10 Positive

1.9K 108 21
                                    

Present Time
Beverly Hills, California

It can't be his. It just can't.

Malaki na kasalanan ko kay RJ at malaki na kasalanan ko kay Jake. Hindi pwedeng madagdagan pa ang problema ko.

"Hun, punta lang ako sa store. I need stuff. Lady stuff."

"Okay, hun. I'll see you later. Punta muna ako sa meeting ko. I can't believe last na yun. Makakapagbakasyon na tayo after."

Ngumiti lang ako kay Jake at dali dali nang lumabas ng apartment na tinutulyan namin. Dala ang isa sa kaniyang mga sasakyan, pumunta agad ako sa pinakamalapit na tindahan.

Isang linggo na nakakalipas matapos ako magsuka suka sa banyo pero tumigil naman na iyon. Akala ko may nakain lang talaga kami ng tatlong sunod-sunod na araw pero umulit nanaman siya kaninang umaga. At alam ko hindi normal iyon dahil wala kaming kinaing kakaiba kagabi.

Pagpasok ko sa tindahan ay kumuha ako ng sampung iba't ibang pregnancy test kits at ginamit ko ang debit card ni Jake para mapadali na makauwi ako kaagad at makita king tama nga ang hinala ko.

Paano kung buntis ako? Si RJ ba ang ama?

Agad agad kong sinilip sa Google ang sintomas ng pagbubuntis at kung kailan lumalabas ang "morning sickness". Nakalagay sa ibang babasahin ay 10 to 13 weeks pero may nagsasabi na as early as 6 weeks, pwede nang lumabas ito.

Seven weeks na nang kami ay magtalik ni RJ. Ang sumunod doon ay ang pagtatalik namin ni Jake na tatlong linggo pa lang ang nakakalipas.

"Shit."

Hindi ko akalaing mapapamura na lang ako ng malakas habang nagmamaneho pauwi. Pagdating na pagdating ko ay agad akong dumiretso sa banyo ay kinuha ang isa sa pregnancy test kits.

Positve.

Pwede namang false positive lang to. Isa pa ulit.

Positive.

Positive.

Positive.

Sunod sunod na positive. Inubos ko na ang sampung kits ngunit lahat sila ay pare-pareho ang lumabas.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko kayang lokohin muli si Jake, hindi ko rin kakayaning sirain muli ang buhay ni RJ pag sinabi ko sa kanya ito. Binitiwan na nga niya ako ng tuluyan diba?

Nagulat na lamang ako nang biglang tumunog ang telepono ko.

"Hello?"

"Hun, medyo male-late ako mamayang gabi pauwi. Meeting will take longer than expected."

"Ok lang. Take your time."

Ibinaba ko na ang aking telpono at dali daling nag-isip. Hindi kay Jake to. Hindi kay Jake ang dinadala ko. Pero paanong magiging kay RJ?

Naalala ko na lamang na hindi kami gumagamit ng kahit anong proteksyon bukod sa pills na iniinom ko dati. Nasanay siya at gaanoon pa rin ang kanyang ginawa seven weeks ago.

"Fuck. Fuck!"

Kinuha ko lahat ng pregnancy kit at inilagay sa isang bag ko. Hindi dapat makita ni Jake na may bakas ng kahit ano mang test na iyon sa loob ng bahay.

Dali-dali akong umalis at nagtungo sa pinakamalapit na ATM. Pupunta ako ng ospital at hindi ko pwedeng ipambayad ang nasa credit card ko dahil malalaman iyon ni Jake. Hindi rin pwede ang kanyang debit card dahil makikita niya iyon bilang hospital bill at hindi niya maiiwasang magtanong.

Kailangan ko lang makumpirma.

Agad naman akong nakapagpaschedule sa isang OB-Gyne at sinabi niyang kailangan kong magpa-ultrasound. Makikita naman na iyon kung talagang pitong linggo na akong buntis.

Paglapat na paglapat ng malamig na doppler ng ultrasound sa aking tiyan, nahiba agad amg wangis ng mukha ng doctor.

"Doc, is something wrong?"

"No. Absolutely none. It's just..."

Natahimik siya. Nag-isip. Siguro tinatantsa niya kung paano niya sasabihin sa akin na hindi ako buntis o may malalang sakit ako.

"You have two uteruses, I don't even know if that's the right english term, inside your body. It's a condition called uterus didelphys. And you're pregnant with two different aged embryos."

Napatingin lang ako sa kanya sa sobrang gulat.

Unsteady (COMPLETED | An #imaginepamore MAICHARD fanfic spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon