22 It's Going To Be Okay

1.6K 87 10
                                    

Present Time
OU Medical, Oklahoma

Bukod sa sarili kong isip, ang naririnig ko lamang ay ang mabagal na tibok ng puso sa cardiac monitor ng aking anak na si Alex. Ang sabi sa akin ng mga doktor ay naagapan nila lahat ng dapat agapan ngunit malubha pa rin ang kanyang kalagayan dahil sa trauma na pinagdaanan niya. Wala pang 48 hours makalipas ang pagbigay sa akin ng sole custody ay may ganito nang nangyari.

He survived. Doon ako nagpapasalamat dahil nabuhay siya.

"Hey." Di ko napansin na pumasok pala si Adie sa loob ng ICU room ni Alex.

"Hey." Ang mahinang sagot ko.

"You know you look like shit. I'll take over for a bit so you could get a cup of coffee and clean yourself up." Ang sabi niya.

"Are you sure? Is it okay?"

"Go. I'll be here. You don't have to worry." Ngumiti siya sa akin at hinintay ako makaalis sa upuan. Dahan dahan naman akong lumabas ng kwarto para hindi maistorbo si Alex.

Katabi ng kwarto kwarto niya ang kwarto ni Maine. Nadaanan ko ito at hindi ko maiwasan mapatingin. Kasama niya sa kwarto ang kaibigan na Mae at halatang wala pa din itong tulog dahil sa pagbabantay.

Naisipan kong pumasok dahil gusto ko din malaman ang kanyang kalagayan.

"Kamusta na siya?" Ang malumanay na tanong ko kay Mae.

"She hasn't woken up yet. Doctors said it could be a while." Napatingin ako kay Maine. Napakaraming IV ang nakakabit sa kanya. Mayroon din siyang tubo sa kanyang leeg na nakakonekta sa ventilator. Mabagal ang tibok ng kanyang puso. "Sabi nila her injuries were severe and they did their best pero she had arrested twice during surgery kaya hindi nila alm kung hanggang saan ang extent ng damage sa kanya."

Lumapit ako at hinawakan ang kanyang kamay. "Maine, please come back. Alex is alive. He needs you. I need you." Matapos ko sambitin iyon ay nagpaalam na ako kay Mae at lumabas na papuntang cafeteria.

Pagdating ko sa cafeteria ay agad akong bumili ng pagkain at umupo sa isang sulok malayo sa mga tao. Nagulat na lamang ako nang umupo sa lamesa ko ang isang pamilyar na mukha. Si Jake.

"I'm not here to fight. Gusto ko lang malaman how she's doing. Apparently, I'm not her contact person anymore." Tinignan ko lang siya at bakas sa kanya ang lungkot at pagsisisi sa nangyari at sa mga nagawa niya.

"You're not here for Alex?" Ang tanong ko agad sa kanya.

"No. I mean I learned to love the kid pero tanggap ko na hindi siya talaga sa akin and I am happy with the court's decision." Ang sabi niya sakin. "But I'm not happy that it turned out this way." Tinignan ko siya ng masama dahil para na rin niyang sinabi na kasalanan ko ang lahat ng nangyari. "I mean it's not your fault. It's nobody's fault. It's just…"

"…it didn't turn out the way anyone expected it to." Ang dugtong ko sa kanyang sinasabi.

Pareho kaming natahimik. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain at siya naman ay nakatitig sa malayo. Matapos ang ilang minuta na ganoong postura namin siya na ang naunang nagsalita.

"Whatever happens today man, I'm sorry. For everything."

Patayo na siya pero nagsalita din ako kaya natigilan siya at lumingon ulit diya sa akin. "You don't have to apologize. It was my fault. I broke your family."

"Wala kang ginawa. She's always been in love with you. I know mahal niya rin ako pero it's still you. She's never gonna love anyone as much as she loves you." Agad siyang tumayo at umalis na.

Tahimik akong naupo sa lamesa ko habang umiinom ng kape at doon ko naisip na mahal ko pa rin si Maine, kaya naman dali-dali akong bumalik sa ICU para puntahan siya at sabihan na lumaban siya. Hindi man niya ako mapatawad sa mga ginawa ko sa kanya, ang gusto ko lang ay mabuhay siya.

Pagdating ko sa ICU ay nagulat ako na gising si Maine. Pumasok ako ng dahan dahan at agad ako'y napansin niya. Di siya makasalita dahil sa tubong nakakabit sa kanyang leeg ngunit alam ko kaagad ang kanyang gustong malaman dahil kita ko sa mata niya ang pag-aalala.

"Okay si Alex. Nasa kabilang kwarto siya at minomonitor ng maigi. Kasama niya din ang kaibigan kong si Adie kaya huwag ka na mag-alala. Just rest. Get your strength back para makasama mo ulit siya." Ang sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko pero hinawakan ko ang kanyang kamay. Alam kong naramdaman niya dahil napanhiti siya at naramdaman ko ang pagkapit nito sa akin.

Nagkatinginan lang kami ng matagal at nakita ko ang luha sa kanyang mata. Sabay nito ang pagsambit ng kanyang mga labi ng "I'm sorry." at "Take care of Alex." Pagkatapos noon ay agad naman siyang napapikit at biglang tumunog ang mga aparato na nakakabit sa kanya.

Nagulat na lamang din ako nang biglang nagdatingan ang mga nurse sa loob ng ICU. "She's crashing!" Ang sigaw ng isa. Napatayo na lang ako sa gilid katabi ni Mae. "Ma'am, sir, I need both of you to step out now please." Ang sambit ng nurse at agad pinindot ang code blue button sa pader.

Paglabas namin ay agad dumating ang doktor ni Maine at tinignan ang kanyang status. "Ma'ma, sir, we need to take her up into an OR. She's hemorrhaging into her brain.

"Do what you have…" Ang sinumulan kong sabihin pero naputol ito dahil nagulat na lamang ako nang lumabas si Adie mula sa room ni Alex.

"We need some help over here!" Ang kanyang sigaw. Agad namang lumapit ang isang nursa at napansin ko na pinindot niya rin ang code blue button mula sa kwarto ni Alex.

Iniwan ko ang doctor na kausap ko at agad akong pumunta sa kwarto na iyon at pumasok. Kasunod ko ang ibang mga nurse na may dalang cart at ang dalwang doktor ni Alex.

"Sir, you can't be in here." Ang sambit ng isang nurse sa akin. Pansin ko na lang na may mga ibinibigay silang gamot at kasabay nun ay ang ultrasound sa kanyang tiyan.

"What's going on, doctor?" Ang agad kong tanong habang ako ay dinadala palabas ng ICU room ni Alex.

"There's been a complication of his previous surgery and we need to take him up into an OR immediately. He's bleeding internally and we need to stop it from the inside." Ang sagot niya sa akin. "We'll take care of your son, Mr. Faulkerson."

"Keep him alive!" Ang tangi kong nasabi habang inilalabas na nila si Alex at dinala na papuntang OR.

Napaakap na lang ako kay Adie at naiyak dahil sa nangyayari.

"It's going to be okay. They're both going to be fine." Ang sambit ni Adie. Sa loob loob ko ay nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari.

Unsteady (COMPLETED | An #imaginepamore MAICHARD fanfic spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon