15 Delayed

1.3K 83 8
                                    

Present Time
Beverly Hills, California

Pagkahatid na pagkahatid ko kay Alex sa day care center ay agad akong pumanta sa Gynecologist ko na sinabihan ako na dumating na ang resulta ng pinagawa kong lab test sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng mga panahong iyon. Hindi ko rin alam kung anong resulta ang gusto kong makita sa lab test na ipinagawa ko sa kanya. Ngayon lang din kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob para gawin ito.

Pagkadating na pagkadating ko ay agad niya akong pinaupo at binigyan ng isang nakatuping papel. "What are you trying to accomplish here, Ms. Mendoza? Just know that whatever your agenda is, I'm not willing to be a witness in any courtroom."

"I just wanted to know the truth. For me. That's all. There will be no legal battles or whatever. I just need my mind pacified with all that has happened in my life." Ang sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at hinintay na akong basahin ang resulta ng lab test.

"The alleged father is not the biological father of the child tested. The result will show a probability of paternity of 0%"

Iyon ang nabasa ko na nakasulat sa resulta ng DNA test na ipinagawa ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala dahil si Athena ay nabuo matapos ko makipagtalik kay Jake, anim na linggo ang nakalipas matapos ng ginawa namin ni RJ.

"Doc, how is it possible that Jake isn't the father when he's the only person I slept with within that time?" Ang tanong ko sa kanya.

"Maine, dear, remember that you have a condition called uterine didelphys, which means you have two uteruses. In a normal pregnancy, it is possible to have delayed pregnancy, also called late conception. You have increased chances of getting that when you have 2 completely different uterus inside your body. It can also mean that your first born, could have or may not have the same father as Athena."

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa mga panahong iyon. Hinawakan ako ng doctor ko sa braso dahil napansin niyang nagkakaroon ako ng anxiety attack. "Maine, it's ok. It happens. I just don't know why you had me do this test if it will give you anxiety."

"I was just curious." Huminga ako ng malalim at inayos ang aking sarili bago ulit ako nagsalita. "I know it won't change anything. My baby, Athena, still didn't make it."

"I know. I'm sorry for your loss." Ang kanyang mahinhing sagot.

"Just promise me that Jake won't know know any of this. Please. Doctor patient confidentiality should apply to us." Ang sambit ni Maine.

"Yes, that applies to us. I won't tell anyone. This stays with us. This also means that this test didn't happen." Kinuha ng aking doctor ang resulta at dali daling dinala sa kanyang paper shredder.

Agad rin akong nagpaalam at dali daling umalis. Gusto ko nang makita si Alex. Hindi ko hahayaang mawala siya sa akin tulad ni Athena.

Unsteady (COMPLETED | An #imaginepamore MAICHARD fanfic spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon