17 Not Anymore

1.5K 89 10
                                    

Present Time
San Diego, California

"Hi, yes. It's me." Sambit ni Adie sa telepono habang naghihintay kami sa hospital laboratory's waiting area. "I have a job for you." Nakarinig ako ng ilang "uh-huh" kay Adie bagi niya binaba ang telepono.

"What did he say?"

"He'll meet us for lunch tomorrow. I'm excited!" Ngumiti si Adie na parang nanalo sa lotto. "You think these kinds of things happen only on TV."

"Tell me about it. I'm still just confused. I don't know what I need to do. I know what I want." Tumingin ako kay Adie ng diretso at huminga ng malalim. "If Alex turns out to be my son, I want him mine. Maine took a lot of things from me. I'm not letting her take one more thing away."

"I get you but what about your career and all of the other things you have going on right now? This is going to be messy. And I can't even begin to imagine what Sophie's going to say." Tinignan ko lang si Adie dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya.

Natigil ang paguusap namin nang lumabas ang isa sa lab technicians. "Mr. Faulkerson, here are the results for the test you requested." Inabot niya sa akin ang isang papel na nakatiklop at biglang tumingin kay Adie. "Adie, you know I could fired for this."

"Yeah, well you'll do it for me anyway because you're my best friend." Kinindatan niya ito at hinalikan sa pisngi. Nagbuntong hininga lang ang lalaki.

"I'll put that in record but asking for that will cost you next time. I have to get back to work." Hinalikan muli ni Adie ang kanyang kaibigan sa pisngi bagi niya ito pinabalik sa loob ng laboratoryo.

"So, what does it say?" Agad siyang tumabi sa akin at sinilip ang papel na dahan dahan kong binabasa.

"The alleged father is the biological father of the child tested. The result will show a probability of paternity of 99.99%." Tatlong beses ko inulit ang basa ko sa resulta.

"You're right! Alex is your son!" Ang malakas na sigaw ni Adie sabay akap sa akin. Pero nagulat siya nang makita na hindi ako masaya. "What's wrong? This is what you wanted."

"I know. I'm just so angry right now. I'm seething." Pilit kong kinakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng paulit ulit nanpaghinga ng malalim ngunit hindi ko magawa.

Alam ko na alam niya na hindi si Jake ang ama ng bata. Alam ko na takot siyang malaman ang totoo. Pero ngayon, isang bagay nanaman ang kinuha ni Maine sa akin. Kinuha niya ang karapatan kong maging tatay sa anak ko. Kinuha niya ang dalawang taon na dapat namulat ang mata ng bata na ako ang ama niya at hindi ang gagong Jake na iyon.

"I want my son back, Adie. I want him back and I'm gonna make sure that I get full custody of our child. She took him away from me, made it seem like I didn't exist. If I have known, I would have given her a chane for joint custody."

Inakap na lang ako ni Adie ng mahigpit at doon ako unti unting kumalma. "We can fight this. From what I can see, you have a very good chance of winning this. We just need…"

"Evidence. We'll start getting it as soon as we talk to your guy tomorrow." Ngumiti ako. Alam ko kasi na tama siya. Bukod dun, makukuha ko ang anak ko. Pero di mawala ang galit na nararamdaman ko.

Ilang taon na ang nakakalipas matapos ang nangyari sa amin ni Maine. Akala ko matatapos na ang pag-sira niya sa akin. Akala ko makakawala na ako sa mga pasakit na ginagawa niya sa buhay ko. Ngunit matapos ang napakaraming taon na nakalipas, heto nanaman siya. Hindi na ako papayag na ako ang mawalan.

Hinding hindi na.

Unsteady (COMPLETED | An #imaginepamore MAICHARD fanfic spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon