ginagawa mo dito?"

"Ay, tito, andito po ba si RJ? Gusto ko po kasi siya makita. Kaso nung dumaan ako sa mga businesses niya, wala siya sa lahat ng iyon."

Nahiya akong pumasok. Nanatili akong nakatayo sa labas ng gate nila habang patuloy na nagtatanong.

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ng mga panahong iyon. Kinakabahan kasi ako kung tatanggapin pa rin niya ba ako. Nangingibabaw din kaso ang excitement na makikita ko siyang muli matapos ang isang taon.

Handa na ako simulan ulit sa umpisa. Iyon ang gusto kong sabihin sa kanya.

"Maine, sorry pero nasa US si RJ. Hindi ko pa kasi alam kung kailan ang balik niya. Naroon siya para sa isang business conference ng McDonald's at Chevron."

"Ay ganun po ba tito? Sige po aalis na po ako."

"Hindi ka na papasok?"

"Hindi na po. Nakakahiya. Dumaan lang po talaga ako."

"Ay sige, sabihin ko na lang na napadaan ka."

"Huwag na po tito. Salamat na lang po."

"O sige ingat ka."

"Tito, sorry po pala."

Tumingin ako ng diretso sa kanya bago tumalikod, at bumalik sa aking sasakyan at tuluyan nang umalis, palayo sa kanila.

Naramadaman ko ang kahihiyan. Kahihiyan sa mga ginawa ko, kahihiyan sa pagbalik sa kanya at kahihiyan na umasa pa rin ako. Di ko naiwasang pumarada sa mall na dinaanan ko at nagsimulang umiyak sa loob ng sasakyan ko.

Akala ko maaayos ko pa. Akala ko magagawan ko pa ng paraan para kami pa rin sa huli. Akala ko may aabutan pa ako.

Wala na pala talaga.

Naaalala ko ang sinabi ng tatay ko, na wala nang iba pang magmamahal sa akin katulad ng pagmamahal ni RJ. Hindi niya daw manintindihan kung bakit ko ginawa ang mga iyon. Sinisi din niya ang kanyang sarili dahil parang kasalanan niya na nagkulang siya sa akin.

Ngayon ko lang naintindihan kung bakit. Ngayon na wala na si RJ at wala nang babalikan pa. Tama nga yung kasabihan. Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o tao sa'yo kung wala na ito.

Kasalanan ko naman talaga. Nagpadala kasi ako sa sabi ng iba. Nagpadala ako sa mga taong naninira sa amin. Nagpadala ako sa mga nangyayaring hindi naman dapat pinoproblema.

Nagmaneho ulit ako at pumunta sa isang exclusive club sa maynila na pinupuntahan ko kung saan walang ibang makakaalam na artista ka at andun ka, na artista ka at may pinagdadaanan ka. Pagdating ko dun ay ininom ko ang nararamdaman ko.

Tequila.

Yun naman ang sagot ko sa lahat. Tulad na lang nung nakipagbreak ako kay RJ. Uminom ako ng uminom hanggang sa mawala yung sakit. At kinailangan kong lumayo para lang matigil ang pag-inom na iyon.

Mauulit na naman pala.

Nagulat na lamang ako nang may pumipigil na sa paghawak ng kasunod na shot glass na pupulutin at iinuman ko.

Si Jake Ejercito.

"Maine, tama na yan. Halika I'll take you home."

Gusto ko nanamang mawala ang sakit kaya naman hinila ko siya papalapit sa akin at hinalikan ko siya. Inisip ko na lang na si RJ iyon ngunit hindi gumana. Ramdam ko na iba yung halik.

Nauna siyang bumitaw at hinawakan ang aking mukha.

"You're drunk. I can't do this when you're drunk. I've been wanting you for so long pero not like this. I'll take you home."

Pero hindi niya ako dinala sa bahay namin. Nagulat na lang ako na pag gising ko ng umaga, nakahiga ako sa isang malaking kama, walang katabi pero suot pa rin kung ano ang aking suot kagabi bukod sa sapatos.

Nakita ko na lamang sa gilid ay may mga bagong biling damit at may isang note na nakalagay.

"Nasa gym lang ako. I had these bought for you kasi kagabi mo pa suot lahat yan at lasing ka."

Sa dulo ng papel may isang mas kaakit akit na sulat na parnag ginaya ang nasa libro ko na ibinigay sa kanya.

"See you later, klasmeyt."

Napangiti ako at dali dali namang nagtanggal na ng mga damit at pumasok sa napagandang banyo.

Matapos maligo, pag labas ko ng banyo ng nakatwalya lang, nagulat ako sa nakita ko. Si Jake nakatayo, naghuhubad ng kanyang T-shirt. Na nakatalikod sa akin. Magtatanggal na rin sana siya ng shorts pero napahinga ako ng malalim at natinig niya iyon at napalingon sa akin.

"Oh shit. Sorry, Maine."

"Jake. Totoo ba yumg sinabi mo kagabi?"

"Alin?"

"You've wanted me ever since we met?"

"Oo."

Tinignan ko siya ng diretso sa kanyang mga mata tulad ng ginagawa niya sa akin. Unti unti akong lumalapit sa kanya at ganun na din siya.

"I'm not drunk anymore."

Doon na siya nawalan ng kontrol at hinalikan ako. At lumaban din ako ng halik. Hindi ko alam kung bakit pero it felt right.

It felt right.

Unsteady (COMPLETED | An #imaginepamore MAICHARD fanfic spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon