06 Six Weeks

1.7K 131 11
                                    

Present Time
Beverly Hills

"Hun, tulala ka nanaman. Ilang linggo ka na ganyan. Don't worry. Malapit na tayo umuwi sa New York. Kaunting negotiations na lang."

"Babalik na tayo? Parang ayaw ko pa. Can we stay longer? Like a three month long vacation?"

"Oo ba. You still have my card. Bili ka lang ng gusto mo ha. Huwag ka mahiya."

"Ok, hun."

Pagkatapos magsalita ni Jake ay bumalik ang kanyang focus sa kanyang binabasa. Bumalik naman ang isip ko sa nangyari noong mga nakaraang linggo.

Iba talaga pag si RJ ang kasama ko. Ramdam ko na mahal pa niya ako. Ako naman tong si tanga na nang-iwan at nagtago sa kanya ng kaya naman hindi ko siya masisisi.

Pero ang sakit.

Kailangan ko lang naman ng space panandalian. Kailangan ko lang mag-isip. Kailangan ko lang huminga.

Isang taon lang naman ang kinailangan ko.

Napagod siya. Hindi ko alam bakit siya napagod. Ang ikling panahon lang noon. Wala na siya nang mga panahong nakabalik ako. Wala na siya nung handa na ulit ako.

Pero andun siya nung araw na iyon. Naramdaman ko na hindi siya nawala, na mahal niya pa rin ako.

"Hun, sa kasal natin, I'll have all our relatives fly out to New York. Para masaya."

Ikakasal na nga pala ako.

"Madami sila. Can we afford it?'

"Oo naman. Ako pa ba? Gagawan ko ng paraan."

Naiinis ako sa kanya tuwing sinasabi niya iyon kasi kahit hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pera, alam kong hindi basta basta nakukuha iyon.

"Huwag na. If it involves that much money, huwag na natin ituloy. I'll just give it doon sa lung cancer foundation na binibigyan ko monthly."

"Ok. I just asked. Basta yung family natin kailangan kumpleto."

Asa ka pa. Ayaw nga ng mom and dad ko sa'yo. Sa tingin mo mapapalipad mo sila papunta rito? Kaya nga ako sumama sa'yo at umalis ng Pilipinas kasi ayaw ako ng mga tao dun.

Kasalanan ko rin naman kasi.

"Fine. Basta mapapayag mo sila, ok sa akin yan."

Napatingin nanaman ako sa malayo. Naalala ko nanaman kung paano ako hinalikan ni RJ sa elevator nung araw na yun. Ramdam ko pa rin sa labi ko. Ni isang beses ay hindi ko naramdaman yun kay Jake at sa iba pang naging boyfriend ko bago si RJ. Sa kanya lang talaga.

I miss him. I really do.

Nalilito ako.  Masaya ako diba? Masaya naman ako kahit na nawala si RJ sa akin. Masaya ako kay Jake. Masaya ako na nandiyan siya. Masaya ako.

Pero mas masaya ako sa paghawak ni RJ sa akin. Sa paghalik niya. Masaya ako sa ginawa namin kahit pa bugso lang iyon ng damdamin. Ngayon ko lang ulit naramdamn ang saya na iyon.

Pero hindi ko na kayang ulitin. Marami nanamang maaapakan, masisira ang buhay kapag bumitaw ako kay Jake. At higit sa lahat, may buhay na si RJ dito. Hindi ako basta bastang pwedeng bumalik sa kanya.

Goodbye Maine.

Yun ang sabi niya ng isang araw. Nagpaalam na talaga siya. Nilagyan na niya ng tuldok ang storya namin.

Bigla na lang ako nahilo at parang nasusuka. I haven't even eaten anything dahil halos kakagising lang namin. Tumakbo ako papunta sa banyo, ni-lock ang pinto at sumuka sa toilet bowl.

Di ko namalayan na kasunod ko na pala si Jake sa likod ko.

"Hun, ok ka lang? Bigla ka kasi tumakbo."

"Ok lang ako. Naramdaman ko lang yung tiyan ko agad."

Pero hindi ako nakaupo. Nasa sahig ako, nakaupo, iniisip kung anong kinain namin kagabi.

At doon ko naalala na ilang araw ko na nararamdaman to. Dali dali kong kinuha ang telepono ko sa bulsa at tinignan kung anong petsa na.

November 25, 2022. Anim na linggo nang nakakaraan nung ginawa namin ni RJ ang hindi dapat.

"Fuck."

Unsteady (COMPLETED | An #imaginepamore MAICHARD fanfic spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon