16 His

1.4K 91 6
                                    

Present Time
Beverly Hills, California

"He has my eyes, Adie.I don't know what to do." Ang mahinabg bulong ko habang nag-uusap kami ni Adie sa isang kwarto na ipinahiram sa amin ni Ms. Anderson dahil napansin niya sa mga mukha namin na may problema.

"First, we're not sure if he's even yours." Ang sagot ni Adie. Hinawakan niya ako sa balikat at tinignan ng diretso. "Calm down. Talk to her. They will he dismissed in about 15 minutes so we'll wait for his mother." Ang mahinahong sambit ni Adie. Tinignan ko lang siya, tumango at huminga ng malalim.

Hindi ako makapaniwala na nandito nanaman ako sa posisyon na 'to. Panibagong pagsubok na si Maine nanaman ang dahilan. Buong akala ko ay tapos na ang parte ng buhay ko na iyon.

Naisip ko lamang na kung anak ko nga siya, walang karapatan si Maine na itago ito sa akin. Ako ang ama ng bata at ako dapat ang kasama nito at hindi ang gagong Jake na iyon. Kung akin nga ito, hindi ko hahayaan pang kuhaan muli ako ni maine ng parte ng buhay ko.

Paglabas namin ng kwarto ni Adie ay agad sumalubong si Ms. Anderson. "Is everything going to be all right?"

Ngumiti lang ako. Si Adie naman ang sumagot. "I hope so. I really do."

"Hey buddy!" Agad ko namang nilapitan muli si Alex at dali dali naman itong nakipaglaro muli sa akin. Ramdam ko  na mayroon talaga kaming naging koneksyon ng bata at di maipagkakailang maaaring anak ko nga ito.

Makalipas ang labing limang minuto ay tumunog na ang school bell. Tuwang tuwa naman ang mga bata dahil uwian na nila. Kita ko naman na medyo nalungkot si Alex dahil uuwi na siya at mawawalan na siya ng bagong kalaro.

"Mommy is here. Can't I play with you at home?" Ang tanong sa akin ni Alex. Naalala ko bigla ang mga video ko nung bata ako. Parehong pareho kami ng boses. At doon ko napagtanto na nakatayo na pala sa likod ko ang mommy niya.

Umasa pa rin ako na sana ay hindi si Maine ang nanay ng batang ito dahil kung ganoon nga ang mangyayari, maaaring hindi ko anak si Alex at hindi magiging komplikado nanaman ang buhay ko. Pero paglingon ko ay hindi ako nagkamali. Si Maine ang nanay ng batang ito.

"RJ." Gulat na gulat siyang nakita ako. Bigla din napansin ko na nagkaroon ng takot sa kanyang mga mata.

"Maine."

"Hey, Alex! Mommy's here. Let's go home." Ang bigla niyang pagyaya sa anak niya. Lumapit naman agad si Alex pero hindi bago umakap muna sa akin. Nagulat ako sa ginawa ng bata. Dali dalinaman itong sumunod sa kanyang nanay at humawak sa kamay nito.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tumayo ako sa kinauupuan ko.

"Na ano?" Pansin ko na hindi komportable si Maine sa tanong ko at natigilan siya. Napatingin naman si Alex sa mommy niya.

"Alam ko anak ko si Alexander. Ramdam ko." Agad kong sinabi sa kanya. Tumingin siya ng diretso sa akin, halatang iniispi kung ano ang kasunod niyang sasabihin.

"Anak siya ni Jake." Ang maikli niyang sagot at tumalikod na ulit siya at dahan dahang naglakad palabas.

"We'll see about that." Sagot ko lang sa kanya.

Hindi na siya lumingon ulit sa akin at dumiretso na siya palabas ng school. Tumabi naman agad si Adie sa akin at hinawakan ako sa braso.

"I'm guessing she said Alex is her husband's son?" Tanong niya sa akin.

"Yep. You still have a contact with the hospital with fast DNA results?"

"Yeah, why?"

"We're going there now." Nagtaka siya sa sinabi ko pero naintindihan niya nung nilabas ko ang panyo ko at inilagay ang dalawang strand ng buhok na nakuha ko mula kay Alex. "We'll see if that kid is really Jake's son."

Unsteady (COMPLETED | An #imaginepamore MAICHARD fanfic spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon