Episode 28: Hidden Past: The Past
Third Person...
20 years ago...
Pagkatapos ng seminar, may lumapit na dalawang lalaki sa kanila.
Ang isa ay ang speaker kanina na sinasabing pinakabatang professional scientist. His hair was messy na para bang sampung taong hindi nasuklayan. Maputla ang mga labi niya at brown na brown ang mga mata at mahahalatang hindi siya isang pinoy.
"Anneong Haseyo. Nae ileum-eun, Park Hyun Ji ida. What's yours?" tanong niya sa dalawang babae.
Nagkatinginan ang dalawang babae.
Mukhang Koreano pa ang isang ito.
"Hello, I am Sam and this is Grace." pagpapakilala na lang ni Samantha sa kanilang dalawa.
Samantha was friendly. She always found everybody harmless.
Kabaligtaran ni Graciella. She thought that everybody were harmful."Nice name. Mine is Shunsui. The guy beside me is Hyun. If you're interested, here is the contact number of our company. You can enter if you want to." saad ng kasama lalaki ng Koreano na mukha namang Hapon pero ayos naman ang buhok.
"Thanks for this. But we really need to go. We still had class to attend." pagpapaalam ni Graciella sa kanila at kinaladkad na si Samantha palabas sa seminar room.
Mukhang tinamaan pa ata si Samantha doon sa Hapon ha!
"Oy, bakit nagpaalam ka naman agad? Kita mong nakikipag-usap pa yung tao eh!" naiinis na sabi ni Sam.
"Can't you see they looked harmful? Lalo na yung Koreano na mukhang sinabugan ng kung ano sa science lab. I can't trust them." mahinahon na saad naman ni Grace.
Sam rolled her eyes.
"Trabaho na nga ang binibigay sa atin, ayaw mo pa. At isa pa, kailan ba dumating ang araw na hindi ka nagduda sa isang tao. You find everybody harmful." inis pa ring saad ni Sam.
Grace just sigh in defeat.
Hindi naman na siguro nila makikita ang mga iyon.
2 years later,
Isang mensahe ang natanggap ni Grace mula sa Giftia Laboratory na pinipili siya nito bilang isa sa mahigit limang daang chemist ng lab.
Ang Giftia Laboratory ang pinakamalaking paggawan ng mga chemicals.
Labis niya iyong ipinagtaka.
Hindi niya pinangarap na makapasok sa isang lab na walang particular na ginagawang chemicals.
Sigurado siyang hindi siya nagpasa ng biodata rito.
Pero hindi na lang niya ito matanggihan. Two years na siyang nag-aapply ng trabaho ngunit hindi pa rin siya natatanggap.
Kaya hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon. She immediately grabbed the offer and the head scientist wants her to come over the place.
Lalong naghinala si Grace na may kakaiba rito.
To satisfy her curiosity, pumunta siya sa sinabing lugar at lalo siyang kinabahan ng bumungad sa kanya ang isang Korean scientist na parang sampung taong hindi nagsuklay.
"Nahanap ka na rin namin. Ang susi para matapos na ang chemical formula na siyang magbibigay sa isang tao ng maximum intelligent." ani nito sa kanya na diretso ang pagka-Filipino.
Isang frowned ang binungad ng dalaga sa Korean na kaharap.
How come she became part of that project na kahit kailan ay hindi naman niya naisip gawin?
BINABASA MO ANG
Giftia Academy: School for Geniuses
ChickLitDo you feel that you are different from the others? Maybe because you are in a wrong place. Maybe you are eligible to enter Giftia Academy wherein all the geniuses are made not born. Join Sakura as she finds a place that suits for her.